PANG-58: Red

8.3K 282 32
                                    

That morning, the birds sang for her as if she's the most beautiful creature on Earth.

Her princess-like gown was a Designer's masterpiece. Her jewelries were extravagantly sparkling with diamonds. She arrived, riding on a Limousine.

Una niyang ibinaba ang paa niyang may suot na mamahaling sapatos. She got out of the car like a statuesque covered with veil, though, it's just an ordinary wedding day. The only difference was... she wore a red wedding gown.

Nakangiti ang mga tao nang bumukas ang  pinto ng simbahan, but when they've all set their eyes on her, napawi ang saya ng mga ito at napalitan ng gulat at pagtataka. She already knew what they've wanted to ask ㅡ Bakit siya nakapula?

She smiled sarcastically inside her white veil. Nakita rin kasi niya ang gulat na reaksyon ng kanyang amang lumapit sa kanya upang siya ay ihatid sa altar, at ang reaksyon naman ng lalaking naghihintay sa kanya sa harap. They have the same expressions ㅡ surprised. Ngunit nadagdagan lang ng pagkadisgusto ang sa daddy niya.

"What is this, Skylight? Why are you wearing red?!" Pabulong nitong panenermon, halatang hindi nito nagustuhan ang eksena niya.

Taas-noo siyang humingang malalim, pilit inignora ang disgusto sa mukha nito. "Isn't it that red is for love?..." She confidently asked, trying to put a smile on her face as they started walking slowly down the aisle, with the wedding song played by a pianist . "I want to be as unique as possible today." Dagdag niya, na hindi na kinontra pa ni Mr. Ong.

Actually, she did not hear any word of disagreement or outrage from her father the moment Kinn informed them about their marriage. Ang inasahan niya ay magagalit ito dahil alam naman nitong sobrang nasaktan at nasasaktan si Adrianne dahil biglaang hiniwalayan ni Kinn ang babae, but Skylight heard nothing from her Dad. Ni hindi ito nagalit ng kaunti, sa halip ay kinakitaan pa niya ito ng kakatwang saya.

Kung tungkol naman sa kanyang step-sister, wala siyang alam. Naglayas ito matapos itong hiwalayan ni Kinn, pero batid niyang alam ng Mommy nitong si Estrelita kung nasaan ito. Ngunit nakahanda naman siya sakaling bigla itong lumitaw sa simbahan at guluhin ang seremonya ng kasal.

Napatitig siya sa mga matang nakatitig sa kanya nung mga sandaling iyon. Kinn was happily smiling with adoration in his eyes. Euphoria siguro iyong nangyayari sa lalaki. Ngunit sa kanya... hindi. Kung ginusto nito ang kanilang kasal, siya... hindi. Her heart will never be where she was that moment. But she's already within Kinn's reach, iaabot na lang niya ang kanyang kamay rito. Bumitaw naman siya sa Daddy niya nang tapikin nito ang balikat ni Kinn, as a sign of his consent.

Nagkamayan ang dalawa tapos umupo na ang kanyang Daddy, saka siya tiningnan ng groom nang may paghanga at kaligayahan. Inilahad nito ang braso nito upang hawakan niya, subalit hindi siya gumalaw. She just gazed at him for quite a moment. Marahil ay nagtaka ito sa kanyang ikinilos dahil nakita niyang gumalaw ang mga kilay nito. So, she took a deep breath before pulling up her veil to show her bare face ㅡ she was not on a wedding make-up, naglagay lamang siya ng lip tint.

Shock and confusion hit Kinn's face. Lalo na nang simulan niyang magsalita.

"Today isn't my wedding day..." She said in a way that's enough for the whole church to here. His brows bumped and his eyes narrowed. "I'm not here to marry you, Kinn... I went here to tell you... that I'm not going to marry you no matter  what springs up."

"Are you kidding ㅡ?"

"Skylight, what are you doing?!" Pagalit na tanong ng ama niya. Nagsimula naman ang mga bulung-bulungan mula sa mga kamag-anak at mga bisitang naimbitahan. "Don't try to ruin your own wedding ㅡ."

"Hindi ikaw ang ama ng anak ko." She articulated while staring at the surprised guy in tux. "Nung una pa lang, Kinn, alam kong nagsisinungaling ka ㅡ."

"Skylight, hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo."

"STOP! DON'T TOUCH ME!" Sigaw niya nang tangkain nitong hawakan ang kanyang kamay. "Kinontsaba mo pa yung doktor para sabihing nagma-match ang genes at cells ninyo ng anak ko..." Nanggigigil sa galit na pahayag niya. "99% matched?!..." Napangisi siya ng may pag-uyam. "It should be 100% unmatched... Umpisa pa lang, niloloko mo na ako... Saka ko lang na-realize... you have never loved me, that you have never fallen in love with me because it was Adrianne whom you wanted. Not me..."

"Bakit gusto mo akong makuha ngayon? Bakit gusto mo akong maging asawa? Dahil na-realize mo na wala na akong nararamdaman para sa'yo, tama ba? Dahil akala mo hindi kita kayang kalimutan at palitan. O dahil ayaw mo lang akong makitang maging masaya sa piling ng iba?" She almost broke down. "Selfish prat. I'm not that young and wasted girl anymore. Hindi na ikaw ang pangarap kong makasama habang-buhay." Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang tinatanggal niya ang pagkakatali ng belo sa kanyang buhok. "I'm gonna marry the right person, and that right person is not you... It will never be you, Kinn." Binitawan niya ang belo at nalaglag iyon sa tabi ng laylayan ng kanyang gown.

"Please, stop bothering me..." Saad niya bago siya lumingon sa kanyang Daddy, at sa babaeng kakapasok lamang at kasalukuyang naglalakad sa aisle. "You've started all the messes in my life so I came here to finish it... I'm so done with all of you." She continued just before she started walking back to where she came from. Taas-noo. Tumayo naman ang ilang kalalakihan mula sa mga upuan sa likod, hindi upang harangan siya, kundi upang guwardiyahan siya palabas ng simbahan.

She walked confidently, overlooking the horrible and wondering looks from everyone in the seats.

"He's all yours, don't worry..." Pahayag niya nang makatapat na siya kay Adrianne. "Sooner or later, makakaasa kang hindi na ako parte ng pamilya ninyo." Nagpakita siya ng matalim at nakaka-intimidate na tingin sa kanyang step-sister. "Everything's all yours now...including my father and his wealth."

Wala siyang planong pakinggan ang anumang lalabas mula sa bibig nito kaya tuluyan na siyang lumabas ng simbahan, umaasang sana wala na talagang gulong mangyayari.

Melvin drove her to her new house kung saan naghihintay ang anak niya at si Nimfa. Nagpalit siya ng damit, nag-ayos ng buhok at habang nasa harap siya ng salamin, pumasok sa isipan niya si Dos. Isang buwan na niya itong hindi nakakausap, at oo, sinadya niyang hindi ito kontakin kahit pa sobrang nami-miss na niya ito. Pinipigilan niya ang kanyang sarili. Lumipat din siya ng bahay dahil alam niyang pupuntahan sila nito doon sa dati niyang apartment. Kung bakit ay sariling isip lamang niya ang nakakaalam.

Ngunit nang mga sandaling iyon, hindi na talaga niya kayang tiisin pa ang nararamdaman niya. She's missing him so much, so much that it hurts already. Baka pati ito ay nasasaktan na rin niya. Kaya naman kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mrs. Madrigal. After that, she booked a chartered flight to Vancouver, sa araw ding iyon mismo.

Kasama ang anak niya, inihatid sila nina Nimfa at Melvin sa airport. She already dropped all her college subjects so she thought of having a vacation for the meantime. Matagal-tagal na rin naman nung huling lumabas siya ng bansa at wala pa noon si Aeious. Isa pa, ayaw na talaga niyang magkaroon pa ng gulo sa pagitan nila nina Adrianne, Kinn at kanyang Daddy. Mas mabuti kung siya na lang muna ang lumayo habang mainit pa ang mga pangyayari.

Pero hindi sila aalis ni Aeious na hindi nakikita si Dos. Hindi siya papayag na hindi makita si Dos dahil maaaring huli na nilang pagkikita iyon. It's now or never, aniya sa isip. Kung hindi niya maisasama sa Canada ang lalaki, at least makita lang niya ito sa huling pagkakataon.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon