PANG-SAMPU: Hampaslupa

10.8K 338 16
                                    

Maagang pumasok si Dos sa kanyang bagong trabaho. Hindi na bago sa kanya ang working location at ang shop na papasukan niya araw-araw. Sa kanya ang autoshop na iyon. Ngunit hindi siya magtratrabaho bilang Boss, kundi bilang mekaniko o taga-ayos ng sira ng mga sasakyan. Dahil hanggat hindi siya naikakasal, hindi na muna ibabalik ng kanyang parents ang shop sa pangalan niya.

Nauurat siya, subalit hindi siya maaaring magreklamo dahil alam niyang mas matinding kaparusahan ang matatamo niya sa oras na magparating siya ng hinaing. He'll just try to be patient. He'll just work for it. Dobleng kayod hanggang sa mahulog sa kanya ang loob ni Skylight. Si Skylight lang naman kasi ang pag-asa niya upang maibalik ang karapatan niya sa kanyang magulang.

Nasa ilalim siya ng kotse, nakahiga - ah, oo, marunong siyang mag-ayos dahil natuto siya sa kanyang Ama na mahilig sa mga sasakyan. Mr. Madrigal taught him how to handle cars and fix a car's issues since he's still in Grade School. May katamaran lang talaga siya kaya bihira lang kung siya ay magtrabaho. But now, he has no choice but to work seriously to get cash.

May narinig siyang tunog ng sasakyan at nakita rin niya ang mga umiikot na gulong habang siya ay nasa ilalim. May customer. Alam niyang busy rin yung ibang mekaniko kaya lumabas siya mula sa ilalim ng kotse upang i-entertain ang kadarating na customer. Pagtayo niya, nakita niya ang isang mamahaling van katabi ng inaayos niyang kotse. Isang bagong customer ang dumating, o di naman kaya'y dati na pero nagpalit lang ng sasakyan.

Bumukas ang pintuan ng itim na van. He's about to approach the passenger, or the owner, or whoever he or she is, but he immediately stopped. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay nang mapagsino niya ang babaeng unang bumaba mula roon ㅡ it's Adrianne ㅡ Skylight's step-sister.

Sumunod na bumaba ang isa pang babae na mukhang mas doble ang tanda kay Adrianne, at isang matandang lalaki na nakilala rin niya kaagad ㅡ ito pala ang padre-de-pamilya. Si Mr. Ong, isang mayamang negosyante, na masugid ding tagasuporta ng kanyang parents. Ito pala ang Tatay ni Skylight.

"Dad, can I call another driver na lang para sumundo sa'tin? I can't just wait here, may klase pa ㅡ." Napatigil ang babae sa pagrereklamo nang makaikot ito at makita ang mukha ni Dylan Eros sa harapan nito. Dos clearly noticed her scrutinized him from head to toe and vice versa. Mapanghusga ang mga tingin nito sa kanya.

Maybe because she saw him in a gray polo shirt that's full of grease and black oil. Nadumihan din ng langis ang kanyang mga kamay. At hindi siya aware na pati mukha niya, may bahid din ng langis. Or maybe, nakilala siya nito.

Pumilig ang ulo nito, naghalukipkip ng mga kamay at nagtaas ng isang kilay. "You? If I'm not mistaken, ikaw yung kasama ni Skylight kahapon sa school... You work here? In this place?" Maarte nitong tanong. She's asking him like she's judging him by his work and his workplace.

Nanatili siyang tahimik.

"Anne, bakit mo siya kinakausap? Do you know him?" Asked Mr. Ong. Para bang kasalanan dito na makipag-usap ang anak sa taong hindi kilala ng mga ito.

"No. But Skylight knows him... He's my sister's boyfriend."

"What?!" is Mr. Ong's overreacted reaction. Tiningnan nito kaagad si Dylan Eros nang may panghuhusga. "Mekaniko ka dito?" Tanong ng matanda sa kanya. He answered him by a nod. "Do you know Skylight Ong? Totoo ba'ng boyfriend ka niya?"

Napasulyap ng matalim si Dos kay Adrianne. Kung nakilala siguro niya ito sa ibang pagkakataon malamang pupurihin at pagpapantasyahan din niya ang ganda nito. But right now, iniimagine niyang may lumalabas na sungay sa ulo nito, at buntot sa pwet nito. He will never like nor want someone like her ㅡ plastik at matapobre.

He sighed and looked at Mr. Ong. "Girlfriend ko nga si Skylight ㅡ ah..." Saglit siyang napapikit. "Engaged na pala kami." Saad niya nung maalala niya ang agreement na pinirmahan niya kahapon. Yes, he's already engaged, at dapat niyang itanim yun sa utak niya.

"What?!... Skylight!... that kid is stupid! Nakikipagrelasyon siya sa kung kani-kanino lang. She's not using her brains!" Galit ang mababanaat sa mukha ni Mr. Ong. Namumula ang mukha at leeg nito.

While Dylan Eros instantly got pissed. Hindi niya gusto ang kanyang narinig. "Sir, hindi ako kung sino lang. May identity ako ㅡ."

"I don't care about your identity, you're just an employee of this autoshop. Hindi ka bagay sa anak ko. Hindi bagay ang isang basurang punung-puno ng grasa sa pamilya namin. Stay away from Skylight."

"Pa'no kung ayaw ko?" Banat niya sa malamig na tono. Ngayon, alam na niya kung bakit mas pinili ni Skylight na tumirang mag-isa kasama ang baby nito kaysa pumisan sa bahay ng kanyang Ama. Her father is a devil, and surely, their house must be a hell. "Sir, hindi porket nababahiran ng grasa o langis ang suot ko, basura na ako. Nakuha ko 'to sa pag-kukumpuni ng sasakyan. Ginagawa ko 'to para mabuhay." Siguro mukha pa siyang kalmado sa panlabas, but his blood is starting to boil up. Hindi na niya kayang tagalan pa ang mga matapobreng ito.

Ngumisi si Mr. Ong. "You don't look like you're a decent guy. I pity my daughter for choosing you. She made a big mistake." Tapos tumalikod na ito. "Sa ibang autoshop na tayo. Baka lalong masira ang sasakyan ko sa mga kamay ng isang hampaslupa." Malakas na pahayag nito, na sinadya pa talagang magparinig kay Dos. Umakyat nang muli ang tatlo sa van. Di nagtagal, umatras na ang sasakyan at tuluyang umalis.

Dos stared-daggers at the van until it went out of his sight. Mukhang gusto niyang pumatay nung mga oras na iyon. He looked really mad. Ngayon lang siya nahusgahang basura o hampaslupa sa buong buhay niya. And he believes he doesn't deserve it. Napahinga na lang siya ng malalim.

"Hoy, muchacho! Ituloy mo na yung inaayos mo sa ilalim. Hampaslupang 'to o. Wag tatamad-tamad. Matatanggap ka rin ng father-in-law mo."

Tumingin siya ng matalim sa kaibigan niya at acting owner ng autoshop na si Gian. Tawang-tawa naman ang huli sa pang-aasar sa kanya.

Then he gave Gian a death glare. "Pucha!" He uttered.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon