PANG-12: Pregnancy

11.5K 303 14
                                    

Nagtatakang napatingin si Adrianne sa kaibigang si Queen Elizabeth nang ito ay pabagsak na umupo sa harapan niya. Masama ang mukha nito, parang natalo sa sugal. Tumaas ang isang kilay ni Anne, ngunit nakangiti siya, amazed na amazed sa hindi maipintang pagmumukha ng kaibigan.

"Sorry, palpak ang plano." Naiinis na saad ni Elizabeth. She crossed her arms angrily. Madali lang itong mainis lalo na nitong mga nakaraang araw dahil ito ay naglilihi. She's on her second month now, but only her and Adrianne knows it. They're keeping it hidden para hindi ito pwersahang i-drop sa mga subjects nito.

"Naitago nga nila yung shawl ng Skylight na 'yon, but someone sent her another. Mukhang meron siyang tagabantay, or alalay, or utusan dito sa school. Hindi naman natin alam kung sinu-sino ang mga kaibigan niya."

"Wala siyang kaibigan dito." Naniniguradong tugon ni Adrianne. She checked the whole canteen to make sure na walang nakikinig sa kanilang pag-uusap, bago siya nagsalitang muli. "Okay lang 'yon. Marami pa'ng ibang paraan para mapahiya siya... Galit na galit na si Daddy sa kanya, cause you know what, her boyfriend works in an autoshop. Nung makita nga namin e, ang dumi-dumi ng lalaking 'yon, akala mo taong grasa. Eew. Wala man lang standard si Skylight sa pamimili ng lalaki. Kung sinu-sino na lang. Kaya nahihiya akong maging kapatid siya."

"Pangit ba yung lalaki?"

"Actually, hindi naman. He's handsome kapag nakapaligo at nakapagsuot ng maganda. But come on, ano'ng mapapala mo sa lalaking 'yon, e isang mekaniko lang. Pag-uwi no'n, amoy langis, amoy grasa, amoy usok at pawis. Kung ako si Skylight, never ko siyang hahalikan." Adrianne grinned and rolled her eyes. Awang-awa siya sa kanyang kapatid, but at the same time, tinatawanan niya ito. Skylight is so pitiful, and that is what she wanted to see.

"E pa'no kung mahal naman talaga niya 'yung lalaki. Malay mo, magaling 'yun sa jugjugan. Malay mo, mas magaling pala 'yon sa jowa mo."

"No way! Tried and tested ko na si Kinn, at siya pa rin ang pinaka-the best sa lahat ng lalaking nakasama ko. Kaya nga hindi ko na hahayaang maagaw pa ulit siya sa'kin ni Skylight. I'll do everything para magkatuluyan kami."

"Yun naman pala e. Bakit mo pa pinapakialaman ang sa lovelife niya?"

Adrianne looked at her friend with an intense deathly gaze. Unang-una sa lahat ayaw niyang kinukwestiyon siya sa mga gusto niyang gawin.

"Cause I don't want her to succeed..." She replied as she flipped some strands of her hair. "Maiba tayo. Si Troy nakausap mo na ba about your pregnancy?"

Bigla namang naging malungkot ang facial expression ni Elizabeth, kaya batid na agad ni Adrianne na hindi pa nito nasasabi sa kasintahan ang kalagayan nito.

"Natatakot ako. Kapag may nakaalam na iba at kumalat sa buong school, ma-e-expel ako. At mawawalan naman siya ng lisensya. Tapos ㅡ."

"Don't worry, I have a plan." Adrianne said. "You have to talk to Troy. If you need to blackmail him, do it. Help me, and I will help you in raising that child..."

After a short while of thinking, sumang-ayon si Elizabeth sa kanilang evil plan.

*

Skylight was about to ride a taxi, when someone tapped her shoulder. Pagtingin niya, nakita niya si Dylan Eros sa kanyang tabi. Naningkit ang mga mata niya, tsaka siya umirap, bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Pumasok naman sa kabilang pinto ang lalaki.

"Manong, sa kanto ng J. L. Cruz Street." Pagbibigay impormasyon ni Dylan Eros.

"Hindi. Sa Adarna Mall, Kuya." Sabi naman ni Skylight kaya napatingin sa kanya ang katabing lalaki. Nagsimula naman sa pag-usad ang sasakyan.

"Mag-mo-mall ka?"

"Yup. I have to buy new clothes for Aeious."

"Pwede ba akong sumama?" Wala kasi itong pera kaya ito nagtatanong. Napairap na namang muli si Skylight.

"Ba't mo ba kasi ako sinusundan?" Bahagyang may inis sa kanyang tono. Nalulugod siya kanina, dahil somehow, na-rescue siya nito sa pagkawala ng kanyang shawl at sa muntik na niyang pagkapahiya. Pero, naiilang siya. Hindi pa rin kasi yata siya makaget-over sa pagkindat sa kanya nito.

"Sinusiguro ko lang na okay ang mapapangasawa ko." Diretsahang sagot nito. Parang may kumoryente naman sa mga ugat ni Skylight. She's slightly flattered. "Alam mo kasi..." Nagulat siya nang kabigin siya nito upang sila ay magkaharap. Gayunpaman, tumingin na rin siya rito. "Ang isang lalaki, parang safeguard... Alam mo 'yung sabon?" She just nodded absentmidedly.

"Yun... nilikha kami para protektahan ang mga babae. Kung hindi kita pinuntahan, malamang pinagtatawanan ka na naman nila. Dapat nga nagpapasalamat ka sa'kin e."

Skylight was stunned. Kaharap niya ang lalaki. Masyado silang magkalapit. The space between their faces was just an inch or two kaya tumitibok ng mabilis ang puso niya... na ngayon na lang ulit niya naramdaman pagkatapos ng tila mahabang panahon.

What's with this guy?

Pagkatapos ng mahabang-habang sandali ng pagkakatitig sa mukha ng lalaki, bumuka na rin sa wakas ang kanyang bibig.

"Thank you." She softly uttered.

Hindi napigilan ni Dylan Eros ang mapangiti.

Di nagtagal ay binitawan na rin siya nito. At sumandal na ito sa upuan.

Habang si Skylight ay tumingin na lamang sa labas. She heavily sighed. She swallowed her own saliva, too. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Maya-maya pa ay tumingin na ulit siya sa lalaki.

"Gusto mong mag-kape ng malamig?"

Tila nasurpresa si Dylan Eros. Hindi nito lubos inasahang tatanungin at aanyayahan niya ito. Then he formed a slightly shy smile. "Oo - Oo naman." Excited nitong sagot. Sino ba ito para tumanggi sa isang napakagandang dilag?

"Samahan mo 'ko." Sabi ni Skylight. Sakto namang tumigil ang taxi sa harap mismo ng mall. Nagbayad siya at bumaba na.

When she's climbing the stairs to the mall's entrance, naramdaman niya ang kamay ni Dylan Eros na pumatong sa ibaba ng batok niya at humawak ito sa kanyang balikat. Inakbayan siya nito.

"Ano ba?" Inis niyang daing saka niya tinabig ang braso nito. Subalit sadya yatang ipinanganak na makulit ang lalaki. For the second time, umakbay ito sa kanya na may mas mahigpit nang kapit.

"Engaged na tayo. Magiging asawa mo 'ko, kaya masanay ka na..." He tilted his head to see her face, tapos ngumiti ito ㅡ yung ngiting hindi na nakikita ang mga mata nito. "Hmm? Babe? Darling? Baby? Babylove? Mahal? ㅡ."

"Bitawan mo nga kasi ako!"

"Ayoko! Baka mawala ka."

"Ugh! Ang kulit mo din!"

"Ang cute mo 'pag nagagalit. Pa-kiss nga."

"Ewan ko sa'yo."

Patuloy ang pagtatalo nila habang naglalakad papasok ng mall.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon