PANG-59: Bad girl

8.6K 302 45
                                    

"ONE OF YOU SHOULD MARRY KINN!" Sigaw ng kanyang ama pagkauwing-pagkauwi nila sa kanilang mansyon. They're in the living room as they shared the same kind expressions ㅡ agony, disappointment, and madness. "Hindi pwedeng masira ang koneksyon ng pamilya natin sa pamilya nila!" Galit na dagdag ni Mr. Ong.

Napayuko si Adrianne. She's already on the state of mental uncertainty and giving up. Habang nasa simbahan sila, sinubukan niyang kausapin si Kinn tungkol sa ginawa ni Skylight, tungkol sa kanila, tungkol sa lahat ng nangyayari, ngunit nagmatigas ito. He deserted her the way she wanted Skylight to be deserted.  Bakit gano'n? Hindi nga natuloy ang kasal ng mga ito sa pangalawang pagkakataon, ngunit bakit hindi pa rin siya nagtagumpay? Bakit sa huli siya pa iyong nagmumukhang talunan?

"This is all your fault, Adrianne!" Gulat siyang napatingala sa matandang lalaki.

"Bakit ako, Dad?" May pangungwestiyong tanong niya. "Kusang umurong sa kasal si Skylight, malay ko ba'ng ganu'n pala ang plano niya. Kung alam ko lang na ipapahiya niya si Kinn ㅡ." Tumigil siya ng panandalian. "Kung alam ko lang na ipapahiya niya tayong lahat, tingin niyo hahayaan kong umabot pa siya sa simbahan?"

"That's not what I'm talking about, you, brat!" Nanggigigil na bulyaw ni Mr. Ong, bagay na nagpakilabot ng bahagya kay Adrianne. "Kung hindi ka namagitan sa relasyon nila noon, hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat. Matagal ko na sanang naging manugang si Kinn, but you ruined it!"

"Dad, mahal ko si Kinn!" Naiiyak na sagot niya.

"You don't love someone if you're constantly sleeping with some other men." Napaawang ng bibig niya dahil sa narinig ngunit hindi siya nakapagsalita. "I know that, Adrianne. Your Mom knows it, too. We were monitoring every move you've made since I got you out of the jail." Suddenly, an apologetic kind of expression appeared on her face. Napatingin din siya sa Mommy niya na noo'y tahimik lang na nakayuko. "I believe, alam din ni Kinn ang mga pinaggagagawa mo, nagtatanga-tangahan lang siya."

"I bet you realized now how horrible a person you are. I'm not disappointed, but I'm so ashamed of you, Adrianne. It's my mistake to put my name next to yours, you're not worthy of it..."

Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang nag-unahan sa pagpatak. Ang mga salitang iyon na siguro ang pinakamasakit na narinig niya sa kanyang buong-buhay. Hearing that she's not worthy to be an Ong made her sob hard. Para bang natapakan ang natitirang pride niya.

"Stop talking like you're so innocent." Narinig niyang bwelta ng kanyang Mommy laban sa Daddy niya. "My daughter made a lot of mistakes, I know, but she doesn't deserve to be mistreated... Ikaw, natanong mo ba sa sarili mo kung naging mabuti kang ama sa mga anak mo? Nagiging mabuti ka lang naman sa kung sino'ng nangingibabaw sa kanila, para lang din sa pansarili mong kapakanan. We both know that you're only using these kids for business, for your business! Hindi ka naman talaga naging Tatay sa kanila!"

"You ㅡ."

"Huwag mong sasaktan ang Mommy ko!" Niyakap niya ng mahigpit ang Mommy niya nang tangkain ni Mr. Ong na sampalin ito. She looked up at her Dad with deathly glare habang nanggagalaiti naman ang mukha nito sa galit.

Sinundan niya ng tingin ang ama niyang papaakyat sa second floor habang siya ay humihikbi. When her mother hugged her and caressed her back gently, wala na siyang ibang naisip kundi ang mga pagsisisi. If she could have been a good sister, naging close sila ni Skylight. If she could have been a good girl, sa kanya unang nahulog si Kinn. If she could have been a good daughter, hindi humantong sa gulo ang lahat.

Tama si Skylight at ang kanyang Daddy. She started it all. Ngunit mali si Skylight dahil hindi ito ang tatapos sa nasimulan niya. Siya mismo ang tatapos no'n.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon