PANG-27: Dismayado

9.6K 297 38
                                    

Naalimpungatan si Dylan Eros dahil sa walang tigil na iyak ng bata. Pupungay-pungay pa ang mga mata niyang nang maalala niyang katabi lang pala niya sa kama si Baby Aeious. Napabangon siyang bigla at napasampal ng noo.

"Ahy...! Ba't ba ako nakatulog?" Tanong niya sa kanyang sarili, saka siya yumuko at hinaplos ang ulo ng bata. Malakas ang pag-iyak nito, nagwawala pati mga paa at kamay nito. "What's the matter, buddy? Gutom ka na naman ba?" Inabot niya ang tira nitong gatas sa bedside table at ipinadede rito subalit tinabig lang ito ng bata at nagpatuloy sa pag-iyak. Nagkamot siya ng ulo. "Dapat pala iniwan muna kita sa bahay. Mas marunong mag-alaga yung mga katulong do'n kaysa sa'kin." Kinarga niya ito at hinele-hele. Subalit hindi pa rin humihinto ang pag-iyak nito.

"Namimiss mo na ba si Mama?... Haa...y. Namimiss ka na rin niya. Wag kang mag-alala, ilalabas ko siya do'n. Iuuwi ko siya..." Pinunas niya ang mukha nito habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. "Namimiss ko na rin siya..." Mahina niyang sabi.

"Ano ba'ng ㅡ." Tumigil siya nang may maamoy na hindi kaaya-aya. Ibinaba niya ang kanyang ulo at inamoy-amoy ang baby. "Hmm... Dumumi ka pala. Hindi mo naman sinasabi."

Inilapag niyang muli si Baby Aeious sa kama at hinubaran ng baby shorts. Napatakip siya ng ilong nang buksan na niya ang diaper nito. Punung-puno nga ng dumi. "Kaya ka ba umiiyak dahil dito? Ay, grabe, ang bango! Teka lang..." Tumayo siya. Hahakbang na siya nang lingunin niya ang bata. "Diyan ka lang, wag kang malikot." Sabi niya habang itinuturo pa ito bago niya mabilis na hinanap sa baby bag ni Skylight ang basang pamunas ng baby. Humugot din siya ng isang bagong diaper.

Paspas din siyang bumalik at umupo sa ibabang bahagi ng kama. Mabilis niyang nalinis ang pang-upo ng bata kaya humupo na rin ang iyak nito. "Ahaaay... Next time, sabihin mo pag tumae ka, ha? Wag kang iiyak. Ang tunay na lalaki hindi dapat umiiㅡ ampㅡpwe!" Ilang sandali niyang pinigil ang paghinga bago siya muntik nang dumura doon mismo sa kama ni Skylight. Kumuha siya ng bagong basang tissue at ipinunas iyon sa kanyang mukhang nabasa ng tumilamsik na ihi ng baby.

"Hoooh! What a talent, buddy? May problema ka ba sa mukha ko?" Tanong niya. Ngumiti siya at umiling-iling na lamang habang ang bata ay tumitig sa kanya. "Ginagawa mo ba 'yon kay Mama? Wag. Ang ganda-ganda ng mukha niya tapos dudumihan mo? Huwag. Bad 'yun. Teka, pa'no ba 'to?" Nahirapan siyang isuot ang bagong diaper sa baby. He struggled for a matter of time. Sa huli, naayos din niya.

Nang makarga na niya itong muli ay saka naman nag-ring ang kanyang cellphone. Umupo siya sa kama hawak ang bata at hinugot ng isang kamay niya ang cellphone niyang nasa bulsa ng kanyang shorts. Ang lawyer ni Skylight ang caller.

"Mr. Madrigal, gising na raw si Kinn Torres. Dadalo siya sa susunod na trial."

*

Second day of court trial.

Katabi niya si Skylight sa harap ng kaliwang row ng mga upuan. Tahimik ito at kalmado kung titingnan. Hangang-hanga nga siya dahil kaya nitong kontrolin o itago ang mga nararamdaman nito.

Kanina, bago sila pumasok sa courtroom, kinumusta nito si Baby Aeious. Ganun lang kasimple. Wala itong sinabi na namimiss na niya ang bata o anu pa man. Kahit nung magkita sila sa labas ng step-sister at Daddy nito, hindi siya kumibo, nagalit o nagbitaw ng mga salita. She can keep her emotions so well. Nakakangiti pa rin ito sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda.

"Mr. Kinn Torres, maaari mo nang simulan ang paglalahad ng mga naaalala mong nangyari bago ka nawalan ng malay noong Biyernes ng gabi sa Lee Garden Inn." Pagsisimula ni Attorney Magsaysay.

Nag-pokus si Dos sa harap, sa ex-boyfriend ni Skylight na biktima sa kasong kasalukuyang nililitis noong araw na iyon. Narinig niya kay Attorney Francisco na ayon sa medical records nito, wala namang itong naging problema sa ulo kaya kampante siyang malinaw sa ala-ala nito ang mga nangyari. Kampante siya na sasabihin nito ang totoo.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon