PANG-11: Fortune-teller

10.8K 342 17
                                    

Isinalampak ni Dos ang pwit niya sa monoblock chair sa loob ng opisina ng kanyang autoshop. "Nakakapagod." Wala sa sariling usal niya. Sumandal siya sa upuan at pumikit. Katatapos lang ng unang araw niya bilang mekaniko ngunit kabi-kabila na ang kanyang reklamo. Pakiramdam niya, walang natirang enerhiya sa katawan niya. He felt so tired and weak.

"Oh..." Narinig niya ang pagbagsak ng kamay ni Gian sa wooden desk. "Dahil special ka, arawan ang sahod mo. 350 for this day." Saad nito.

Bigla siyang napadilat. "350?!" Kunot-noong bigkas niya. He looked under Gian's hands and saw three hundred and fifty peso papers. "500 per day ang pasahod ko sa mga trabahador ko. Bakit 350 lang ang ibibigay mo sa'kin?" pagrereklamo niya.

"Dos, yung 500 hanggang alas otso 'yun. Alas dos pa lang, nag-a-out ka na o. What will you expect?" Justified na sagot ni Gian.

Napahilamos ng mukha si Dos. As much as he wanted to continue working until 6PM, pagod na ang katawan niya. Gusto na niyang humiga. "Fine." Babawi na lang siya bukas o sa susunod na araw.

"Samahan mo 'ko." Sabi ni Gian. "Nag-out ka na rin, samahan mo na lang ako. Pupunta tayo sa manghuhula."

Dos smirked. "Ayan ka na naman sa hula-hula, eh. Tang!na. Tao ang gumagawa ng future nila, hindi yung pangit na manghuhulang 'yun. Allergic na 'ko dun. Wag mo na 'kong isama."

"Tange. Nagkakatotoo ang hula nu'n, p're. Nakabase ang hula niya sa positions ng mga butuin sa langit. Isa siyang legit na astrologer. Suki nga siya ng mga programs sa TV tuwing New Year. 'Lika na."

Wala na rin siyang nagawa dahil nauna nang lumabas si Gian. They rode Gian's car papuntang Freedom Avenue. At dahil malapit lang naman iyon sa autoshop, nakarating sila within ten minutes. Sumunod na lang siya sa loob ng shop na puno ng mga Chinese lucky charms and accessories. Sa counter ay nakita nila ang isang matandang babaeng nakatakip ang isang mata. When he met her gaze, umiwas siya kaagad.

"Madam Damine..." Gian spoke. "Long time no see. Kumusta?"

"Kanina mabuti. Ngayon hindi na. Bakit mo dito dala yang lalaki na 'yan?..." Napakamot ng ulo si Dylan Eros habang panay ang iwas ng tingin sa matanda. Buong akala niya hindi siya nito makikilala. Yun pala ay tandang-tanda pa siya nito kahit halos isang taon na ang nakakalipas mula nung huli silang nagkita.

"Malas 'yan. Wala kadala-dala sa buhay. Wala tiwala sa Chinese Astrology kaya lagi talo sa casino. Siya sira lucky charm na kinuha sa'kin. Siya binigyan ko pa man din 50% discount."

"Eh, nagbabagong-buhay na daw siya, Madam Damine." Pagtatanggol ni Gian sa kanya.

Tumungo siya. Lagi siyang dinadala ni Gian sa shop na iyon noon. Lagi siyang bumibili ng lucky charms kahit na nung nag-aaral pa lang sila. Pero dumating yung araw na pakiramdam niya wala namang kwenta ang lucky charm na binili pa niya ng limang libo. He was so down that time, that he broke that piece of something like jade. Mula noon, wala siyang tiwala sa mga lucky charms, lalo na sa fortune-tellers.

"Hm..." The old woman observed him properly. "Ikaw Dos, year of the rat..." Nagsimula itong maglaro ng kakaibang mga baraha. Nagtaka siya. Si Gian dapat ang magpapahula, pero bakit siya agad ang hinuhulaan nito? He's preparing to go out when the old woman spoke. "Bata. May bata. Ikaw Dylan Eros, may anak na."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Tumawa naman si Gian. "Yung ano kasi, Madam... yung magiging asawa niya, may anak na. Kaya 'yun siguro ang nakita niyo."

"Hindi!" Pabulyaw na sagot ng matanda. "Anak mo, Dos. May anak ka at siya malapit mo na makilala..." Tumaas ang isang kilay nito. "Ikaw may panustos na ba? Hum!... Ikaw magtino. Mamalasin ka kung hindi mo bibilhin ang house of the rising sun lucky nine charm ㅡ."

Tumaas naman ang gilid ng itaas na labi ni Dos. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hahalakhak. The woman is crazy. Paano siya magkakaanak e wala pa naman siyang nabubuntis? Ni hindi na nga niya matandaan kubg kailan siya huling nakipagniig sa tagal na nu'n. Kalokohan ang manghuhulang ito.

He smirked as he shook his head. "Kalokohan." Sabi niya bago siya tuluyang lumabas.

Umuwi siya sa apartment ni Skylight sakay ng taxi. But he realized there's nothing to do there that early. Nasa eskwelahan pa ang babae at kung maghihintay siya, mababagot siya.

Pumasok siya sa kwarto ni Sky at naghanap ng shawl. When he found a pile of shawl on her closet, humugot siya ng isa at dali-daling lumabas. He called Melvin while he's on the way, asking Sylight's class schedule. Buti na lang talaga, kilala siya nung guard ng University dahil nakatira ito sa kanilang barangay kaya malaya siyang nakakapasok. Binasa niya ang text ni Melvin, at hinanap ang Pritt Building 2.

*

Sa university...

Lumabas saglit si Skylight mula sa klase dahil kailangan niyang gumamit ng toilet. Dahil wala pa namang basa sa kanyang dibdib, iniwan niya ang kanyang shawl na nakasabit sa armrest ng kanyang upuan.

Unfortunately, pagkatapos niyang umihi, nakita niya sa toilet's mirror na may kaunting basa na sa kanyang dibdib. Humalukipkip na lang siya upang matakpan iyon nung pabalik na siya sa classroom.

Unfortunately again, she found her shawl on the chair missing. "Gina, nakita mo yung shawl ko?" Tanong niya sa babaeng katabi niya sa kanan. Umiling lang ito at tumingin na sa harap.

"Nakita mo 'yung shawl ko?" Tanong ulit niya sa isa pang katabi, but they just shook their heads. Nanatili siyang nakatayo at nagpaikot-ikot ng tingin subalit hindi niya nakita ang kapirasong tela na iyon. Someone's chuckling and it's from the boys. Ugali talaga ng mga itong asarin at pagtripan siya.

"Miss Ong, is there any problem?" Asked the Prof.

"My shawl is missing, Ma'm. Nilagay ko lang kanina dito sa upuan ko." She informed. Tho she already knew who the culprits are. Ayaw lang niyang gumawa ng malaking eksena.

"Okay. Guys, kung sino man ang nagtago ng shawl ni Miss ㅡ."

"Excuse me, Ma'm. Sino po si Skylight Ong?" Lahat ay napatingin sa pintuan kung saan biglang lumitaw ang isang estudyanteng batid ni Skylight na mas bata kaysa sa kanila. Maybe a freshman or sophomore.

"Ako. Bakit?" Tanong niya.

"Ay. Ate, may nagpapabigay po nito." The young student lifted up a piece of cloth na pamilyar sa kanyang paningin. It's one of her shawls pero hindi iyon yung nawawala.

Gayunpaman, nilapitan na rin niya ito at kinuha iyon. "Kanino galing?"

"Dun po sa lalaki kaso hindi ko kilala."

"Ah, sige, salamat."

Bumalik siya sa kanyang silya na nababalutan na ng shawl. It's feel comfortable. Parang ngayon lang niya iyon naramdaman. Then a couple of seconds after he sat down, naramdaman din niyang tila may nakamasid sa kanya.

Gumalaw ang kanyang ulo at napatigin sa labas ng bintana.

There, in the next building's rooftop stands a familiar man. Malapit lang ang building kaya kitang-kita niya nang kindatan siya ni Dylan Eros. Umiwas kaagad siya ng tingin. Ngunit hindi rin niya natiis na hindi ito tingnang muli.

The second time she swayed her head to his direction, Dylan Eros gave her a very genuine smile.

She shoulbe be feeling annoyed, pero biglang nawala ang lahat ng takot at pangamba niya. Pakiramdam niya, protektado siya ng taong ito.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon