Epilogue: My bad

11.1K 321 48
                                    


Salamat para sa mga patuloy na nag-vo-vote at sumusuporta kina Dos at Sky.

===============
===============

Months later.

Pasipol-sipol pa siya habang bumababa ng kotse at naglalakad mula sa garahe hanggang sa entrance ng bahay. Nang mabuksan na niya ang front door, ibinaba niya ang dala-dala niyang si Aeious at hinayaang maglakad papasok.

"Mama!" Sigaw nito sa napakatinis na boses habang binabaybay ang living room papunta sa kanilang kwarto.

Usually, kapag umuuwi si Dos ay madaratnan niya ang asawa niyang nakaupo lang sa living room, nanunuod ng TV habang kumakain ng mga prutas o umiinom ng juice. But that afternoon, Skylight was not on her usual spot and was nowhere to be found in the living room. Nakasara ang TV. Wala ring mga pagkain sa center table.

Malapit na siya sa pinto ng kanilang kwarto nang makasalubong niya si Aeious. "Where's Mama?" He asked. Kita rin kasi niya ang loob ng kwarto subalit wala ang babae roon sa kama.

"Wala." Sagot ng kanyang anak sabay kibit-balikat, saka ito tumuloy sa living room. Sinundan muna niya ito ng tingin bago naman siya tumuloy sa loob ng kwarto.

"Baby?" Tawag niya sa kanyang asawa. Napansin niyang bukas ang ilaw sa bathroom kaya sigurado siyang naroon ito. Umupo siya sa kama at nagtanggal ng sapatos. "Mahal?" Pag-uulit niya dahil hindi ito sumagot. Isang sapatos pa lang ang natatanggal niya nang tumigil siya at lumingon sa bathroom ng kanilang kwarto. "Ba't hindi siya sumasagot?" Nagtatakang bulong niya. Normally, hindi naman nito iniiwan na bukas ang pinto kung sakaling nag-pu-poo-poo ito. Lagi iyong nagsasara at nag-la-lock. "Oy, okay ka pa ba diyan?" Medyo may pag-aalala na sa kanyang tono. Yumuko siyang muli upang matanggal na ang isa pa niyang sapatos. Tatanggalin na rin san niya ang medyas nang makarinig siya ng impit na iyak ng isang baby. Napatigil siya at muling napatingin sa bathroom.

His eyes narrowed, especially when he heard a baby's cry again. "Skylight?" Aniya. Tumayo siya at unti-unting naglakad patungo sa bathroom. Bakit may iyak ng baby? He wondered, worried at the same time. Wala pa namang bagong baby sa kanilang bahay dahil hindi pa due date ng tiyan ni Skylight. Isa pa, kung manganganak man ito, syempre magle-labor pa, syempre isusugod rin niya ito sa ospital.

Kung gano'n, saan nanggagaling ang naririnig niyang iyak ng baby? Sa liit at tinis ng iyak, siguradong siyang mula iyon sa isang bagong panganak. Unless... nakakarinig siya ng mga bagay na siya lang ang nakakarinig. Nanindig ng kanyang mga balahibo. But not when he finally entered the bathroom.

He was totally stunned when he saw the wet tiled-floor with traces of pale red fluid. Lalo siyang hindi nakagalaw at hindi nakapagsalita nang makita niya si Skylight na nasa loob ng bathtub na punung-puno ng kulay pulang tubig. And he was completely stupefied when his sight landed on the baby who was crying on her arms. Ilang beses siyang kumurap, baka nananaginip lamang siya.

"Dos..." Bahagya siyang natauhan nang marinig ang nanghihinang boses ng asawa niya. He looked at her in the eye.

"A-Ano? Bakitㅡ? Mahal, bakit namanㅡ?" Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya dahil hindi pa siya lubusang nakakarecover sa pagkagulat.

"Dos, tumawag ka na ng doktor. Si Ate Cassiopeia, may number siya sa phone ko. Sige na."

"Skylightㅡ."

"Sige na, Dos. Baka makatulog pa 'ko dito."

"Ooㅡ teka, sige... sandaliㅡ" Natataranta niyang saad. Patakbo niyang nilapitan sa kama ang kanyang bag at inilabas roon ang kanyang cellphone, only to find out na nakailang missed calls pala sa kanya si Skylight. "Shet!" He snapped his forehead with his palm. Habang nasa eskwela kasi siya ay naiwan niya sa compartment ng sasakyan ang kanyang phone. Hindi na rin niya ito tsinek hanggang makauwi siya. My bad. For sure, kapag nakabawi na ng lakas ang asawa niya, lagot siya rito.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon