PANG-20: Goddess of Beauty

10.7K 315 9
                                    

Napairap si Adrianne nang yumakap sa kanya ang umiiyak na kaibigang si Queen Elizabeth. Kanina pa siya iritang-irita dito. Kanina pa niya ito gustong ipagtabuyan kung hindi lang sana niya ito kaibigan ng halos limang taon na rin. She's partially annoyed dahil pumalpak na naman ang pinlano nilang hakbang upang mapabagsak si Skylight.

"Ano'ng gagawin ko?" Nanginginig na tanong sa kanya ni Elizabeth.Their last subject have just finished when a post from a dummy Mukhang Libro account ruined their day. Nagpost iyon ng mga makatotohanang ebidensyang nagpapatunay na si Elizabeth ang totoong kalaguyo ni Troy Hantson. Their sweet and romantic photos and a sensual video proved it all. Mabilis na kumalat iyon sa buong Golden University dahil naka-tag ang post sa kanilang mga pangalan. Fina-follow pa naman ng halos lahat ng estudyante ang account niya.

Ang isa pang ikinaiinis ni Adrianne ngayon ay nadawit ang pangalan niya sa post.

"It's your fault! Kung hindi ka ba naman tangang nag-iipon ng pictures at videos niyo ni Troy sa cellphone mo, at kung hindi ka ba naman sana tangang iwala pa yung cellphone, hindi sana mangyayari 'to. You're so careless. Napakatanga mo kasi!" Kumukulo ang dugo niyang nanernermon sa umiiyak na kaibigan. Hindi nga niya maisip kung bakit nagkataong ngayon pa nawala ang cellphone nito. Marahil ay talagang may kumuha niyon mula rito.

"Anne, what do I do now? For sure, ipapatawag na ako bukas ng Dean. Ayokong makick-out. Tulungan mo ko, Adrianne."

Sandaling pumikit si Anne at huminga ng malalim. Maski siya, hindi rin malaman ang gagawin. Ang naiisip niya ngayon ay nakalagpas na naman ang step-sister niya. Nag-iinit ang ulo niya sa babaeng iyon. Naroon na, eh. Konti na lang sana makikita na niya ang pagbagsak nito sa kanilang eskwelahan, ngunit naunsiyami pa. She cursed that woman silently.

Maya-maya pa ay tinawag si Elizabeth ng kanyang yaya. "Beth, may naghahanap sa'yo." Pinunas nito ang basang mukha at saka tumayo. Pinagkrus naman ni Adrianne ang kanyang mga paa habang tahimik na nag-intay sa may coffee table. Naroon siya sa condo ni Elizabeth, doon siya tumatambay kapag hindi niya kasama si Kinn.

Hindi na kailangang itanong pa ni Elizabeth sa yaya nito kung sino ang bisita dahil lumitaw na iyong babaeng matangkad sa likod ng matandang babae. Basta na lang itong pumasok na wala pang natatanggap na permiso mula sa may-ari ng bahay.

Charmille went straight to Elizabeth and slapped her face hard, she almost fell. Napatayo si Adrianne dahil sa nangyari.

"How dare you ㅡ?" Troy's wife cut her line. Ang nagawa na lang niya ay alalayan si Elizabeth.

"Don't dare me, you sluts. Sa mga subjects niyo tinuturuan din ba kayong manulot ng taong nasa relasyon pa? O hindi talaga kayo nag-aaral?" Matapang ang madiin ang tono ng boses nito. Adrianne and Beth knows her, of course. Alam nilang ito ang asawa ni Mr. Hantson. Ang ipinagtataka lang ni Anne ay kung bakit pati siya tila idinadamay nito sa galit nito.

"As far as I remember, itinuturo na ang GMRC sa kinder pa lang. Good manners and right conduct, alam niyo 'yon? Where are your GMRCs? Good manners ba ang mang-agaw ng asawa... o boyfriend ng iba?"

Nung una ay nakatingin pa ito kay Elizabeth. Ngunit nang huling linya na nito, tumingin ito kay Adrianne kaya naningkit ang kanyang mga mata. Mukhang may alam ito tungkol sa kanya. At hindi na siya magtataka kung malalaman niyang nagkausap na nito si Skylight bago pa man ito pumunta roon. Palihim siyang napangisi at napamura.

"Big cat got your tongues?" Charmille smirked then she looked lazily at Beth. "Don't worry, Queen Elizabeth, iyong-iyo na si Troy..." Bigkas nito na nagpa-angat sa mukha ng kaibigan ni Adrianne. "When I heard that you already have what I couldn't give to him, sumuko na ako. Ipapaayos ko ang annulment ng kasal namin sa korte. We'll be legally separated and Troy will completely be yours..." She stated softly, ngunit nagbago ang expression at tono nito sa huli nitong mga salita. "Pagtiisan mo na lang dahil sa kulungan kayo magsasama." Tumaas ang kilay nito bago ito taas-noong tumalikod at umalis.

Nanghihinang bumagsak sa upuan si Elizabeth. While Adrianne remained standing, silent, but the gritting of her teeth and the clenching of her fists were visible. Sinisisi niya si Skylight sa lahat ng mga nangyayaring ito. Hindi pwedeng lumigaya ang babaeng 'yon. Hindi pwede.

*

At Far Away Club, magkasabay na pumasok sina Dylan Eros at Skylight. She wore a simple party dress and a 4-inch shoes, her hair was curled on its ends, and her face was colored a small amount of make-up and light lipstick. Napakasimple nito kung tutuusin, ngunit sa isip-isip ni Dos, sobrang ganda na nito. Para itong isang dyosa na nagbabalat-kayong tao. He compared her beauty to how the Goddess of Beauty, Venus, has been described on the mythology books. Pwede rin niya itong ikumpara sa mga Disney Princesses ㅡ ang ganda nito ay parang kay Sleeping Beauty, ang kutis nito ay parang kay Snow White, ang charm nito ay parang kay Cinderella nang ito ay i-transform ng fairy godmother.

Hindi na niya mabilang kung makailang ulit na niyang tinitigan ang maamong mukha nito. Mula pa kaninang lumabas ito sa kwarto, hanggang sa makasakay sila, hanggang sa makarating sila roon. His astonished gaze was pasted to her, even when a crew assisted them to the table. Hindi siya napapansin ng babae dahil ang atensyon nito ay nakatuon sa loob ng club. Namamangha ang mga mata nito, na para bang ngayon lamang ito nakapasok sa ganoong lugar.

"First time mo?" Tanong niya nang ilapag na ng server ang kanilang inumin. Pinilit lang niya itong sumama sa kanya. Iniwan nila ang baby nito sa tagapag-alagang si Nimfa. He took her on that club upang maka-bonding niya ito, upang mas magkakilala sila, baka-sakaling maging close ito sa kanya. He wants to know her deeply, to know her feelings, her thoughts, nang sa gayon, alam rin niya kung paano niya ito mapatutunguhan ng mas maayos.

Ngumiti ang babae at tiningnan siya. Dumagundong naman ang tunog ng pagtibok ng kanyang puso nang gawin nito iyon. She's so beautiful that he thinks he's gonna fall in love with her soon. But not so soon. Plano niyang ito muna ang mapahulog niya.

"It's my second time to be in a club. Yung first time... yun yung gabi kung kailan nabuo si Aeious." Anito, bago sinimulang uminom ng beer.

Dos felt sadness from Skylight's voice. Naalala nga niyang sinabi nito sa kanya na nabuntis ito dahil may gumalaw ritong hindi nito kilalang lalaki. She messed up because her step-sister drugged her. Ngunit sa halip na madismaya siya sa kwento ng babae, bumilib pa siya rito. She's so brave to face such difficulty alone.

"Nagsisisi ka ba sa nangyari?" Hindi niya maiwasang tanungin pa ito tungkol doon, kahit ramdam niya ang pait sa mga mata nito.

Skylight shook her head. "Masaya ako sa pagdating ni Aeious... He is my life. Ang ikinalulungkot ko ay yung wala man lang akong pagkakakilanlan sa ama niya."

Ang makita na malungkot ang babae ay kalungkutan na rin para kay Dos. He enjoyed seeing her smiling and laughing, parang ayaw na niya itong makita na madilim ang mukha. As much as he could, gusto niya itong paligayahin... Ngunit pa'no? He have to think of ways.

"Pa'no kung bigla mong makilala ang tatay niya? At... gusto nitong magsama kayo? Pa'no kung dumating ang araw na balikan ka niya at gusto ka niyang pakasalan?... Papayag ka ba?" Ayaw niyang makarinig ng positibong sagot sa tanong na iyon, ngunit hindi niya mawari kung bakit iyon pa ang lumabas sa bibig niya. Paano kung sumagot ng oo si Skylight? Paano yung sa kanila? Kaya ba nitong basta na lang tapusin ang sa kanila? Kung sakali, papaano naman siya? Hay. Siguro mas mabuti kung hindi na nga lang nito makilala pa ang Ama ng anak nito.

"Ang sagot ko ay naka-depende sa mga bagay na dapat kong ikonsidera..."His back instantly stiffened when his eyes met hers as she finished her statement. "Isa ka sa mga bagay na 'yon."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon