PANG-SIYAM: Crazily scared

11.1K 349 10
                                    

Eksaktong alas-siyete ng gabi dumating si Dylan Eros sa apartment ni Skylight dala ang isang malaking duffel bag at isang backpack. Nadatnan niyang itong ipinaghehele ang baby nito.

Inilapag niya ang mga gamit niya sa tabi ng sofa at lumapit sa babae, upang makita ng malapitan ang karga nitong bata. The baby was behave and almost about to sleep. Though it's a boy, napansin niya agad na marami itong facial features na namana sa Ina nito.

"Ano nga ulit pangalan niya?" Alanganin niyang tanong dahil hindi niya matandaan kung nasabi na ba iyon ni Skylight sa kanya o hindi pa.

"Hindi ko pa nasabi sa'yo. His name is Aeious." Skylight answered using a voice so gentle. (Pronounced as Eyyus.)

"Ae ㅡ ano?" He wasn't focusing that much because his attention is at her luscious lips. Medyo reddish ang mga labi ni Skylight at sa isip-isip ni Dos, nakaka-tempt iyon ng sobra. Hindi naman iyon napapansin ni Skylight dahil ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ng anak nito.

When she finally looked at him, alertong tinanggal ni Dos ang tingin niya sa nakakatuksong labi nito.

"Aeious. The complete vowels with S."

"You mean... A-E-I-O-U-S?"

"You got it right." She responded.

"Wala ka na bang naisip na mas kumplikado kaysa do'n? Baka may second name pa siya?" Tanong niya nang maisip niya kung gaano iyon ka-kumplikado. Madali nga lang iyong bigkasin, pero kung isusulat na ng taong hindi nakakaalam kung ano ang spelling, mahirap.

"Wala siyang second name, tsaka di naman kumplikado a. Napakadali nga lang i-memorize ang spelling."

"Oo, pero pa'no kapag sa ibang tao na kailangang magsulat niyon o kaya magbasa?"

"My son's name is so simple. Kapag nahirapan ang iba, di ko na problema 'yon." Skylight casually replied like she really wouldn't give a care. "If you want to eat, nasa loob ng microwave yung ulam. Kumain na ako kanina. Nga pala, isa lang ang kwarto dito. Hindi pa tayo kasal kaya hindi pa tayo pwedeng magkahiga ㅡ."

"Saan ako matutulog?" Mabilis pa sa bullet train na tanong si Dos.

"Where do you think?..." Nagtinginan muna silang dalawa bago itinuro ng mga mata ni Skylight ang mahabang sofa. "Bukas magpapabili ako ng beddings kay Melvin. Pagtiisan mo muna dito sa sofa ngayong gabi."

Seeing how slightly nice Skylight is, Dos realized it's not bad. Kaysa naman makipagsiksikan pa siya sa mansiyon ng pamilya nina Gian. Kaysa naman makipagtalo pa siya sa parents niya. At kaysa naman maghanap pa siya ng sariling apartment, e wala na ngang laman ang kanyang wallet.

Dito na lang siya kay Skylight, though it's not really going to be smooth, at least araw-araw siyang may makikitang maganda rito.

"Bahala ka na diyan. Dun na kami sa kwarto, gagawa pa kasi ako ng homework."

"Sige." Sabi niya.

But to Skylight's surprise, he followed her inside her room. Gusto lang naman niyang makita kung ano ang itsura ng kwarto nito. "Your room is as neat as you." Komento niya habang ipinapahiga ni Skylight ang tulog na baby nito sa crib.

"Really? You think I'm neat?"

Natahimik si Dos at hindi niya sinasadyang mapatitig dito. He observed her from head to toe, complimenting every details of her body through his mind.

Sa isip niya, napakaganda ni Skylight, ngunit mas maganda pa siguro ito kapag wala itong damit.

For him, nakikita ang totoong kagandahan ng isang tao kapag nakahubad. Every human was born naked. And every newly born is beautiful. Therefore, every naked human is beautiful.

Sa madumi niyang isip, hinuhubaran na niya si Skylight. Kaya naman nang sumagot siya ay tila wala siya sa kanyang sarili.

"Yeah. So neat and tidy."

Napansin ni Skylight ang kakaibang pagtitig ni Dylan Eros sa kanyang katawan. Her eyes narrowed as her eyebrows furrowed. Naiintindihan niyang lalaki nga lang talaga ito, pero hindi naman yata tamang sa unang gabi pa lang ng pagtira nito sa kanyang bahay ay ipinapahalata na nito ang pagnanasa sa kanya.

"Pwedeng lumabas ka na? May gagawin pa kasi ako." She distinguished that Dos, at last, went back to his senses.

"Ah, sige. Pasensya na." Nakangisi pa itong nagkamot ng ulo bago lumabas, hila-hila ang pinto upang maisara.

Ilang saglit na nakakunot-noong nakatitig si Skylight sa pintuan. After making sure that Dylan Eros won't enter again, binuksan niya ang kanyang laptop at inilabas ang ilang hand-outs mula sa kanyang handbag. She quietly focused on doing her homeworks.

After an hour or two, natapos na niya lahat ng leksyon kaya nagdesisyon siyang matulog na. Humiga siya sa kama at madaling nakatulog. Naalimpungatan siya nang makarinig ng sigaw mula sa labas ng kanyang kwarto. It was a loud scream from a man.

Gulat siyang napabangon at nagmadaling lumabas para lang matagpuan sa dulo ng sofa si Dylan Eros, nakaupo at yakap-yakap ang mga paa. He looked pale and crazily scared.

"Binabangungot ka ba?" Naglakad si Skylight palapit kay Dos ngunit pinigilan siya nito.

"Wag kang lalapit, nandito siya sa ilalim, baka lumabas." Pagbabanta nito, na para bang may masamang nilalang na nagtatago sa ilalim ng sofa. Isang napakasamang nilalang na maski lalaki maiihi sa takot.

Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Skylight. "Ano ba kasi 'yon? Ba't parang takot na takot ㅡ."

"HAAAA!!! AYUN SIYA! PAPUNTA NA SA PAA MO! UMALIS KA DIYAN!" Sigaw ni Dos, akala mo'y natakasan na ng katinuan.

Skylight looked down the floor para lang makita ang nilalang na itinuturo ni Dos. She smirked. Hindi niya alam kung tatawa siya o maiinis. Itinaas niya ang kanyang paa, at sa mabilis na galaw ay natapakan na niya yung ipis. Patay agad ito.

She stared daggers at the man who, at that moment, looked like a surprised kid being saved by his favorite hero. "Pvtang!na, Dylan Eros. You became so pathetic only because of cockroach?! Kalalaki mong tao, takot ka sa ipis?" She can't really believe it. Pero hindi naman mukhang umaarte lang si Dos upang pag-isipan niyang nagpapapansin lamang ito. His scared face is real and genuine to death.

"Eh ㅡ " Wala itong nasabi. Tila ba, wala pa rin ito sa tamang pag-iisip.

Skylight smirked in annoyance. "This is insane. Akala ko matutulungan mo 'ko sa pag-aalaga ng anak ko. Ikaw pa yata ang kailangang i-baby sit?" Pagkasabi niya no'n, napapailing na lamang siyang bumalik sa kwarto.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon