PANG-APAT: Concerned

12K 330 16
                                    

Saan siya kukuha ng sampung milyon?

Naiipit na si Dos. Wala na siyang ibang choice kundi kagatin ang inaalok sa kanya ni Skylight Ong. But he's too young for a marriage, malayo pa sa mga plano niya ang pag-aasawa, tapos ngayon mukhang posibleng magkaroon na siya agad-agad ng instant family.

Hindi pa niya kaya ang ganoong responsibilidad.

Isa pa, kung mag-aasawa rin lang naman siya, pipiliin niya yung babaeng gusto niya o mahal niya; yung mahal din siya; at higit sa lahat, yung wala pang anak. Kahit napakaganda niyan, disgrasyada pa rin.

He doubt it if his parents were aware of that thing. If they knew all about it, imposibleng iharap siya ng mga ito sa mas nakakahiyang sitwasyon. Siguro naman hindi gugustuhin ng parents niyang makasal siya sa isang babaeng may anak na. But then, he eventually realized that whenever his Mom is upset or annoyed, nagagawa nito ang mga imposibleng bagay, which is why that is happening.

Hindi maipinta ang mukha niyang tumingin sa babaeng naghihintay ng kanyang sasabihin. She was patiently waiting for his response.

"Bakit ba kasi kasal pa? What if I'll work for you instead? As your assistant for example, your butler, or your driver." He suggested.

"I already have them all. Kailangan ko na lang ng tatayong Ama ng anak ko."

"Nasa'n ba yung Tatay niya? Iniwan ka niya? Ba't hindi mo sundan? Marami ka namang pera, di ba? Why don't you sue him?" He almost shouted, ang lakas ng boses niya. Nanlumo naman siya nang makita kung paano naging malungkot ulit ang mukha ni Skylight. Parang may kumurot sa kanyang dibdib nung makita niya ang ganoong klase ng itsura.

"Hindi ko siya kilala..." Skylight Ong replied in very low tone. Hanggat maaari, ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa Tatay ng bata. Naaawa at nahihiya ito sa sarili nito sa tuwing naaalala ang bagay na iyon.

Hindi agad nakaimik si Eros. Paanong hindi nito kilala ang nakabuntis dito? Pariwara ba itong babae kaya nakipag-niig na lang sa hindi nito kilalang lalaki? Lalong siyang nadismaya sa haka-hakang iyon. But the melancholic expression of the woman made his heart melt.

Sa isang banda, gusto niyang makilala kung sino iyong lalaking lumaspatangan sa ganoon kagandang babae, bugbugin ito at ipamukha rito na nagkamali ito sa ginawang pagkakamali. Pero paano? Utang nga niya, hindi niya mabayaran, paano pa kaya yung maghanap ng taong bogus ang identity?

"Okay..." Gumalaw ang noo ni Dos nang magsalitang muli ang babaeng kaharap. "I'm giving you time until 5pm tomorrow, time to think, or time to find money. I'll call you." Sabi nito, tsaka nito hinawakan ang mamahaling pouch mula sa mesa at tumayo. Nag-ipit ito ng isanlibo sa ilalim ng platito bilang bayad sa bill, bago ito umalis na hindi man lang ginalaw ang ipina-serve nitong kape.

Sinundan ito ni Dos ng tingin hanggang sa makalabas ito. She owns that luxurious Audi S8, at yung bantay roon na lalaki ay, malamang, butler nito.

Matagal siyang nakatulala sa table na iyon ng cafe, nag-isip, pinagtanto ng mabuti kung ano ang dapat niyang gawin. Unfortunately, he can't think straight. Binagabag siya ng tungkol kay Skylight Ong hanggang sa kanyang pagtulog. Kay naman paggising niya kinabukasan, nagdesisyon siyang makipagkita na agad rito.

"Pahiram ng damit." Sabi niya kay Gian nang pumasok siya sa loob ng sarili nitong bedroom. Gian's still on the bed, but his laptop computer is on his lap. Busy'ng-busy ito sa negosyo.

"Ang aga. Sa'n ka pupunta?" Gian asked as he concentrates on his laptop.

"Makikipagkita ako kay Skylight Ong." Sagot ni Dos habang naghahalungkat ng mga damit na bihira niyang makitang isinusuot ng kanyang kaibigan. "Sina Mama ang nagdesisyon nito para sa'kin. Bahala na. Pwede na rin si Skylight Ong, bata pa naman yun kahit may anak na. Maganda, sexy, tingin ko nga magaling siya sa kama. Higit sa lahat, mayaman."

"Magtrabaho ka para sa sarili mo." Komento ng concerned na kaibigan. "She's rich, but it doesn't mean she would provide for you. Kung wala kang hiya sa sarili mo, mahiya ka sa ibang tao."

Narinig niya ng maayos ang sinabi ng kaibigan, pero hindi iyon bumaon sa utak niya. Nakangiti pa siya nang lumabas dala ang mga nakuhang damit mula sa closet nito.

Nang makapagbihis siya, tinawagan muna niya ang number ng assistant ni Skylight Ong na unang tumawag sa kanya. The man said she's already in her school. Sinabi nito ang mga detalye kung paano niya mahahanap ang babae sa pinapasukan nitong University.

At the Golden University...

Morning break ni Skylight. Tapos na ang unang dalawang subject niya at nasa canteen siya upang kumain ng snack.

Sa school, hindi siya nagdadala ng kotse, wala rin siyang butler.

Sa school, hindi siya yung elegante at mayamang personalidad.

Sa school, isa lang siyang ordinaryong estudyante na madalas ikumpara sa sikat na step-sister niyang 5th year student na si Adrienne Ong.

Sa school, binu-bully siya dahil sa pagkakaroon niya ng anak.

"Miss, may basa ang damit mo o." Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Tinuro nito ang kanyang dibdib. Akala niya concerned ito, ngunit tumawa ito ng malakas kasabay ng mga kasamahan nitong tumawa rin.

"Ganyan talaga 'pag nagpapadede. Hi, Mommy! Pwedeng pa-dede din ako?"

"Ako din. Kanina pa ako gutom e."

"HaHaHaHaHa!!"

She looked down while clenching her fists, as she heard those roaring laughters. Nakalimutan niyang magdala ng shawl kaya kitang-kita ang basa sa damit niya na nagmumula sa kanyang dibdib. Pasimuno pa sa mga pambu-bully at pambabastos sa kanya ay mga lalaki.

She was about to turn around and leave the canteen, when she felt a warm thing from behind. Saka niya napansing nabalutan na siya ng jacket mula sa kung kanino sa kanyang likuran.

Nagtaka siya lalo na nang sandaling tumahimik ang buong lugar. Lahat rin ay nagtatakang tumingin sa kanya at sa taong nasa likod niya.

"You forgot to bring your shawl." He said.

She turned complete 180 degrees.

It was Dylan Eros.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon