PANG-16: Pest-control

10.3K 270 26
                                    

"Kung alam mo lang sana ang pinagdaanan ko dahil sa ipis, hindi mo 'ko mamaliitin." Mariing pahayag ni Dylan Eros. Lalaki siya, bakit siya papatalo sa kantiyaw ng isang babae? Hah! Ipis lang, napakaliit? Oo nga, ipis lang, pero nakakamatay rin. Nakakamatay ang dulot nitong dumi. At maaari ring maaksidente ang isang tao dahil sa maliit na pesteng iyon ㅡ kagaya ng nangyari sa kanya.

"Bakit? Ano ba'ng pinagdaanan mo sa kamay ng MALIIT na ipis?" Natatawa at nang-aasar na tanong ng babae. He looked at her with fixated gaze for a moment, before starting to tell a story.

"T@ng!nang ipis 'yan." Pagmumura niya. "Fifteen yata ako nun, ilang buwan na lang magtatapos na ako ng highschool. Inutusan ako ni Mama na gawin yung lumang christmas tree sa bahay dahil hindi raw alam gawin nung mga maids. Taga-bundok kasi yung mga katulong namin noon." Pagbibiro pa niya. Nag-make face lang naman si Skylight. He simply chuckled. "Doble ang taas nung christmas tree sa'kin kaya gumamit ako ng folded na hagdan para malagyan ko ng mga accessories sa taas. Pakanta-kanta pa ako habang ibinibitin ang mga christmas balls sa bawat dulo ng mga sanga nang biglang may lumitaw na ipis. Sa tapat ko pa mismo kaya nakapag-eye to eye contact kami."

"Haha ㅡ."

"Teka, wag kang tumawa." Sabi niya kaya naglie-low ang tawa ng babae, pero hindi nawala ang ngiti nito na tahimik na nagpapamangha sa loob-loob ni Dos. He doesn't want to spoil the moment  kaya siya nagpatuloy, kahit na ang totoo niyan, gustung-gusto na niyang halikan ang mga labi nito.

"Nung nag-eye to eye contact kami, sobrang nagulat ako. Hindi naman ako takot sa ipis nun, kaya lang sobrang nagulat ako. Nawalan ako ng balanse sa hagdan. Nahulog ako. Tumama ng malakas ang ilalim ng ulo ko sa hagdan ng bahay namin. Syempre dinala nila ako sa ospital kasi nawalan na raw ako ng malay. Paggising ko, hindi ko na maalala ang pangalan ko."

"Hindi nga?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ng babae. Nakangiti pa rin ito.

"Totoo 'yun." Giit niya. "Tinulungan ako nina Mama para maka-recover. Pero hanggang ngayon, blurred na talaga yung mga ala-ala nung unang fifteen years ng buhay ko. Yung tungkol sa pesteng ipis lang ang malinaw." Tumawa siya sabay iling. "Sa dami ng pwede kong maalala, bakit 'yung aksidenteng 'yun pa? Sumpa talaga ang mga ipis sa'kin. Kaya nga, may trauma pa rin tuwing nakakakita ako ng isa sa kanila."

"Kawawa ka naman pala..." Seryoso, nanigas siya nang abutin ni Skylight ang kanyang ulo at haplusin iyon na parang isa siyang maliit na bata o isang aso na inaalo nito. Napako na naman ang mga mata niya sa namumula nitong mga labi. It's so alluring, and its color's convincing him to kiss her, right there and then. Kung pareho lang siguro sana sila ng pakiramdam, baka sinunggaban na niya ito. Subalit hindi niya alam kung ano'ng tumatakbo sa isipan nito. Paano kung hindi naman pala nito gusto ang kiss? He took back the idea of kissing her. Baka masampal lang siya.

"Don't worry. Magpapa-pest control ako one of these days para wala nang ipis dito sa bahay." Sabi nito bago ito tumayo at nagtungo sa kusina. Hindi nagtagal, kumatok si Nimfa at ibinigay si Aeious sa kanila. Si Dos na ang nag-alaga dito habang ang babae ay nagluto ng dinner.

Bago pumasok ng school, nakita na ni Skylight sa social media na Mukhang Libro ang fake news tungkol sa kanya at kay Mr. Hantson. May nakakuha ng litrato sa kanila nang magkita sila noong Sabado. One picture was taken when Mr. Hantson held her hand out of the blue, kaya parang totoong nagde-date sila nang mga oras na iyon. Another picture was taken habang magkasunod silang lumalabas ng hotel, yun 'yung sandaling sinundan siya ng lalaki pagkatapos niyang mag-walk out. Kuha sa litrato ang pangalan ng hotel kaya daan-daang estudyante ng Golden University ang nag-react.

Naka-tag sa kanya ang post. Naka-tag din iyon kay Mr. Hantson. Ang nag-post no'n ay hindi niya kilalang pangalan pero alam niyang hindi iyon isang dummy account. Hindi naman kasi siya nag-a-accept ng kung sinu-sino lang.

Kaya pagdating niya sa school, hindi na siya nagtaka kung bakit siya pinagtitinginan ng bawat estudyanteng nadaraanan at nakakasalubong niya. She was the center of their attractions, in a really unpleasant way. Dinig na dinig niya ang mga ibinabatong maduduming salita ng mga ito sa kanya. Pokpok. Easy-to-get. Malandi. Ilan lamang ang mga iyon. Ngunit wala siyang pinansin dahil alam naman niyang hindi totoo ang balita.

Imbes na sa classroom, dumiretso siya sa faculty building at hinanap ang opisina ni Mr. Hantson. Pabalibag niyang binuksan ang pinto niyon nang makita niya sa bintana na nasa loob ang lalaking guro.

"Care to tell what's going on?" Siya ang nagtanong sa halip na ang gurong nagulat dapat.

"What do you mean, Miss Ong?"

"Wag ka nang magmaang-maangan, Sir. Alam mo kung ano'ng ibig kong sabihin." She's showing braveness and strength. Kahit pa isa itong guro, hindi siya matatakot. Even if it means, maki-kick out siya sa eskwelahan.

"Alin ba? Yung sa pictures? Yung sa post sa Mukhang Libro na nakita na ng buong school? Ow, ang ganda ng kuha sa'tin do'n, Skylight. Kaya kahit gustuhin kong ipabura, isinave ko pa yung photos sa gallery ko. We really looked like a real dating couple here." Itinaas nito ang cellphone at ipinakita sa kanya ang picture nila habang hawak nito ang kanyang kamay. Hindi siya natuwa. Bakit siya matutuwa, eh ni wala nga siyang gusto sa lalaki? She just wanted that issue to be ended as soon as possible.

"Sir, klaruhin mo sa buong school na hindi totoong may relasyon tayo. Hindi lang naman ako ang masisira, eh. Ikaw din."

"Paano 'yan, Skylight? Ang totoo, gusto ko pa ngang isipin ng lahat na karelasyon ko ang isang napakagandang babaeng katulad mo." Animo'y manyak na pahayag nito. Nakuyom ni Skylight ang kanyang mga palad.

"Please, Sir. Gusto kong makatapos ng pag-aaral." Pagpapakiusap niya. Hindi siya papayag na sa ganito lang matatapos ang kanyang mga pangarap. Naitawid nga niya ang pagbubuntis niya at nakabalik muli sa pag-aaral, tapos masisira na naman ba?

"Okay." Lumuwag ang paghinga niya nang marinig ito, ngunit pansamantala lamang. "Makipag-one night stand ka lang sa'kin. Kahit minsan lang, Skylight. At sisiguraduhin kong maayos 'to."

Labis siyang nanggigil.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon