PANG-61: Her first

10K 328 26
                                    

"Pwede ba'ng mahiram si Aeious, Sky? Ipapasyal namin siya ni Freya."

Tumalim ang mga mata ni Dos nang makita sa labas ng kwarto ang kambal ni Skylight na si Cloud. Ang aga nitong kumatok. Naistorbo tuloy ang moment nila nina Skylight at Aeious sa kama.

Maganda na sana ang gising niya. Kahapon, kagabi, kaninang madaling-araw, hindi sila tumigil ni Skylight na bumawi sa mga panahong hindi sila nagkasama. Hindi niya inalintana ang pagod, kasi naman, sa tuwing niyayakap siya ng babae ay agad na nabubuhay ang kaibigan niya. Tapos hindi rin naman ito tumatanggi, mukhang gustung-gusto na nga nito, mukhang naadik na nga ito sa mga ginagawa nila. Buti na lang, nakapag-provide ng synthetic crib si Cloud na siyang tulugan ng baby.

Maganda na sana ng gising niya, kung di lang niya nakita ang pagmumukha ni Cloud.

"Hindi." Matigas niyang saad bilang sagot sa sinabi ng soon-to-be-bayaw niya.

"Kapatid ko ang tinatanong ko, hindi ikaw." Paglilinaw naman nito.

Lihim na napamura si Dos. Hindi niya gusto ang kakambal ni Skylight. Mukhang hindi niya ito makakasundo dahil unang-una, pinagkamalan siya nitong si Kinn Torres, pangalawa, nayayabangan siya sa dating nito. Sana lang ay hindi insecurity lang ang nararamdaman niya.

"Please, wag kayong mag-away." Pakiusap ni Skylight. "If you really want to babysit Aeious today, you can, wag na wag mo lang siyang ipapahawak sa girlfriend mo." Mataray nitong pag-papaalala. Napansin ni Dos na mukhang hindi close si Skylight sa girlfriend ni Cloud samantalang dati nang magkakilala ang mga ito. Nung madatnan nila roon sa bahay ang babae ay hindi man lang bumati si Skylight. Siguro ay nag-away ang mga ito noon, or what, whatever. Baka ayaw lang siguro nito kay Freya. 

May sasabihin sana siya kay Cloud subalit, tumingin ng matalim sa kanya si Skylight. "Wag ka nang kumontra." Sabi nito, sabay hawak sa kanyang braso.

Nung mga sandaling iyon, biglang parang may bumukas na maliwanag na ilaw sa tuktok niya. Nagbunyi siya ng tahimik. Kung isasama nina Cloud si Aeious sa pamamasyal, ibig sabihin, magsosolo na naman sila ni Skylight, and for sure, mangyayari na naman ang bagay na hinding-hinding-hindi niya hindi magugustuhan. But of course, kailangan din muna niyang siguraduhin na ligtas ang anak niya sa mga kamay ng Tito nito.

"I don't really get it why you hate Freya that much, but, sige. Gusto ko lang talagang maging close kay Aeioㅡ."

"Hoy!" He interrupted. "Kapag may nangyaring masama kay Aeious..." Humakbang siya palapit sa lalaki, at nakipagtitigan ng mata sa mata. "Papatayin kita." Matapang niyang pagbabanta. But Cloud stared at him like he wouldn't give a damn before nodding with eyes closed. "Good." Sabi naman niya bago siya tumalikod. After all, kambal ito ng babaeng mahal kaya pwede na rin niya itong pagkatiwalaan. Papayag ba naman si Skylight na ipahiram ang bata rito kung hindi ito mapagkakatiwalaan at first place?

Pinanuod niya kung paano pinaliguan ng babae ang anak nila, kung paano niya ito binihisan, pinadede at ipinahiga sa kama. Magaan ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang bawat paggalaw ng mga ito, ang bawat pagngiti ng babae, at ang bawat pagtawa ni Baby Aeious. Every detail is invaluable. Wala na siyang mahihiling pa kundi maging isang ganap na pamilya silang tatlo. That would be the greatest thing to happen.

Dumating ang pananghalian at oras na para lumabas sina Cloud kasama si Aeious. Nagpabaon din si Skylight ng extra shirt at diaper na inilagay nito sa maliit na bag kasama ng tinimpla nitong infant milk. Bago umalis sina Cloud ay sinabihan ulit ito ni Skylight na wag na wag nitong ipapahawak kay Freya ang bata, na tinanguan naman nito.

Curious na curious si Dos kung bakit hindi talaga magaan ang pakikitungo ni Skylight sa future sister-in-law nito, ngunit ipinagsawalang-bahala na lang niya kinalaunan. Pakialam ba kasi niya? Ang mahalaga, silang dalawa na lang ng babae sa loob ng bahay nung mga oras na iyon.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon