PANG-54: Someone

8.7K 269 32
                                    

"Are you okay, Dylan Eros?"

Mula sa malalim na pag-iisip, bigla siyang nahimasmasan nang magsalita ang babaeng nasa harap niya. Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ito. She was smiling yet she kindly looked worried. Siguro dahil kanina pa siya tulala dahil sa ibang mga bagay ang naglalaro sa kanyang isip.

"Ah ㅡ Oo, sorry." He sighed. Pre-occupied ang isip niya ng tungkol kina Skylight at Aeious sa nagdaang higit bente-kwatro oras. Hindi na naman siya nakatulog. Sa katunayan, nagpalipas siya ng gabi sa opisina ng kanyang autoshop, umuwi na lang siya kinaumagahan upang makaligo at makapagpalit ng damit. Ramdam pa rin niya ang panghihina ngunit walang-wala iyon kumpara sa lungkot na bumabalot sa puso niya. Hindi na nga siya makapag-isip ng maayos kaya nang dumaan si Stacy sa autoshop at niyaya siyang mag-dinner sa labas ay sumang-ayon na lamang siya at sumama rito.

"May problema ka ba, o... ayaw mo lang akong..." Stacy shrugged her shoulders, with a smile though.

Umiling si Dos. "May... iniisip lang ako." Aniya. Huminga siya ng malalim saka niya pinilit na ngumiti. At that time, na-realized niyang wala na nga talaga siyang nararamdaman para sa babae. Wala na siyang hinanakit rito at nakahanda siyang tanggapin ulit ito ㅡ bilang kaibigan. Alam niyang walang ng kahit isang porsyentong pag-asa na magkabalikan sila kaya hanggang pagiging kaibigan na lang ang maaari niyang ipagkaloob. Kahit na ganoon ay ito pa rin naman ang first love niya. Espesyal pa rin naman ito sa kanya kahit papa'no.

Maya-maya pa'y nag-ring ang cellphone niyang nakalapag sa mesang namamagitan sa kanila ni Stacy. Lumitaw sa screen ang pangalan at numero ni Skylight kaya biglang naging abnormal ang kabog ng kanyang dibdib. He was hesitant to answer ㅡ una, dahil gusto na niya sana itong iwasan, at pangalawa, dahil may kasama siya. Ngunit habang patuloy ang pag-ring ng cellphone niya, nangati ang mga kamay niyang i-swipe ang green button.

"Sige na, sagutin mo na 'yan." Saad ni Stacy.

Tumingin muna siya sa babae, saka siya huminga ng malalim. Then he finally picked up his phone, as he anwered the call.

"Mm?" Excited siyang makausap si Skylight, gustung-gusto sana niya, pero sa sitwasyon nila, nangingibabaw ang lungkot sa tuwing nakakausap niya ito.

"Hello?... Ilalabas ko na si Aeious ngayon, nakapag-ayos na 'ko. Pwede mo ba kaming sunduin at ihatid sa bahay?"

Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan na pwede nang ilabas ang bata since nasalinan na rin naman ito ng bone marrow at bumalik na ang sigla nito. Sad to say, inisip niyang wala na siyang importansya sa mag-ina kaya hindi na siya nagsayang pa ng oras upang puntahan ang mga ito sa ospital kahit pa kating-kati na ang mga paa niyang magtungo roon. Hindi nga siya hinanap ni Skylight kahapon, nang hindi siya tumuloy. Tapos ngayong nangangailangan ito ay saka lang siya nito tinawagan.

"Skylight..." Nag-aalinlangan niyang sambit. "Si Dos 'to, hindi si Kinn." Pagpapaalala niya rito. Naisip niyang baka kasi nagkamali ito ng id-in-ial na number.

"Alam ko... Busy ka ba? Hindi ka ba makakapunta ngayon? May nilakad kasi si Melvin kaya walang magd-drive."

Napahawak siya sa gilid ng kanyang noo. "Skylight, alam mo... iniiwasan ko nang magkagulo kami ni Kinn, kaya... makikisuyo na lang ako kina Gian at Renee. Papupuntahin ko sila diyan." Labag sa loob niyang tanggihan ang babae, subalit, kung pag-iwas lang ang tanging paraan niya upang hindi maging masyadong masakit, gagawin niya kahit gaano kahirap.

Lumipas ang ilang sandali na wala siyang narinig mula sa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen ng kanyang cellphone baka nag-hang na ito, ngunit active pa naman ang call. Natahimik lang ang babae. "Skylight..." Sambit niya, nag-aalalang baka nagtampo ito.

"Okay lang. Hintayin na lang namin si Melvin hanggang bukas." Nakaramdam siya ng pagkakonsensya nang maulinigan ang sama ng loob sa boses nito. "Sige, Dos, pasensya na sa istorbo."

Gusto sana niyang bawiin ang mga ipinahayag niya at sabihing pupunta na siya upang sunduin ang mga ito, subalit ibinaba na agad nito ang tawag. He gasped an air, as he palmed his face. Sising-sisi siya, hindi dapat niya tinanggihan ang babae. Naguilty tuloy siya at pakiramdam niya hindi na naman siya makakatulog ng maayos. Nasa'n ang tapang mo, Dos? Nasaan?

Isa pang buntung-hininga at nakapag-isip na siya. "Stacy, I'm sorry kung kailangan na naman kitang iwan. Salamat sa dinner, tsaka... sa lahat. Hindi ako nagsisisi na minsan, minahal kita. Ang pinagsisisihan ko ay yung araw na nasaktan ako, and the days after that..."

Naging malungkot ang facial expression ng babae ngunit tahimik itong nakinig.

"I was busy wasting my life, that year, when someone had to struggle because of me. Dahil sa matinding sakit, hindi ko napansin na mayroon pala akong dapat haraping responsibilidad. I was so impetuous, but I plan not to be like that again kahit gaano katinding sakit pa ang maramdaman ko. Salamat... dahil kung hindi naging tayo, hindi ako masasaktan, hindi nangyari ang mga pinagdaanan ko, wala sana ang mga bagay na meron sa'kin ngayon, and I wouldn't have realized that loving can be unconditional."

Ngumiti siya at tumayo. "Marami ka pang makikilala. Soon, you'll meet that man who isn't as good as me, but will be better than me." Naglakad siya papunta sa tabi nito, yumuko, atsaka niya ito hinalikan sa ulo. "I have to leave."

Nang tumango si Stacy ay nagmadali na siyang lumabas ng restaurant. With a fast speed, he drove his car to the hospital, nag-park siya, at patakbong pumasok roon patungo sa pedia ward. Hindi rin niya matiis si Skylight kahit ano pa'ng gawin niya.

Mabilis niyang binuksan ang silid ni Aeious, para lang matagpuan na pinapadede ni Skylight ang bata. Napansin pa aniya ang gulat na reaksyon ng babae bago siya tumalikod. Sh!t.

"You came..."

Lalabas na lang sana muna siya nang magsalita ang babae.

"Okay lang, wag ka nang lumabas." Sabi nito ngunit nag-alinlangan pa rin siyang humarap. He remained facing the door because of discomfiture. "Dos, okay na..." Nag-alangan pa rin siya kaya dahan-dahan na lamang siyang umikot. Fortunately, nakaayos na ang damit ng babae. "Can you help me carrying the bag?" Tanong nito. Hindi naman siya nakasagot dahil napaskil ang tingin niya sa tulog na batang nasa mga braso nito.

Tulog nga ang bata, ngunit mahahalatang okay na ito dahil hindi na ito namumutla gaya nung mga nakaraang araw. He felt relieved, at last. Mababawasan na ang mga iisipin niya, dahilan upang makatulog na siya kahit papaano.

"O, ikaw na lang ang magbuhat kay Aeious?" Pinukaw ni Skylight ang atensyon niya, siguro dahil napansin nito ang matamang pagtitig niya sa batang hawak nito.

He gazed at her for a moment, before moving his sight at the duffel bag on the floor. "Mas mabigat yata yung bag." Aniya, bago niya iyon pinulot at binuhat. Kahit gusto niyang kargahin si Aeious, ay nahihiya siya, dahil pakiramdam niya, natanggalan na siya ng karapatan ㅡ dahil nga wala nang sila ni Skylight.

"Tara?" Tanong niya. Magiliw na tumango ang babae kaya naglakad na siya at binuksan ang pintuan para sa mag-ina.

Sabay silang naglakad sa hallway, ㅡ shoulder to shoulder ㅡ with a bag on his hand, and a baby on her arms. Ngunit wala silang imik hanggang makababa sila sa ground floor. Saka na lang siya nagsalita nang palabas na sila sa lobby.

"Pwede ba tayong dumaan sa bahay namin sandali? Matutuwa ang Mama ko kapag nakita niyang okay na si Aeious." Sabi niya, nang may kaunting pakikiusap sa kanyang tono.

Buong akala niya tatanggi ang babae, pero nang tingnan niya ito, ay ngumiti ito. "Oo naman."

Wala talaga sa plano niya ang kanyang mga sinabi, subalit iyon lamang ang alam niyang paraan upang mapatagal ang oras na makita niya at makasama ang dalawa. Sigurado kasing sa oras na maihatid niya ang mga ito, matagal na naman bago sila magkita-kita ulit, o baka hindi na.

Kaya't susulitin na lang niya ang mga natitirang sandali na kasama pa niya ang mga ito ㅡ lalo na ang kanyang anak.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon