PANG-15: Pa-virgin

10.6K 314 8
                                    

"Malaki pala."

Naibugso ni Dylan Eros ang nginunguya niyang pagkain sa ibabaw ng hapag-kainan.

Kumakain sila ng breakfast ni Skylight. Masyado silang tahimik. Nakasentro ang isip niya sa nangyaring pagkahuli ng babae sa kanya habang pinapakilagaya niya ang kanyang sarili sa loob ng banyo. Up to then, he still felt embarrassed. Yuyuko-yuko nga siya dahil pakiramdam niya wala na siyang mukhang ihaharap rito. Though he wants to sincerely apologize for what have happened, he can't speak even if he force himself. Siguro dahil iyon sa kahihiyang nararamdaman niya. Napakalalim ng iniisip niya tungkol sa nangyari nang biglang magsalita ang babae ng 'malaki pala'.

Humalo ang mga butil-butil ng nanguyang pagkain sa hotdog at itlog na ulam, sa sinangag at maski sa plato ni Skylight.

Dylan Eros' expression instantly became pale.

"What are you doing?" Napatayo ang babae at mataas ang boses nitong nagtanong. Umabot pati sa damit nito ang pagkaing ibinugso ni Dos, kaya naman halata sa mukha nito ang inis.

"Ano 'yung malaki?" He absentmindedly asked, ignoring the pointed look from the woman.

"Wala ka bang proper eating etiquette?" Painis na tanong nito, na inignora rin ang tanong niya.

"Ano nga 'yung malaki?" Tila nauubusan ng pasensyang tanong ulit niya rito. Iba kasi ang bagay na pumasok sa isip niyang nagtataglay ng 'kalakihan' kaya gusto niya iyong maklaro. If he's thinking it right, then he would be the most grateful man in the universe. Wala nang dahilan para mahiya pa siya.

"Ano'ng malaki?" Kunot-noong sigaw ni Skylight.

"Yung sinasabi mong malaki." Sagot niya.

"May sinasabi ba akong MALAKI?" Pinandilatan siya nito ng eyeballs. At hindi lang iyon, napameywang na din ito.

"Oo. Ang sabi mo, malaki pala." Sagot niya with feelings. "Oh, ano 'yung malaki?"

Napanganga ng painosente si Skylight. Nalukot ang noo niya, tsaka pumilig ang kanyang ulo. She seemed to be completely innocent and unaware. But actually, she knows what Dylan Eros is saying. She just can't admit it.

She pretended to wonder for a short while before acting as if she got back to her senses. "Ang topic natin ay tungkol sa etiketa mo. You sprayed the food out of your mouth! That's gross! Kung anu-ano yata kasing ini-imagine mo kaya kung anu-ano ring lumalabas diyan sa bibig mo. Umayos ka nga!" Pagse-sermon niya. Uminom siya ng tubog at naiinis na humakbang palayo sa kusina.

"Sa'n ka pupunta?" Sigaw ni Dylan Eros.

"Lalayasan kita sa sarili kong bahay!" Sigaw niya pabalik. Sa isip niya, buti na lang nasa loob pa ng kwarto at tulog ang kanyang baby.

"Ayos! Pwede ba'ng mag-uwi ng babae?"

Her feet suddenly desist from walking na para bang isa siyang sasakyan na biglang nag-full brake. Saka siya nagpalabas ng hininga. Do whatever you want to do.

Pagdating ng hapon, she prepared herself and went to the place where Mr. Hantson is waiting. Nag-text ito sa kanya. Palaisipan nga sa kanya kung saan o kanino nito nakuha ang kanyang cellphone number. But, eventually, she overlooked it and focused on their meeting. Pinuntahan niya ito sa restaurant ng isang malaking hotel sa Hilaga Avenue. Kung bakit doon pa nila kailangang magkita, ay hindi rin niya alam. Pumunta na lamang siya dahil nakakahiya namang mang-indiyan ng isang Professor.

"I thought you're not coming." Pambungad ng guro. Gwapong-gwapo ito ngayon lalo pa't nakasuot lang ng everyday casual. No wonder patay na patay sa kanya ang mga mahaharot na estudyante sa Golden University.

"Let's get straight to the point, Sir. May baby akong inaalagaan kaya hindi ako pwedeng magtagal." Pormal na pahayag niya.

"Relax. Let's take our time, Skylight. Ihahatid na lang kita mamaya."

She secretly disagreed. Kasama niya si Melvin ngunit nag-park lang ito sa kabilang building upang hindi makita ng guro.

"Maybe we can start, Sir. Regarding my problem... Some ㅡ no ㅡ MOST of my schoolmates are bullying me everytime, everyday, especially the boys. Why? Because I ㅡ."

"Sandali..." Animo maginoong usal nito. Ninindig ang kanyang balahibo nang hawakan ng guro ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Hinila niya iyon at itinago sa ibabaw ng kanyang legs. "Don't be shy, Skylight. Alam ko kung saan ang kiliti ng mga babaeng katulad mo..." Kinilabutan siya. Tama nga yata ang banta sa kanya ng kanyang mga kaklase.

"You know what, I have a proposal..." He said. She gazed at him intently, showing no worry or fear at all. "Rest assured na wala nang mambu-bully sa'yo sa school... I'll take care of them... In one condition..." Lalong nanindig ang mga balahibo niya nang ngumisi ito. "Be my FUBU."

"FUBU?" She asked with complete unawareness. It sounds like a clothing brand. But no, there must be a different meaning, hindi nga lang niya alam.

"Yes." He confidently replied. "I'll go straightforward, Skylight... You're beautiful... You have a great body... and because you have already a baby, your t!ts must be really irresistible. I want you to play with me on bed."

Napatayo siya. Hindi niya akalaing ganito ka-bulgar ang nakilala niyang matalinong guro.

"C'mon. Wag ka nang pa-virgin. I know you want it, too. Kaya ka nga nagkaroon ng anak dahil naglabas ka ng kati..."

"Sir, I have to go." Paalam niya rito. She stepped out of the table and went straightly towards the exit door. Mas binilisan niya ang lakad nang maramdaman niyang hinahabol siya ni Mr. Hantson. 

"Miss Ong, you'll regret that you turned down my offer." Pahabol nitong bulalas.

Lumingon siya habang naglalakad at walang pag-aalinlangang itinaas niya ang kanyang middle finger para sa manyak na guro. She was frustrated and disappointed from being verbally harrassed, yet she showed how strong she is. She will never swallow her pride and dignity just to save her public reputation. Never.

When she reached her apartment, she found Dylan Eros sitting on the couch, and silently watching TV. Tumingin ito sa kanya ngunit hindi ito umimik.

Tahimik niya itong nilapitan, umupo siya sa tabi nito, at marahan niyang idinantay ang ulo niya sa balikat nito. Hindi niya alam, pero bigla niyang gustong makaramdam ng init ㅡ init na nagmumula sa katawan ng iba.

Ramdan niya ang paninigas ng katawan ng katabi niya ngunit wala siyang pakialam. Alam niyang hindi ito kumportable pero wala talaga siyang paki. She needs comfort. Hell, she needs it.

"May... problema ba?" She knew that he's hesistantly asking.

"Mm. Akala ko tutulungan ako ng Prof ko sa problema ko sa school. Willing naman siya, basta ibigay ko lang daw ang kapalit. He asked me to sleep with him."

"Ano?!"

Napatuwid siya ng upo nang mag-react ang lalaki.

"Binastos ka niya?! Dapat tinawagan mo 'ko kanina. Sino ba 'yon? sasapakin 'ko."

"Sus." For the first time, she laughed in front of him. "Sa napakaliit na ipis nga, naiihi ka na sa takot e. Sa matipunong Professor na 'yun pa kaya? Wag mo nga akong bolahin."

Nakapanlulumo at nakakakunsyensya ang naging expression ng mukha nito. Napahiya yata.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon