PANG-13: Ex-girlfriend

10.7K 317 13
                                    

Lupaypay ang mga balikat ni Dylan Eros habang tila asong nakasunod sa kanyang amo. Skylight was busy picking and choosing clothes for her and for her baby, at si Dos ang taga-bitbit. Dalawang kamay na niya ang nagdadala ng mga shopping plastics at bags.

"Akala ko ba magka-kape tayo?" Nakabusangot niyang pagrereklamo. Nasa kid's section palang sila ng department store. Namimili ang babae ng mga baby socks.

"Pagkatapos nating mag-shopping." Sagot nito. Sa sobrang busy nito, ni hindi ito tumingin sa kanya.

Lalong nalaglag ang mga balikat ni Dos, tila ba napakabigat ng kanyang mga dala. Ngunit kung tutuusin ay tig-isang pares lang naman ng mga damit ang laman ng mga bags na kanyang hawak. "Natin?" Salubong ang kanyang mga kilay. "Gamit niyo lang naman ng baby 'to, tapos sasabihin mong 'natin'?" Aniya. Nagrereklamo na talaga siya.

"Mamili ka rin kasi ng gamit mo." Suhestiyon ni Skylight.

Dos started to look like he's going to cry. Nakalukot na ang kanyang mukha. "Di na. Bago pa naman lahat ng mga gamit ko." Palusot niya. Ngunit ang totoo nu'n, wala talaga siyang pambili. May pera nga siya sa kanyang wallet, subalit hindi pa sapat iyon upang mabili niya ang pinakamurang damit na makikita doon sa department store. Kinakawawa na niya ng palihim ang kanyang sarili.

"Ang sabihin mo, wala kang pera." Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ng babae. Natumbok nito! At nahiya naman siya.

"Wag ka nang mahiya..." Saad nito saka siya nito hinarap. Looks like she's starting to understand him more. "I know that you're financially unstable. So, for now, ako muna ang magbabayad sa mapipili mo."

Dos smirked. "Hindi na. Kahit papano, may pride pa ako. Bilisan mo na lang, kanina pa 'ko gutom e."

"Fine. Kung 'yan ang gusto mo."

Dos waited and patiently accompanied his fiancee. After more or less 20 minutes, niyaya na siya ni Skylight sa isang sikat na coffee shop. Inabutan siya ni Skylight ng paper bill na 1000 at siya na ang pinag-order nito. He ordered two coffees and waffles.

Nasa ilalim ng round table ang mga pinamili nila. They're facing each other while sipping coffees, silently. Di na natiis ni Dos kaya siya na abg bumasag ng katahimikan.

"May nunal ka pala sa tabi ng bibig?" Bigkas niya. Wala siyang ibang maisip na sabihin. Kaya nung mapansin niya iyon, 'yun na lang ang na-open niyang topic.

"Ah, oo. Maliit lang." Tipid nitong sagot, saka nito inipit sa likod ng tenga ang tumikwas nitong buhok.

Napalunok si Dos. Simpleng gesture lang ng babae, nagkakaroon na ng reaksyon ang kanyang buong sistema. For him, even the smallest details of her makes her more beautiful.

"Sabi nila, kapag may nunal daw malapit sa bibig ang isang tao ㅡ."

"Madaldal siya? Chismosa?" Mabilis na singit ng babae.

"Hindi." Bahagyang tumawa si Dylan Eros. Pansin kasi niya ang konting inis sa boses nito. "Palangiti raw siya..." He uttered softly, and deeply stared at her unblemished face.

"...at sobrang ganda."

Nag-angat ng mukha si Skylight, at aksidenteng nagtagpo ang mga mata nila. Then after a very short while, umiwas ito ng tingin. At alam ni Dos kung bakit. Namula kasi ang mga pisngi nito. Naisip niyang hindi yata ito sanay na pinupuri. Hindi niya napigilang hindi ito titigan, dahil mas lumilitaw ang ganda nito habang nagba-blush. Napakasimple lang nito ngayon, paano na lang kaya kapag naayusan? Siguro magmumukha na itong prinsesa, o reyna, o dyosa. Kahit ano'ng gakaw nito, maganda pa rin. Kaya hanggang ngayon, nagtataka pa rin siya kung bakit ito sinaktan ng ex-boyfriend nito. Napakatangang gago.

Natauhan siya nang tingnan na siyang muli ni Skylight.

"Tara na. Dalhin mo na lang 'yang kape mo." Sabi nito. Kaunti na lang naman ang kanyang kape kaya inubos na niya ito ng mabilisan bago niya pinulot sa ilalim ang mga shopping bags.

Magkasabay lang sila sa paglalakad sa loob ng mall, pero kung titignan, mukhang hindi sila magkakilala. Kung saan-saan siya tumitingin habang iisang direksyon lang naman ang tinitingnan ng babae. Pero hawak niya ang mga pinamili nito. Ayos! Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naranasang maging alalay.

"Ayy! Oh, God! I'm sorry." Kung saan-saan kasi bumabaling ang ulo niya kaya hindi niya napaghandaan ang aksidenteng pagbangga sa kanya ng isang babae. Yumuko agad ito at pinulot ang nahulog nitong cellphone kaya hindi pa niya nakita ang mukha nito.

Skylight stopped walking. Tiningnan nito si Dos sabay irap.

"I'm sorry. I'm really sorry." Paghingi ng tawad nung babae. At nang sandaling tuluyan nang makita ni Dos ang mukha nito, nanigas ang kanyang buong katawan. Tila nagulat din ang babae nang magtama ang kanilang mga paningin.

"D-Dylan?... Dylan Eros?" The girl murmured.

Dos remained wordless and stiffed. Pansamantalang hindi gumana ang utak niya. Pansamantalang nakalimutan niya na may naghihintay sa kanya. All he could think of that moment, was his past, and the girl from his past who was actually standing right in front of him.

It's been two years. And now, he accidently bumped with his ex-girlfriend, habang kasama niya ang babaeng mapapangasawa niya.

Ah, yes. Skylight was still there. Nahimasmasan siya at tumingin sa malapit nang mairitang babae na naghihintay sa kanya. Nang tumingin siya kay Skylight ay nakita niya ang inis at kuryosidad sa mukha nito.

He took steps close to Skylight, and completely ignored the stunned ex-girlfriend. After all, wala na rin naman silang ugnayan sa isa't isa. Pinutol na nito noon. Sinira na nito.

Sakay ng taxi, umuwi sila ni Skylight ㅡ tahimik, walang imikan. Para bang nawalan siya ng magandang mood. Mula nang makita niya si Stacy, para bang bumigat na ang pakiramdam niya.

Hindi tama 'to.

Huminga siya ng malalim upang paluwagin ang kanyang dibdib.

Tahimik na rin silang bumaba ng taxi at umakyat sa apartment ng babae. Nakasunod lang siya sa kasama. Akmang bubuksan na nito ang pinto, nang bigla itong lumingon sa kanya.

"May idadagdag ako sa pre-nup rules natin." Awtorisadong pahayag nito.

Bahagya namang nalukot ang noo ni Dos. "Ano 'yon?" Nagtatakang tanong niya.

Skylight sighed and then she crossed her arms. Ipinapakita nito na ito ang may hawak ng kanilang batas. At hindi pwedeng tumanggi si Dos. "Move on... from your past." Mataray nitong saad bago ito tumalikod at sinusian ang pinto.

Mukhang napa-background check nga siya nito ng maigi, at pati ex niya, kilala nito, for sure.

Pero kung makapagsalita naman ito, parang moved-on na sa ex-boyfriend.

Napangisi siya.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon