PANG-44: Evil Dad

9.5K 275 11
                                    

"Ano 'yun? Akala ko hindi fan ng PDA ang isang Skylight Ong?" Dos asked, focusing on the road as he hit the luxury car's gas and wheel at the same time. Ngunit kahit na naka-concentrate siya sa pagd-drive, hindi niya mapigilang isipin ang kapusukan ng babae na nangyari pa sa pampublikong lugar. He can't keep on smiling like an idiot. Palihim din niyang kinakagat-kagat ang ibabang labi niya na para bang naroon pa rin ang lasa ng labi ng babae.

"P...D.A?" She confusedly asked.

Nakangiti si Dos na sumulyap rito. "Public display of affection. Nakipaghalikan ka sa'kin sa harap ng ibang tao, tapos ikaw pa ang nag-first move... Nakakagulat ka rin minsan, e."

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Ha?..." He was temporarily shocked. Ilang sandali pa'y hindi na niya mapigilang ngumisi habang napapailing ang ulo. Bakit naman niya hindi magugustuhan ang halik na iyon? Labi iyon ng babaeng gusto niya, kaya sa pribadong lugar man o kahit sa harap pa ng milyun-milyong tao, magugustuhan at magugustuhan niya ang halik nito. Nakakabitin nga, eh.

"Anyway... who gave you the permission to use one of my most valuable properties?" Tanong ni Skylight. Isinantabi na nito ang tungkol doon sa 'public display of affection'. Natuwa naman si Dos dahil nawala na yata yung ilangan sa pagitan nila. Siguro nakatulong ng sapat iyong nangyari sa kanila noong nagdaang gabi sa loob ng kwarto nito. Labis man siyang nabitin, sobrang nagagalak naman ang kanyang puso. Because right after then, alam na niya kung saan siya lulugar sa buhay ng babae.

"Sinabi ko kasi kay Melvin na kung sakaling magpapasundo ka, sabihan niya ako at ako na lang ang susundo sa'yo."

"Bakit itong kotse na 'to ang ginamit mo?" Mabilis na tugon ng babae na nakapagpatahimik sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Dapat ba pumili na lamang siya dun sa mga low-key cars nito? O dapat yata yung gamit na lang ni Melvin ㅡ na Black Benz ㅡ ang kanyang ginamit.

Pinagdikit niya ang kanyang mga labi saka siya pasimpleng huminga ng malalim. "Nakakatukso kasing gamitin yung mga sasakyan sa secret garage mo. Masisira ang makina nito, mabubulok 'to kapag hindi pinapaandar. Sayang naman, di ba?" Sinulyapan niya ito sa gilid ng kanyang mga mata, humihiling na sana lumusot ang kanyang palusot ㅡ na tama naman. "Tsaka, ibinigay naman sa'kin ni Melvin ang susi kaya naisip kong baka wala namang kaso sa'yo." Dagdag pa niya.

Skylight owns almost a dozen of luxury and low-key cars secretly hidden on a basement of a five-star hotel, na kailan lang ay nalaman niyang pagmamay-ari ng yumaong Ina nito.

Mula kay Melvin, nalaman niyang dating manager lang ng hotel na iyon ang Ina ng babae ㅡ isang loyal na manager at employee. Walang tagapagmana ang may-ari niyon kaya kay Celestine Lopez ㅡ Ina ni Skylight ㅡ iyon ipinagkatiwala hanggang sa mamatay na ang owner. The hotel's administration was turned over to Miss Lopez' name, as well as the other assets of the owner, at nang mamatay naman si Miss Lopez ay inilipat sa pangalan ng anak nito, which is Skylight. Iyon ang malaking sikreto ng babae na hindi alam ng ama nito.

"Then... pwede mo ba akong turuang mag-drive?" Napatingin siya kay Skylight nang may bahagyang pagtataka. "Hindi nagagalaw ang mga sasakyan dahil hindi naman ako marunong mag-drive. Kung marunong lang ako, for sure, kung saan-saan na nakarating ang mga 'yon. Kaya.... gusto mo ba akong turuan?"

Medyo natulala siya ng panandalian. Ngunit pagkaraan ng ilang segundo'y, tumango siya. "Sige ba." Aniya. It's his pleasure to teach her how to drive a car. Karangalan niya iyon kapag natuto ito nang dahil sa kanya. Lihim na natutuwa ang kalooban niya dahil magkakasama na talaga sila ng madalas.

"Iwasan mo lang ang paninigas." He mentally talked to his friend underneath his jeans.

Nag-park sila ng sasakyan malapit sa apartment ng babae, sa likuran lang ng gray passenger car, na alam niyang pagmamay-ari ni Gian. Medyo nainis siya dahil alam niyang may mga istorbo na naman sa kanilang buhay.

Nauna si Dos sa pag-akyat dahil nakahanda na ang kanyang susi sa pinto ng apartment. Wala siyang balak kumatok dahil susurpresahin niya sina Gian at Renee sa kung anumang ginagawa ng mga ito. Ngunit pagbukas niya, siya ang nasurpresa.

The two were half-naked on their lower parts, sensually making-out on the sofa. Nagulat din ang mga ito nang makita siya ngunit hindi agad nakapaghiwalay ng mga katawan.

Fvck!

He pulled back the door with force, preventing Skylight to enter. "Wala diyan si Aeious. Baba muna tayo." Sabi niya sa tonong dismayado at may kahalong pagkainis. Nakaramdam siya ng inis dahil buti pa ang dalawang 'yon... Nainggit siya kaya naman muli siyang napamura sa kanyang isip.

"Bakit?... ah, teka ㅡ."

"Dylan Eros." Ipapaikot na sana niya si Skylight upang bumaba, ㅡ dahil ayaw niyang masaksihan nito ang kababuyang nagyayari sa loob, ㅡ ngunit bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Renee. Kapwa silang napatingin ni Skylight sa babae, subalit umiwas din siya at napahilamos pa ng mukha gamit ang kanyang palad.

Naramdaman din niya ang presensya ng kanyang bestfriend.

"Wala talagang delikadesa." Mahina niyang sambit.

"Ah, yang... damit mo... bukas." Dinig niyang saad ni Skylight. Sh!t. Sino'ng matinong babae ang lalabas ng bahay at haharap sa ibang tao na bukas ang ilang butones ng blouse at kita ang cleavage? Napapailing si Dos, hanggang sa nagtama ang mga mata nila ni Skylight.

"Pakisabihan sila na wag nilang gawing hotel ang bahay ko." Pahayag nito. At base sa mga salita at tono ng boses nito, alam niyang na-gets na nito kung ano'ng nakita niya sa loob, at hindi nito iyon nagustuhan.

After that, padabog itong bumaba.

Napapisil si Dos sa itaas ng kanyang ilong bago niya hinarap sina Gian at Renee na noo'y natahimik dahil sa kahihiyan.

"Brad, ano 'yon?... Ha? Teka... kayo ba?" Naguguluhan niyang  mga tanong sa kaibigan. Buti na lang ay mabilis na nakapagdamit ang mga ito. Dahil kung lumabas ang mga itong walang damit pang-ibaba, sisipain talaga niya ang mga puwitan ng mga ito pababa sa hagdan.

"Tol, pasensya ka na ㅡ."

"DOS!!" Na-distract ang kanilang pag-uusap nang marinig nila ang sigaw ni Skylight mula sa baba. Mabilis siyang tumanaw roon upang makita ang babae na nagpupumiglas habang hinihila ng dalawang lalaki, at isa pang lalaki ang pilit na inaagaw si Baby Aeious mula kay Nimfa. Napansin din niya ang pagbaba ng dalawa pang lalaki mula sa isang itim na van at tumatakbo palapit kina Skylight.

Hindi na siya nag-atubili pa. Mabilis siyang bumaba upang iligtas ang babae at ang anak nito mula sa mga estrangherong nagbabalak ng masama.

Good thing, there was Gian who played as his back-up. Sanay sila sa mga basagan ng ulo, at kapag tinatamaan siya ng adrenaline rush, walang makakaawat sa kanya.

Mabilis niyang binigwasan at sinipa ang mga lalaking kumakaladkad kay Skylight saka niya itinulak ang babae upang makalayo sa mga ito. Lumapit naman ang huli kay Nimfa upang kunin ang anak nitong umiiyak, na sa awa ng Diyos ay hindi nakuha ng estrangherong lalaki dahil napigilan naman iyon ni Gian. She hugged her son tight, as she watched the two guys trying to protect them.

Maya-maya pa'y tumigil ang lahat dahil sa isang utos. "Tama na 'yan!" An old man in a black suit came just when Dos was about to break the skull of one of his opponents. Kumulo ang dugo niya ng makilala ito. Binitawan niya ang hawak niyang lalaki at saka siya pumunta sa harapan nina Skylight, to cover her from her evil Dad.

"Get out of my way, young man. I'm here to see my daughter." Ma-otoridad na saad nito. Ngunit kahit gaano ka-awtorisado ang itsura at tono ng boses nito, hindi matatablan ng takot si Dos. He didn't oblige, sa halip ay lalo niyang itinago sa kanyang likuran ang mag-ina.

"Skylight..." Pagpupumilit ng matanda. "I'm here to inform you that I'm throwing a party for you and Adrianne tomorrow... Pupunta ka do'n sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi siya pupunta ㅡ."

"I am." Napatigil si Dos dahil sa tinuran ng babae sa kanyang likod. Nilingon niya ito nang may pag-aalala at pagkabigla. Sinalubong nito ang kanyang tingin, saka siya nito binigyan ng magandang ngiti bago nito hinarap si Mr. Ong.

"Next time na mag-iimbita kayo, hindi niyo 'ko kailangang takutin. It's my birthday party, ba't naman sana ako hindi pupunta?"

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon