PANG-53: Breaking

8.2K 249 19
                                    

After two days...

Hapon, nagising na naman si Dos pagkatapos ng parehong panaginip na napanaginipan niya noong nagdaang dalawang gabi. Parang routine na, na sa t'wing pipikit siya at makakatulog ay magsisimula siya sa pagd-drive ng kanyang dating SUV papunta sa club. Naisaulo na nga niya ang bawat detalye ㅡ naging malinaw na nga, sobra. At nang mag-usap sila ni Gian tungkol doon, ay mas lalo siyang naliwanagan.

Nag-beep ang kanyang cellphone. Nagmadali siya sa paggayak nang makatanggap siya ng text message mula kay Skylight. Nagpapasundo ito sa eskwela, kaya naman ginamit niya ang sasakyan niyang nabawi na niya mula sa kanyang parents. Almost 20 minutes din siyang nag-drive hanggang marating niya ang Golden University. Walang gate pass ang kanyang black coupé ngunit dahil kilala niya ang guard, nakapasok siya nang walang kaproble-problema.

Sa tapat mismo ng school building ni Skylight siya nag-park at naghintay sa babae. He texted her. After more or less 10 minutes, nakita na rin niya itong palabas mula sa building, kaya lumabas na rin siya upang makita siya nito, sigurado kasi siyang hindi ito pamilyar sa sasakyan niya. Napansin naman niyang palinga-linga ito sa paligid, marahil ay hinahanap siya nito.

"Baby!" Sigaw niya upang makuha ang atensyon nito. Ngiting-ngiti pa siya nung mga sandaling iyon na para bang wala siyang matinding pinagdaraan. Somehow, he managed to act as if nothing's wrong. He have to. He wouldn't want to show her that something's bothering him 'cause he doesn't want her to get confused. He doesn't want to be another burden to her.

Skylight saw him, at last. Nakatawag din ng pansin sa ibang mg estudyante ang ginawa niyang pagsigaw. Pinagtinginan siya ㅡ at ang kanyang sasakyan ㅡ ng mga babaeng estudyante nang may obvious na paghanga sa mga mukha. Ngunit nahalata naman sa mga ito ang pagka-disappoint nang tuluyan nang makalapit sa kanya ang babaeng iniibig niya.

Just like what happened several days ago, gusto ulit niyang angkinin ang mga labi nito. Naghintay siyang ito ang unang gumawa ng hakbang, subalit ni beso-beso ay hindi nito ibinigay sa kanya. So, he lost his confidence. Iba na kasi ang sitwasyon nila. Sa isang iglap, biglang nagbago.

"Diretso na tayo sa ospital." Ani Skylight gamit ang walang kagiliw-giliw na boses. Alam naman niyang nalulungkot pa rin ito sa kalagayan ng anak kaya naintindihan niya iyon ng buong-buo. Kaso, hindi lang niya matanggap ang katotohanan na hindi na nito kayang ngumiti pa sa harap niya. It's too sad.

Binuksan na niya ng passenger seat para rito, hinintay itong makaupo ng maayos sa loob saka naman siya sumakay sa driver's seat. He started the engine and silently hit on the gas, driving the way out of the school.

"Bakit parang namumutla ka?" Luckily, ito ang unang umimik kaya kahit papa'no ay nakaramdam siya ng ginhawa. He only doesn't like her question, not knowing why.

"Ah... hindi ako nakatulog ng maayos nitong nagdaang tatlong gabi." Gawa-gawa niyang tugon. Though it's partly true, hindi talaga iyon ang pinakamalaking dahilan. Actually, he needs more rest, kaso hindi naman niya matiis na hindi makita ang babae lalo pa't humingi ito ng pabor sa kanya.

"Dahil ba... sa'kin?" Napasulyap siya ng panandalian rito. "I hope you're doing fine. Sorry kung hindi kita nakakamusta. Sorry rin kung hindi kita masyadong pinansin nung huli kang pumunta sa ospital."

Ramdam na ramdam niya ang lungkot sa matamlay na boses nito. At nasasaktan siya dahil do'n. Tapos hindi pa niya alam kung paano ito aaluin. Hindi niya alam kung saan at paano siya magsisimula. Nasa loob niya ang takot. That's why, he just chose to make her feel that he's all fine.

"Ano ka ba?" Magiliw niyang tugon. Pinilit niyang magpakita ng masayang ngiti. "Okay lang ako, wag mo 'kong alalahanin. Ang importante ay gumaling si Aeious. Kung... may kailangan ka, magsabi ka lang, tinanggap na ulit ako nina Mama kaya medyo makakaluwag-luwag na 'ko simula ngayon." Nilagyan niya ng pagmamayabang ang kanyang tono para lang maitago ang pait doon.

Tinugon naman ni Skylight ng pilit na ngiti ang mga sinabi niya. "Thank you." She weakly stated. Magsasalita na ulit dapat siya nang magpatuloy ito. "And I'm sorry... Dos, I'm sorry..." Nang sinulyapan niya ito ay nakita niya ang pamumula ng mga mata nito, nagpapahiwatig ng pagluha. "I have to save my son, kaya sana..." Mukhang hesitant pa itong magsalita. Ngunit alam na niya ang gusto nitong sabihin at nakahanda siyang marinig iyon. Two days din niya iyong pinaghandaan. "...sana maintindihan mo yung sa amin ni Kinn. Gagawin ko ang lahat para kay Aeious, even if it means I have to let go of my own happiness..." Then she looked at him.

"Dos..." She uttered, her voice cracked, as a tear streamed down her cheek. Umiwas agad siya ng tingin dahil nakapanlulumong tingnan ang miserableng mukha nito.

Nung mga sandaling iyon, alam na alam na niyang masasaktan siya sa mga susunod nitong sasabihin. He prepared his heart, anyway. Ngunit, alam din niyang hindi sasapat ang preparasyong ginawa niya. Masasaktan at masasaktan siya ng lubos. Oo, mas magiging masakit iyon kumpara sa sakit na naramdaman niya noong mahuli niya si Stacy na nakikipaglaro sa iba. Mas masakit iyon kaysa sa mabangasan ng ilang beses sa pisngi, o masuntok sa sikmura, o maaksidente at mabalian ng buto. Mas masakit iyon kaysa sa panggugulat sa kanya nung ipis kaya nabagok ang ulo niya at nawalan ng memorya.

"I'm breaking our engagement... I'm really sorry."

Wala nang mas sasakit pa sa mga katagang iyon, ngunit dahil mahal niya ito, pakakawalan niya ito. He decided not to fight anymore, dahil pagod na rin naman siya. Hindi siya yung tipo ng tao na habang-buhay na ipagpipilitan ang sarili sa isang bagay na baka hindi naman para sa kanya. He's not as desperate as most people in love. Sa kanilang dalawa, parang siya lang naman ang lumalaban. Siguro nga... Siguro nga hindi talaga siya nito minahal ㅡ na ginamit lang siya nito ㅡ na hindi pa talaga ito nakakamove-on sa ex nito. Tama... ganoon nga siguro iyon.

Kung tutuusin isa lang naman talaga siyang rebound na binayaran ni Skylight. Binayaran lang siya nito, iyon ang pinakamasakit na katotohanan. Kaya wala siya sa lugar upang magreklamo, o maglabas ng hinaing. Palihim na lamang siyang magluluksa. Kahit pa hawak na niya ang isang karapatan, kung talagang nakapagdesisyon na ang babae, wala siyang magagawa.

Pinagdikit niya ng husto ang kanyang mga labi dahil nagsimula nang manginig ang mga iyon. He hardly gasped an air, trying not to cry, 'cause he'd choose crying as the last thing he would do. Hirap na hirap niyang pinilit ang sarili niyang ngumiti para ipakitang okay lang siya, saka siya tumangu-tango.

"Naiintindihan kita. Pero... sana okay lang... kung sakali..." Huminga siya ng malalim. "Kapag nakasal na kayo ni Kinn... sana makita at makasama ko pa rin si Aeious, kahit paminsan-minsan lang, once a week, o once a month. Sigurado kasing mamimiss ko siya, alam mo na, na-attached na rin ako sa bata." That's a hundred percent truth. He love Aeious the way he love Skylight. Kung papipiliin nga siya sa dalawa, mas mabuting wala na lang siyang piliin. Lalayo siya at bibitawan ang mga ito kung iyon ang ikapapayapa ng lahat.

"Oo naman." Medyo nakangiting sagot ng babae. They exchanged smiles ㅡ smiles that were weak and joyless.

Hindi na dapat siya papasok sa loob ng ospital dahil nanggaling na rin naman siya roon nung araw na iyon ㅡ na hindi alam ni Skylight ㅡ  subalit inanyayahan siya ng babae. With a relatively sorrowful expression, she followed her. Ngunit tumigil din sila sa lobby nang makita nila si Nimfa.

"Sa'n ka pupunta? Sino'ng nagbabantay kay Aeious?" Tanong agad ni Skylight hindi pa man nakakalapit sa kanila ang baby sitter.

"Galing ako sa canteen, Madam. Nandun si Melvin." Sagot ng huli. "Nga pala, kaninang tanghali, nasalinan na ng bone marrow si Baby, kaya sabi ng doktor pwede na siyang i-discharge anytime soon. Actually, ang sigla-sigla na nga niya kaninang nagising siya."

"Bone... marrow?... Nimfa, are you sure?!" Dos spotted a mixture of surprise and joy on Skylight's face, and he found that expression invaluable. Labis siyang natuwa subalit inilihim niya iyon.

"Oo, Madam. Babalik daw yung doktor mamaya para makausap ka."

"Tara. Gusto ko nang makita ang anak ko." Skylight almost run through the hallway. Sinundan ito ni Nimfa, hanggang sa nawala na ang mga ito sa paningin ni Dos.

Bumalik siya sa kanyang sasakyan dala ang malungkot na ngiti. It's over. Hindi na siya kailangan doon.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon