PANG-17: Anti-depression

10.1K 305 11
                                    

Gabi, sumama si Dos sa gimmick nila ni Gian at ng iba pa sa kanilang barkada. Pwede naman niyang gawin iyon ayon sa agreement nila ni Skylight ngunit nagpaalam na rin siya rito sa pamamagitan ng pag-send ng text message. He waited for her reply, ngunit lumipas na ang dalawa hanggang tatlong oras, ay wala pa siyang natatanggap na text mula rito.

"Hindi lang siguro siya pala-text. Dapat ko na ba siyang tawagan?" Kausap niya ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang inbox niya sa kanyang messaging app.

Nagsimula na ang kanilang inuman session. Dahil Monday, at wala namang masyadong gumi-gimik ng ganoong araw sa mga bars o clubs, sa bahay na lamang sila ng isa sa kanilang mga barkada. Malaki naman ang bahay nina Lance. Mga nakababatang kapatid lang nitong pawang mga lalaki ang kasama nito roon kaya walang problema kahit mag-inuman sila at mag-ingay buong gabi. They were a group of 7 ㅡ siya, si Gian, si Lance, si Brunzon, si Athrun, si Jekjek, at si Mark.

Ngunit may humabol, ang pinaka-presko at tinaguriang pinakababaero sa kanilang barkada. Propesyonal nga ang trabaho nito, subalit hindi ang ugali nito. Kaya nga madalas, ayaw nila itong nakakasama. Si Troy Hantson, isang Math Professor at anak ng Municipal Engineer. Dahil huli itong dumating, tungkol dito na ang sentro ng kanilang usapan.

"Nakabuo na ba kayo ni Misis?" Mark asked Troy.

Ngumiwi ang huli. "Hindi pa." Tipid nitong sagot. Tatlong taon na itong kasal sa asawa nitong si Charmille ngunit hindi pa nabibiyayaan ng anak ang mga ito. Ayon daw sa pagsusuri, may problema sa ovary ni Charmille kaya hindi ito nakakapagbuntis. Iyon ang dahilan kung bakit panay pa rin ang pambababae ni Troy na hindi namamalayan ng misis nito.

"Pa'no pag di na talaga kaya? Tanggap mo ba na hindi na kayo magkakaanak?" Tanong naman ni Lance. Animo'y mga reporter ito na nag-i-interview sa isang sikat na artista.

Troy suddenly smirked. "Siya lang. Magkakaanak na 'ko." He proudly informed.

Nagtaka si Dylan Eros at ang mga kaibigan niya. Then someone asked kung ano'ng ibig nitong sabihin.

"Magkakaanak na kami ni Queen Elizabeth?"

"Sino'ng Queen Elizabeth?"

"Yung taga-London?"

"Yung character sa sikat na movie?"

"Yung pinapantasya niya. Nag-i-ilusyon lang 'yan. Ang sabihin mo, may binarurot kang babae bago ka pumunta rito."

Panay ang haka-haka nila, maingay ang mga magkakaibigan, maliban kina Gian at Dos. They do not tolerate womanizing. Iritang-irita sila sa kaibigan nilang iyon na sobrang hilig sa babae. They're laughing with their friends but actually, they're not really happy for Troy.

"Kolehiyala." Usal ng huli. Napangisi si Dos. Pati pala estudyante nito, hindi pinapalagpas.

"T@ng!na naman, Pare. Bata pa?" Hindi natutuwang tanong ni Brunzon.

"Turning 20."

"Pvt@ng!na! Pag nalaman 'yan ng University admin, mawawalan ka ng lisensya. Pati yung babae mo, hindi na makakapag-aral sa GU." Si Jekjek naman ay tila concerned na nagpaalala.

Troy smirked once again. Tila hindi ito nababahala sa mga maaaring mangyari. "Ginagawan na namin ng paraan. Sa ngayon, ibang babae ang alam ng GU na karelasyon ko. At least hindi 'yun buntis. May anak 'yun pero hindi akin. Sa ganu'ng paraan, matatakpan ko si Elizabeth. Hindi naman ako tatanggalin sa school kapag umamin akong may relasyon nga kami ni Skylight. Yung babae ang maki-kick out."

"Skylight? Iba na naman?"

Pasimpleng nagtinginan sina Gian at Dos. Tsaka may kung ano'ng pumitik sa dibdib ni Dos kaya patago niyang kinuyom ang kanyang mga kamao. May iba pa bang Skylight na nag-aaral sa GU na may anak? Then he remembered last Saturday afternoon. Nung umuwi si Skylight na mukhang frustrated. Sinabi nitong niyayaya ito ng Prof nito na makipaglaro ng apoy.

"Babae mo rin 'yun? Maganda ba?" Tanong ni Athrun kay Troy.

"Mas maganda pa kay Elizabeth. May anak nga lang. Pero, pre, mas nakakaturn-on yung ideyang may anak na ito at laspag na. Ang bibilog ng hinaharap, ang sarap lamasin. Makinis ang balat, walang ka-gasga-gasgas."

"Naikama mo na? Magaling?"

"Hindi pa pero alam kong bibigay din 'yun. Mukha lang siyang santa kung gumalaw, pero sigurado akong mas makulo pa 'yun kaysa kay Elizabeth. Nanggigigil ako sa kanya. Gusto ko na siyang k@dyvt!n ㅡ."

"T@NG!NA MO!!" Napatayo si Dylan Eros at itinuro si Troy. Tumayo rin si Gian upang awatin naman siya.

Hindi niya masikmurang binabastos ng isa sa mga itinuturing niyang kaibigan ang babaeng magiging asawa niya. Nanggagalaiti siya. Nangangati ang kanyang mga kamao, gusto niyang manuntok.

"Ano'ng problema mo, Dos?" Mahinahong nitong tanong sa kanya.

"Ikaw, t@ng!na mo, Pare. Pati estudyanteng inosente, pinapatulan mo. Maawa ka naman kay Charmille. Ginagawa naman yata niya ang lahat para gumaling siya. Ba't hindi ka magtino?"

"Pvt@ng!na mo rin, Dos. Kung magsalita ka, akala mo matino ka. Matino ka ba? Tsaka, pre, ano ba'ng problema mo? Hindi ka naman dating nakikialam sa social life ko a."

"Social life pa ba ang tawag mo diyan sa libog mo?! Pvta! Hindi ko kukunsintihin ang ugali mong nambababae. Mas mabuti pang magtaya ng malaki sa sugal, kaysa magtaya ng buhay ng isang babae para isalba ang iba. Pinakamatanda ka rito, pero kung magsalita ka, parang hindi ka nag-iisip."

"Ano ba'ng pakialam mo?!"

Kung hindi pa siguro naawat ng mabilis nina Mark at Lance si Troy, nagpang-abot na sila ng suntok ni Dos. Susugod na rin sana dapat si Dos, subalit napigilan lang siya ni Gian.

"Wala akong pakialam sa'yo, t@ng!na mo! Wag na wag mo nang ipapakita 'yang pagmumukha mo sa'kin. Tarantado ka!"

Dumura pa si Dos bago siya umalis. Wala siyang pakialam sa lalaki. Ngunit kay Skylight at sa reputasyon nito, meron. He won't let Skylight's life to be ruined for the second time. Kung may kaya siyang gawin na paraan upang sagipin ito, gagawin niya. Nakahanda siyang talikuran ang manyak na kaibigan niyang iyon.

Nadatnan niya si Skylight sa labas ng apartment, nakatayo ito at nakatingin sa kawalan. Nagulat siya nang itaas nito ang isang kamay at humithit ng sigarilyo.

"Nag-yo-yosi ka pala?" Kunwari'y hindi nagulat na tanong niya. Si Skylight naman yata ang nagulat sa biglaan niyang paglitaw. Malalim kasi ang iniisip nito kaya hindi siya nito agad napansin.

"Ah, oo." Sagot nito nang mahimasmasan. "Occassionally... Anti-depression at pantanggal ng stress."

"Hindi ba masama 'yan? Nagpapa-breastfeed ka." Paalala niya. Stressed ang babae. Siguro ay dahil na ito sa ginagawa ni Troy Hantson rito. Ngayong nakita niya ang kalagayan nito, mas desidido siyang tulungan ito laban sa kanyang kabarkada.

"Ngayon lang naman. Napatulog ko na rin si Aeious e."

"Akin na 'yan." Sabi niya. Inagaw niya rito ang yosi at siya na ang humithit niyon. Napanganga sa kanya ang babae. Saka lang naman niya napagtanto ang kanyang ginawa ㅡ parang indirect kiss na rin ang nangyari. He secretly giggled at the thought.

Nag-e-enjoy na siya sa paghithit ng sigarilyo at pagbuga ng usok nang mapansin niyang nakanganga pa rin ang babae sa harap niya. Tigagal ito at tila hindi makapaniwalang inagawan niya ito ng yosi.

"Gusto mo pa?" Nakangisi niyang tanong. Namangha naman siya nang wala sa sariling tumango ang babae.

Then an evil plan came across his mind. Humithit  siya ng usok at pinanatili ito sa loob ng baga niya, tsaka niya hinawakan ang likod ng ulo ni Skylight. He leaned forward, targeting her lips. Dahil bahagya itong nakanganga, dumikit ang labi niya sa labi nito, saka niya ibinuga ang usok sa loob ng bunganga nito.

Parang nagising sa katotohanan si Skylight. Bigla siya nitong itinulak at kumaripas ito ng takbo papasok sa bahay.

Nahulog ni Dos ang sigarilyo. Natameme siya, at kusang gumalaw ang kanyang mga daliri upang hagurin ang kanyang labi. He kissed Skylight! He kissed her!

He absentmindedly smiled.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon