PANG-45: Date of birth

9.2K 269 13
                                    

Humihingi ako ng tawad kung mabagal akong mag-update. Nakakatamad kasing magsulat lalo na pag kulang ako sa tulog. Pasensya na po talaga.

~IBetYouKnowMe

=====================
=====================

CHAPTER 45

Sinundan ni Dos si Skylight sa loob ng kwarto. Abala ito sa pagpapatahan kay Aeious nang siya ay makapasok dahil panay pa rin ang iyak ng bata simula kaninang dumating ang ama ng babae at mga tauhan nito. "Baka gutom na rin siya?" Aniya. Maski siya ay nag-aalala rin sa hindi matigil na pag-iyak ni Baby Aeious.

"Sinubukan ko na siyang pagatasin pero ayaw niya. Baka natakot kanina dun sa lalaki." Sagot ni Skylight saka ito huminga ng malalim pagkatapos ng ilang segundo. Kunsabagay, sino nga bang bata ang hindi matatakot sa isang hindi kilalang tao na nagbabalak ng masama?

"Lakas kasi ng tama nung tatay mong praning." Wika niya. Up to that moment, ramdam pa niya ang pagkulo ng kanyang dugo, na dulog ng pagdating ni Mr. Ong. They were having a good day, sana, ngunit sinira ng matandang iyon ang ganda ng kanyang araw ㅡ ng kanilang araw. Palagay niya, may sira na sa utak ang Daddy ng babae, dahil kung nasa matinong pag-iisip pa ito, hindi ito gagawa ng bagay na lalong ikakasakit ng damdamin o ikakatakot ng anak nito. Kaya tama lang siguro ang ginagawa ni Skylight na pagrerebelde.

"Birthday mo ba bukas?" Tanong niya nang maalala niya ang tungkol sa birthday party. Tumango ito bilang tugon. "At birthday rin ng step-sister mo?"

"Pareho kami ng date of birth, nauna lang siya ng isang taon."

Napangisi si Dos dahil sa nalaman. Pagkakataon nga naman o. "Siguro sa parehong mga araw din kayo ginawa. Astig naman pala ng Tatay mo." Sarkastiko niyang pahayag sabay iling. Sa isip-isip niya, marahil ay isang malaking insulto iyon sa panig ng babae, o mas malaking insulto sa panig ni Adrianne. Napapangitan siya sa ganoong klase ng pamilya, gayunpaman, hinding-hindi niya huhusgahan si Skylight. Pagkakamali iyon ng Tatay nito. Isang malaking pagkakamali, na nadaragdagan at nadaragdagan.

"Pupunta ka ba talaga bukas sa party?" Pag-iiba niya. Nung mga sandaling iyon ay nakaramdam na silang pareho ng kaluwagan dahil nag-lie low na ang pag-iyak ni Baby Aeious.

"Mmm." Maingat na ipinahiga ni Skylight ang anak niya sa bed. Nagtungo ito sa aparador upang kumuha ng mga ipapalit na damit sa anak.

"You don't have to." Sambit niya saka marahang umupo sa tabi ng baby. "Pa'no kung hindi pa nagtanda si Adrianne sa pagkakakulong niya? Hindi ka ba nag-aalala na baka mapahamak ka na naman dahil sa babaeng yun?"

"Thank you sa pag-aalala, Dos. Pero hindi ako natatakot kay Adrianne lalo na kapag nakaharap si Daddy. She can't do anything against me if they're around." Pahayag nito habang pinapalitan ang mga damit ng bata. Tuluyan na nga ring nakatulog si Baby Aeious nung mga oras na iyon, kaya ipinahiga na ito ni Skylight sa loob ng crib.

"Sasamahan kita dun kung gusto mo." Suhestiyon niya. Kung may iisang taong magtatanggol kay Skylight, alam niyang siya iyon. Wala na siyang dahilan pa upang itago ang pag-aalala niya sa kapakanan ng babae. Hanggat hindi nagpapakumbaba ang step-sister nito, hindi siya mapapalagay.

"Hindi ko alam kung magpapapasok sila ng taong hindi imbitado." Tugon nito. She sat right next to him, enough for their shoulders to meet. Nagsimulang makaramdam si Dos ng hindi pa dapat maramdaman nung mga sandaling iyon.

"Sabihin mong inimbita mo 'ko, birthday mo naman 'yun." Aniya.

"I don't think I have the right ㅡ."

"Skylight ㅡ."

"Dos..." Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa kanyang hita, then she looked intently into his eyes. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang hindi niya maiwasang titig nito. "I'll be fine. Pupunta ako do'n dahil taun-taon tuwing birthday ko, may nakukuha akong karapatan mula kay Daddy. Nasa kasunduan nila iyon ng Mama ko. It's not a big amount, and I don't need it either, but it's my right. Tatanggapin ko ang pera nang hindi sila masyadong nagtataka kung saan ako kumukuha ng pinanggagastos ko."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon