PANG-35: Why?

8.8K 277 26
                                    

Sabi ko, mag-a-update ako nung isang araw kaya lang di ko nagawa. May mga nilakad kasi ako, tapos work ko pa ng gabi, ganundin kahapon. Sorry po. 😞

Hirap magsulat kapag nasira na inspiration. 😝 Joke.

~IBetYouKnowMe

===============
===============

CHAPTER 35

"Ano ba kasing ginagawa niyo rito?" Pabulong na sigaw ni Dylan Eros kina Gian at Renee na noo'y sumunod sa kanya sa loob ng bahay ni Skylight. He was standing right in front of Skylight's closed bedroom kaya pinigilan niya ang malakas na boses. "Tsaka, sino ba 'tong babaeng 'to?" Naiiritang nagkamot siya ng tainga.

"Ano ba 'yan, Dylan Eros? ㅡ."

"Shhh, wag kang sumigaw." Suway niya rito. Kilala niya ito, nararamdaman niya, hindi niya lang matandaan kung sino na nga ba ito. The girl was just as petite as Skylight, mahaba ang buhok nitong itim, at maputi rin kaya napagkamalan niya itong si Skylight. Right then, he regret what he did. Nagkaroon tuloy siya ng problema.

"Ouch. Hindi mo na ba talaga ako natatandaan? Nakalimutan mo na ang gandang 'to?"

Napaurong siya nang tangkain nitong ilapit sa kanya ang mukha nito. He looked comedically frightened, wondering at the same time. Tumingin siya sa kaibigan niyang si Gian upang humingi ng tulong. Napansin niyang tila natatawa naman ang huli, ngunit pinipigilan lang nito.

"Ex mo siya." Biglang pahayag ni Gian sa boses na sapat na upang marinig sa loob ng kwarto. Gian said that thing which was really unexpected. Nangunot ang noo ni  Dos, tsaka niya tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha. Hindi, imposible. He shook his head with a horrible stare at the girl who tried to throw cuteness towards him. Nawindang siya. Parang ito lang si Skylight ㅡ kapag nakatalikod, pero kapag nakaharap na... imposibleng magkagusto siya sa babaeng ito. She's not that bad, but she's not his type at all. Not at all.

"Sa pagkakatanda ko, wala akong niligawang kamukha niya."

"Oo, kasi hindi mo natatandaan." Mabilis na sumbat ng kaibigan niya, mabuti na lamang at naglie-low ng kaunti ang boses nito. "Naging kayo nung highschool. Nabagok lang ang ulo mo kaya nagka-amnesia ka, kaya hindi mo siya natatandaan. Classmate natin siya nun..." Tumangu-tango ang babae habang nagsasalita si Gian. "Tuwing founding anniversary, magkapartner kayo sa sayaw, partners na naman kayo nung mga proms. Naging kayo nung fourth year tayo. Ako nga dapat ang manliligaw sa kanya kaso ikaw ang gusto niya kaya nagbigaya ako ng daan." As Gian was saying the last lines, gulat na napatingin dito ang babae. Nagulat din pati si Dylan Eros.

"Totoo ba 'yan?" Tanong niya. It might be true, kasi totoo namang wala siyang natatandaan sa mga ala-ala niya bago siya nag-16 years old. At bata pa siya nung highschool, maaaring iba pa ang taste niya noon pagdating sa mga babae.

"Syempre... hindi." Sagot ni Gian, saka ito ngumisi. Dos' face instantly turned furious. Kung hindi lang niya ito kaibigan, baka nabigwasan na niya ito. Habang yung babae ay napanguso na lang nang tumingin ito sa una. "Siya talaga yung lakas-loob na nanligaw sa'yo..."

"Huy, hindi 'yan totoo!"

"Tch. Mula first hanggang fourth year, hinahabol mo si Dos. Naawa lang siya sa'yo kaya sinagot ka niya at naging kayo ng dalawang araw bago tayo grumaduate ㅡ."

"For your information, ako ang nakipagbreak sa kanya kasi kailangan kong umuwi ng probinsiya noon."

"Sa pagkakatanda ko, hindi ganun ang nangyari. ㅡ."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon