PANG-50: PWD

8.2K 245 17
                                    

"Sigurado ka ba? Ha?" Inilingan ni Dos si Gian kasabay ng kanyang malalim na paghinga. "Kasi sa nakikita ko, mukhang labag 'yun sa kalooban mo. Hayaan mo na lang kaya na si Skylight ang magdesisyon?" Dagdag nito.

Mabigat ngunit hindi labag kay Dos. Mabigat lang sa loob niya ang ipahanap ang ama ni Aeious. Subalit ㅡ kahit hindi man humingi ng tulong o nakiusap sa kanya ang ina ng huli, kusa niyang gagawin iyon para sa kaligtasan ng bata. Para sa batang minamahal niya na parang sarili na niyang anak.

"Sa ganitong paraan lang ako makakatulong kay Skylight." Aniya. Hindi pa niya nakakausap ng maayos ang babae for the past twenty-four hours. Nakatulala lang kasi ito habang binabantayan ang anak. Saka lang ito umiimik kapag may dumarating na doktor o nurse sa ward upang sumuri sa lagay ng bata, o kapag gising ang huli at kailangan nitong magpa-breastfeed. Kaya naman, naaawa siya sa lagay ng babae. Kaya hangga't may maitutulong siya, magbibigay siya.

"Sige." Tugon ni Gian. "Pero sa'n ako magsisimula, bro? Madali lang sana kung malalaman natin kung saang hotel nangyari yung one-night stand."

His eyes narrowed when he heard that 'one-night stand' phrase. Hindi niya ma-imagine na si Skylight ㅡ ang bulaklak na parang hindi madapuan ng paru-paro ㅡ ay nakipag-one-night stand nang hindi nito namalayan. It's such a pity. Kaya lang, nangyari na ang nangyari. Babanatan na lang niya siguro yung lalaki sakaling makilala niya ito.

"Ang sabi niya, along South Street ang hotel na 'yon, malapit lang sa bar na pinagdalhan sa kanya ng tarantadong ex niya. Pero hindi na niya inalam ang pangalan ng hotel." Yun ang naalala niyang sinabi ni Skylight noong araw na nag-open ito tungkol sa buhay nito.

"Bro, sa haba ng South Street, baka hindi lang sampung hotels ang naroon. Anyway, ano'ng petsa 'yun nangyari? Nabanggit niya sa'yo?"

"Mm. March 18, last year."

"March 18? Di nga?" Nagtaka siya nang tila nasurpresa ang kausap niya sa petsang kanyang binanggit. Tinaasan niya ito ng kilay. "Pvt@ng!na, birthday mo pa 'yun. March 17 naman ang anniversary niyo ni Stacy, di ba? Badtrip na badtrip ako nun kase ikaw yung nag-set ng party pero pagkagaling mo sa London, hindi ka na namin nahagilap. Tapos nung makaharap kita kinabukasan, mukha kang zombie. Ganun pala 'pag broken-hearted, pvtang!na." Natatawang pagbabalik-tanaw ng kaibigan niya sa nakaraan.

Talaga ba? Birthday pala niya nung araw na iyon pero nawala sa isip niya dahil sa sakit na inabot mula kay Stacy. Straight from London, dumiretso siya sa bar noon para mag-pakalango sa alak, the rest was a history he couldn't remember anymore. Dahil tama si Gian, parang siyang isang zombie na gumagala ngunit wala sa katinuan noong mga panahong iyon.

Umiling siya upang maiwaksi ang nakakasulasok na bagay na iyon sa kanyang isip. "Pucha, bro, yung kay Skylight ka na lang mag-focus. Mababayaran din kita."

"Tsk. Wag mong intindihin yung bayad. Yang puso mo ang asikasuhin mo." Nang-aasar nitong sagot. Tinapik pa nito ng dalawang beses ang balikat niya bago ito lumabas mula sa opisina ng kanilang autoshop.

Napahinga siya ng malalim sabay sandal sa upuan. Tama talaga si Gian. May problema ang puso niya at pag hindi ito naisalba, baka bumigay ng wala sa oras. Ang kaso, hindi rin niya alam kung paano ito isasalba. Baka nga tumindi pa ang damage sa sandaling makita na ang Tatay ni Aeious.

Bahala na.

Lumipas ang buong gabi na tiniis niyang huwag pumunta sa ospital. He stayed in his shop for the whole night without proper sleep. Nakasandal lang siya ng magdamag sa upuan kaharap ang desk. Pinilit niyang matulog subalit sa tuwing pipikit siya, ㅡ kung hindi mukha ni Skylight, ay mukha ng anak nito ang kanyang na-i-imagine. Hindi matahimik ang isip niya. Maya't-maya kung siya ay huminga ng malalim, napapahilamos ng mukha, o napapahawak sa kanyang batok. Tila isa talaga siyang haligi ng tahanan na namomroblema sa kalagayan ng mag-ina niya.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon