PANG-24: EXIT

9.6K 270 30
                                    

"Halikayo, apo. Halikayo, dun tayo sa harap." Yaya ng matanda kina Skylight. Hawak pa ng mga kamay nito ang isang kamay niya at ang isang kamay ni Dylan Eros. They're about to go, nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kanyang Daddy. Sumingit ito sa kanilang tatlo.

"Mrs. Fely Madrigal, kumusta kayo?" Magiliw na magiliw na kinuha ni Mr. Ong ang kamay ng matandang nakahawak sa kamay ni Skylight. "I'm Edison Ong. Daddy ako ni Skylight." Ngiting-ngiti siya nitong sinulyapan. Lihim siyang napangisi dahil sa pagkadisgusto. Manang-mana rito ang anak nitong si Adrianne. Expert sa pagpapakitang-tao, ngunit ang totoo, plastik naman. Pagkatapos nitong magparinig ng mga hindi-makain-ng-asong salita kay Dos, heto at biglang nagpapalakas sa Lola ng binata. All because the old man just found out that Dylan Eros is the Mayor's son.

"Ahh, ikaw pala ang Ama niya? It's good to meet you, Mr. Ong..." Magiliw na nakipagkamay ang matandang babae sa kanyang Daddy. Kapagkuwan ay nagawi naman ang tingin nito sa kanilang likuran. "And that woman... is her mother?" Alam niyang si Estrelita ang tinutukoy nito.

"Ye ㅡ."

"No, Ma'am." Pinutol niya kaagad ang dapat na sasabihin ng ama niya. Napansin niyang sumimangot ang huli. Gayunpaman ay nagpatuloy siya nang tumingin ang matandang babae sa kanya. "Celestine Lopez po ang pangalan ng Mama ko." Paglilinaw niya, dahil kahit kailan, hinding-hindi niya ituturing na Ina ang taong dahilan kung bakit nawala ang Mama niya. Mananatili lang ito bilang kanyang step-mother.

"Really?... Oh, yes. You've got her eyes and her beauty. Yung Nanay niya, ang Lola Gerona mo, kaibigan ko noon. Tingnan mo nga naman, napakaliit ng mundo. I heard that your Mother... died?"

Ngumiti siya ng malungkot. "Opo." Subalit napawi iyon nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Dylan Eros na dumikit sa palad niya. Hinawakan at pinisil nito ang kanyang kamay.

"I'm sorry for you lost, iha."

Umiling siya at nginitian ang matanda. "O siya, halina kayo, Apo. Dun tayo sa harap." Hinila na silang dalawa ng matanda, leaving Skylight's Dad partially embarrassed with mouth shut.

Di nagtagal ay narinig na nila ang boses ng Mayor. He started his speech with a cheerful old man's laugh. "You know what makes this night extra special?... It's my Mother and... my son. Napakasaya kong makita silang pareho..."

Sinalubong sila ng Mama ni Dylan Eros at pinaupo sa VIP table.

"...umuwi pa ang Nanay ko mula States para lang makita ako sa aking birthday. At... ang anak kong manang-mana sa kakisigan ko..." The Mayor laughed, tapos tumingin ito sa gawi nila, partikular na kay Dos. "...I think, he's not into social gatherings like this, lalong-lalo na sa pampublikong programa, kaya ngayon lang namin siya naipakilala sa inyo. My son is Dylan Eros..." Itinuro ng kamay nito ang binata. "Poging-pogi pero mukhang gangster. Anak, tumayo ka naman para makilala ka ng buong lalawigan natin..."

Tinanguan ni Skylight si Dylan Eros upang kumbinsihin ito. Huminga muna ang huli bago ito tumayo.

"May sasabihin ka ba kay Papa?" Tanong ng Mayor.

"Ha?" Narinig naman ni Skylight ang pag-react ng binata. Napangiti siya. Hindi siya sigurado kung tama bang dinala niya roon ang lalaki, pero sa nakikita niya, may mabuting naidulot iyon ㅡ sa parehong panig nila. Maya-maya'y nag-abot ang host ng mic dito.

"Ahh..." Pasimple itong lumingon sa kanya tsaka ito nagkamot ng ulo. Halatang hindi nito alam ang sasabihin. After a while, huminga ito ng malalim at nagsalita ng may kaseryosohan. "Invited kayo sa kasal ko."

Nangunot ang noo ni Skylight ng wala sa oras. Ano'ng kasal? Wala pa naman sa plano nila ang pagpapakasal sa lalong madaling panahon. Bakit nag-iimbita na ito? Nag-iisip ba ito?

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon