PANG-36: Single tear

9.1K 273 23
                                    

Umiyak si Dylan Eros.

Hindi. Kunwari lang na umiyak siya. Pero ang totoo, gusto talaga niyang umiyak nung gabing iyon habang nasa bar sila ni Gian. But he kept his tendency to overact, cause it's just so gay. Baka lalo lang siyang tawanan ng kasama niya.

"Namo. Kasalanan mo 'yun." Sabi niya sa kaibigan niyang noo'y tawang-tawa sa kadramahan niya. "Kung hindi mo dinala yung... yung si... ano? si Rene ㅡ."

"Renee." Pagtatama nito.

"O di.., Renee kung Renee. Hindi sana magagalit si Skylight. Galit lang siya kaya nasabi niya 'yun. Iba pala siya magselos." Sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niyang selos lang iyong ipinakita ng babae. Gusto niyang maniwala na tama ang iniisip niya, na baka bukas okay na ito tapos tatawagan siya nito. Hindi naman siya umalis dahil sinusunod talaga niya ang gusto nito, umalis siya upang magpa-miss, umalis siya baka-sakaling marealize nito ang kanyang halaga. Umaasa siya na sana nga marealize nito iyon.

"P're, wag ka nang assuming. Narinig ko yung mga sinabi niya. At pareho nating alam na seryoso siya nung sabihin niyang hindi ka na niya gustong makita. Hindi yun tungkol kay Renee, hindi yun selos, hindi rin yun galit... hindi talaga siya nahulog sa'yo. Baka napagtanto niya yun habang nasa fieldtrip siya."

Natahimik siya.

Masakit para sa kanya kung tama nga ang opinion ni Gian. It so sad for him to think that he planned to make her fall, but actually it's him, and it's only him who fell for her. Gustung-gusto na niya si Skylight, at hindi na niya iyon kayang ipagkaila pa sa kanyang sarili. He likes her. He wants her. Kung alam lang sana nito kung gaano niya ito ka-gustong halikan sa tuwing magkaharap o magkatabi sila. Kung alam lang sana nito na ito ang pinapantasya niya sa tuwing naliligo siya o bago matulog sa gabi. She's all that he wanted. He wants all of her, including her son. Okay lang sa kanya na magpaalipin dito. Okay lang sa kanya na makulong sa piling nito. Ayaw na niyang bumalik sa dati.

He wants her so much. But she-doesn't-want-him is the problem.

He sighed. "Put*ng!na."

It's already morning. Tumatagos na ang liwanag sa bintana kaya binuksan na ni Skylight ang mga mata niya kahit na gusto pa sana niyang piliting matulog.

Hindi siya nakatulog ng maayos nung nagdaang-gabi. She's thinking about Dylan Eros and what she have said to him. Iniisip niya kung ano na lang kaya ang naramdaman nito pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang hindi naman talaga niya dapat sinabi. Labag sa loob niyang paalisin ito, at mas lalo labag sa loob niyang sabihin na hindi na niya ito gustong makita pa, dahil ng totoo, ㅡ maliban sa anak niya ㅡ si Dos ang gusto niyang makita palagi.

But she's afraid. She's so scared to be left hanging and broken again.

Kaya inuunahan na niya ang mga pangyayari. Kahit masakit, at least, hindi gaano. Mas masasaktan siya kapag dumating ang araw na pipilitin siyang palayain at bitawan si Dos. Mas masasaktan siya kapag ito na mismo ang umayaw. Mas masasaktan niya kapag dumating na yung araw na kailangan na nilang mamili.

She's not obeying her father. She won't. No one could ever command her after Kinn. Nothing can control her but herself. Minamanipula siya ng sarili niyang pag-iisip. Hinahayaan niya kontrolin ng isip niya ang kanyang puso dahil isip niya ang mas nakakaalam kung ano'ng nakabubuti. Oo, alam ng puso niya kung ano'ng ikasasaya niya, but she's choosing the safest way where she can be at peace. Ayaw niyang madamay sa gulong mangyayari sa pagitan ng Daddy niya at ng mga Madrigal.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon