PANG-41: Exaggerated

8.6K 282 15
                                    

Tahimik na nag-drive si Dos pabalik sa lugar ni Skylight. Tahimik lang din naman ang kasama niya kaya hindi na rin siya umimik. The atmosphere between them became awkward. Again. As usual. Kaya naman hindi siya nakahinga ng maayos nung mga sandaling iyon. Buti na lang, mabilis silang nakabalik sa bahay ng babae.

He parked the car carefully on the side of the street. Hinintay niyang unang bumaba si Skylight, ngunit hindi ito gumalaw sa kinauupuan nito, ni hindi nito tinanggal ang gamit nitong seatbelt. So, Dos did the same thing.

Pasimple siyang huminga ng malalim, ㅡ para lang hindi mapansin ng babae na kabadong-kabado siya ㅡ upang mawaksi na rin ang pressure na kanyang nararamdaman.

"Yung... kanina..." Ayaw niyang mautal, pero 'yun na mismo ang nangyari. "Pasensya na kung... medyo naging hysterical ako." Sinserong paghingi niya ng paumanhin. Naalala kasi niya na ilang beses pala siyang nakapagmura sa harap nito habang naroon sila sa gilid ng dagat. Hindi niya sinasadya iyon, kaya guilty siya. Worried din siya na baka ma-turn-off sa kanya ang babae.

"Ah... walaㅡ wala 'yon. Na...gulat lang ako sa mga sinabi mo." Sagot ni Skylight sa mahinhin at tila ba kabado ring boses.

Dylan Eros doesn't want it to be like that ㅡ the awkward ambiance. Naisip niya, nagbabago talaga siguro kapag may kakaiba nang nangyayari, at ang kakaibang 'yun ay nangyayari na sa kanya. Ngunit bakit? He never felt that kind of awkward feeling before. The way he fell in love with his ex-girlfriend, Stacy, was far different from the way he's falling for Skylight. Pakiramdam niya, mas matindi iyong nararamdaman niya para sa huli. Intense. Nakakabaliw.

Dahan-dahan siyang tumingin sa babae. At muli, muli na naman siyang humanga sa taglay nitong ganda. Nakalugay ang buhok nito, wala itong make-up, wala itong lipstick, t-shirt at shorts lang ang suot nito, subalit para sa kanya, iyon na siguro ang pinakamagandang itsura ni Skylight. Simple at natural. Hindi na nito kailangang magsuot ng korona at mahabang gown, dahil ang kumikislap na mga mata nito ay sapat upang ito ay tawaging prinsesa.

Sa totoo lang, ang korny ng naisip ni Dos. Hindi siya yung tipong "don romantico", ngunit kung para kay Skylight, handa yata siyang magpakabaduy.

Bumilis ang kabog sa dibdib niya nang salubungin ng babae ang kanyang titig. It's too late to take his glance away. Nagkatitigan sila. At nang mga sandaling iyon, wala nang ibang pumasok sa isip niya kundi ang tikman at halikan ang labi nito. All he need was just a smack to call that a night. Maramdaman lang niya ang kalambutan niyon ay okay na.

He started moving frontward. To his surprise, hindi gumalaw si Skylight, nakapaskil ang mga titig nito sa kanya na para bang hinihintay siya nito, na para bang wine-welcome siya nito.

Nadagdagan ang kanyang lakas-ng-loob.

Maiksi na lang ang distansya sa pagitan nila. Konting galaw na lang at magtatagpo na ang kanilang mga labi. Isa pang tulak at matitikman na niya ang nakakatakam na mga labing iyon. Subalit nabitin. Bitin na bitin.

"May... problema ba?" Mahalumanay na tanong ng babae sa kanya, acting very much innocent.

Napabuga ng malalim na hininga si Dos bago siya bumalik sa maayos na pagkakaupo at dismayadong in-unfastened ang kanyang seatbelt. "Palagay ko, dapat nang papalitan ni Gian ang mga seatbelt ng sasakyan niya." Mabilis siyang lumabas at bumulong ng "pucha", saka siya pumunta sa kabila upang pagbuksan ng pinto ang babae.

"Baka pwede kong makita si Aeious kahit sandali?" Tanong niya habang sinusundan si Skylight sa paglakad palapit sa hagdan ng apartment nito. Ngunit ang gusto talaga niyang itanong ay "Baka pwedeng dito na ako matulog?", kaso naalala niyang naroon pala si Renee kaya walang espasyo para sa kanya.

Kung pwede lang sanang magtabi sila... nevermind.

"Sige." sagot ng babae.

Magkasunod silang umakyat. Kahit papa'no, nakaramdam siya ng maluwag dahil, kahit wala nang mahabang usapan, tiwala siyang okay na sila dalawa. Okay na sila ㅡ as in, hindi na mabubuwag ang kanilang engagement. Sana.

"Mukhang tulog na yung kasambahay mo ㅡ." Natutop niya ang kanyang bibig nung sandaling mabuksan ni Skylight ang pinto at makita nila sina Renee at Gian na magkatabing natutulog sa sofa bed. Nakatihaya si Renee, nakabukas ang bunganga nito, nakabukaka at ang isang paa nito ay nakapatong sa tagiliran ni Gian. Sinakop ng babae ang malaking espasyo ng kama kaya anumang oras ay maaaring mahulog ang lalaki sa sahig.

"S-Sila ba?" Nagtataka at naguguluhang tanong ni Skylight. She used a whispering tone, afraid to wake those two up.

Nagkibit-balikat si Dos dahil wala siyang alam. Malay ba niya. Hindi naman siya mahilig manghimasok sa buhay ng may buhay lalo na sa lovelife ng kanyang mga kaibigan. Nakakadismaya. Isang babaeng walang tamang etiketa at isang lalaking mababa ang standards. "Tsk. tsk. tsk." Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang sitwasyon ng dalawang taong iyon.

"Bakit? Nagseselos ka ba?"

"Ano?" Bigla siyang napatingin kay Skylight, na nung mga sandaling iyon ay naglalakad na papunta sa kwarto nito. He followed her immediately. "Ba't ako magseselos?" Tanong niya.

Lumapit sa paanan ng crib ang babae at inayos ang pagkakahiga ni Baby Aeious na noo'y mahimbing na mahimbing nang natutulog. "Di ba't ex mo si Renee? Mukhang may relasyon sila ng bestfriend mo."

Napangisi siya. Nagsimula siyang humakbang palapit sa crib at pinagmasdan ang mukha ng bata na tila ba baby boy version ni Skylight. Subalit, napapansin niya na habang tumatagal, nagiging parang pamilyar ang mukha ni Aeious ㅡ ang hugis ng mukha nito lalo na. Para bang nakita na niya ito sa ibang lugar at sa ibang pagkakataon.

Sinumpong na naman siya ng kapraningan. Na-miss lang siguro niya ito.

Satisfied na siyang makasama kahit sandali si Skylight at masilip ang baby kaya nagpaalam na siya. Dahil naroon si Gian sa bahay ni Skylight, sa opisina na lang ng kanilang autoshop niya naisipang matulog.

Inihatid siya ni Skylight sa ibaba ng hagdan.

"Sige na, umakyat ka na." Sabi niya nang harapin niya ito. Nasa unang baitang ito ng hagdan at siya ay nasa pinakababa na, kaya naman halos magkapantay na lang ang kanilang mga ulo.

"Hindi ka ba talaga natatakot sa Daddy ko?" Hindi niya inaasahang tanong ng babae. Noo'y nabawasan na ang tensyon o presyon sa pagitan nila.

"Sa iilang tao lang ako natatakot, at sila yung mga pinagkakautangan ko. Wala naman akong atraso sa tatay mo, kaya bakit ako matatakot sa kanya?" Maaaring nag-aalala siya sa kung anong pwedeng gawin ni Mr. Ong, ngunit sa kanilang dalawa ng matanda, mas malinis ang kanyang hangarin kaya tiwala siyang magiging maayos din ang lahat.

Tumangu-tango si Skylight, senyales na na-gets nito ang punto niya. Maya-maya pa ay hinawakan siya nito sa mga balikat at sa hindi niya inaasahang sandali, mabilis siya nitong ninakawan ng halik. Sa labi. Oo, sa labi nga. It was just a less-than-one-second kiss but it made him completely stunned. Pakiramdam niya, natakasan siya ng ulirat. Exaggerated nga kung iisipin, pero 'yun ang katotohanan. Hindi iyon ang unang beses na nag-kiss sila, but it was actually the very first time that it was Skylight who did the move.

Then she smiled, timidly. "Ah, s-sige. Aakyat na 'ko. Good night." Nagmamadali paalam nito. But before she could turn her back, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Dos na hilain ito at bigyan ng mas makatotohanang halik.

Hawak nga isang kamay niya ang braso nito at ang isa ay nasa likod ng ulo nito. He moved his experienced lips with hers, passionately. At nung maramdaman niya ang mga kamay ng babae sa kanyang balikat, at ang pagsunod nito sa galaw ng kanyang mga labi, mas pinag-igihan niya ang paghalik rito. They shared ㅡ not lustful ㅡ but romantically deep kind of kiss.

It lasted for several minutes, so when their lips parted, kapwa sila tila naghabol ng hininga. However, they didn't part bodies. Skylight hugged him, so he hugged her back, tightly.

"Dito ka na matulog." Bulong nito.

Na-excite siya.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon