PANG-51: A Sibling

8.3K 244 33
                                    

May kabigatan sa loob ni Dos habang naglalakad siya papunta sa ward kung saan naka-confine si Baby Aeious. His chest was pounding hard, purong kaba ang nararamdamam niya nung mga sandaling iyon. Hindi siya makapag-isip ng matuwid. Parang ayaw niyang malaman ang katotohanang si Kinn lang din ang ama ng bata ㅡ kung 'yun ng ang totoo. Gayunpaman, dinala pa rin siya ng mga paa niya sa ospital.

Gustung-gusto na rin kasi niyang makita si Skylight. Para bang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ito nakita. Anuman ang mangyari ㅡ anuman ang lumabas na resulta, dala-dala pa rin niya ang sinabi nitong kasali siya sa mga ikukunsidera nito sakaling makilala na nito ang ama ni Aeious. He trust her. Naniniwala siyang hindi siya nito basta-bastang tatalikuran.

He gasped an air. Pagbukas niya ng pinto, mukha agad ni Kinn Torres ang nakita niya. Nakatayo ito habang nakapatong ang kamay nito kay Skylight na nakaupo naman sa monoblock chair. He knew that Kinn was only there to comfort the woman, but seeing Skylight with him in that 'so-close' way, made his heart thump abnormally. Paranoia started to dominate his mind. Kinabahan siya.

But not when Kinn noticed him, and instantly rushed into him, almost smashing his face. "Ano'ng ginagawa mo rito?!" Matapang at matigas nitong tanong. Kuyom nito ang mga kamao nito. Ang mukha nito ay nababahiran pa ng mga pasang inabot mula sa kanya noong nagdaang-gabi, gayunpaman, hindi iyon nakabawas sa kakapalan ng mukha nito.

Mabilis siya nitong kinuwelyuhan, mabuti na lang at maagap ring namagitan sa kanila si Skylight. "Please, wag kayong magsimula ng gulo..." Saad nito. "Not in this room."

He glared at his opponent while secretly clenching his jaws. Hindi naman siya pumunta roon upang makipagbasag-ulo o magsimul ng away. Inaasahan na niyang naroon si Kinn, at bago pa man siya pumasok sa ospital, isinantabi na niya ang anumang galit o poot para sa lalaki. Yun nga lang, mukhang ito ang gigil na gigil sa pagmumukha niya.

"Binibisita ko lang si Aeious." Dos managed to speak calm, though. Siguradong magkakagulo sila kapag sinabayan niya ang panggigigil nito. Tapos, tumingin na siya kay Skylight, at awtomatikong nawala ang inis niya. "Kumusta na siya?" Mahinahon niyang tanong sa babae.

Sumilay ang matinding lungkot sa mukha ng babae nang ito ay umiling, as she took a glance at the sleeping child. "Right now, nanghihina pa rin ang katawan niya. Sana lang maging okay na siya after ng blood at bone marrow tranfusion." Pahayag nito. Sumulyap din siya kay Aeious, pagkatapos ay bumalik ang titig niya sa babae. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nang isugod sa ospital ang anak nito, subalit parang ang laki na ng ipinayat nito. Her sad eyes were swollen and there were dark circles in it, signs that she cried a lot and haven't had a rest. Labis siyang nalungkot. Kung wala lang siguro roon si Kinn, ikinulong na niya sa kanyang mga bisig si Skylight.

Tumangu-tango siya sa sinabi nito. Muli ay tiningnan niya ang bata. "Kung gusto mo, ako na lang muna ang magbabantay sa kanya mamaya para makapagpahinga ka naman." Suhestiyon niya, dahil nag-aalala na siya sa kalusugan ng babae. Baka mamaya, ito naman ang magkasakit.

"Hindi na. Salamat na lang." Napatingin siya kay Kinn dahil ito ang sumagot. "She'll really take a rest today, pero papupuntahin ko dito ang mga Yaya sa bahay para mag-alaga kay Aeious. And, do you think I'll let the person ㅡ who almost killed me ㅡ take care of my son?"

"Bakit hindi?" Tugon niya, taas-noo. "Hindi porket kaya kitang patayin, e sasaktan ko na din  si Aeious. Kung talagang ikaw ang Tatay niya, dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin, eh." Kinn's eyes partially narrowed in curiosity. Dylan Eros secretly simpered. "Ilang buwan ko ring inako ang responsibilidad na tinalikuran mo."

"Dos, please." Nag-aalalang humawak si Skylight sa kanyang braso. "Ayoko ng gulo."

"Hindi ako nanggugulo." Mabilis niyang sagot. "Sinasabi ko lang ang bagay na dapat niyang malaman... at ikahiya."

"Wala akong dapat ikahiya at ipagpasalamat sa'yo. Kay Skylight ko lang gagawin 'yon." Bwelta naman ni Kinn. Fine. Tumangu-tango siya at nagdesisyon nang tumigil. Mahirap nang kalaban ang taong mayabang at makitid ang utak na katulad nito. Hindi na niya gustong umabot na naman sila sa sakitan. He doesn't want to end up as a killer for Pete's sake!

Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking doktor kaya nakaluwag-luwag siya ng paghinga ㅡ actually, silang tatlo. He moved to the side upang bigyan ng daan ang doktor dahil mukhang may ibabahagi itong impormasyon kay o kina Skylight. Kitang-kita niya ang antisipasyon sa mukha ng huli, at batid niyang gaya niya, umaasa rin ito ng positibong mensahe. That time, he just wished na sana maging maayos na ang kalagayan ng bata sa lalong madling panahon.

Nag-abot ng papel ang doktor kay Kinn, at hinuha niya ay may kinalaman iyon sa DNA tests o ang pagiging donor nito.

"Your cells perfectly matched with Baby Aeious', ikaw sana ang pwedeng maging donor ng bone marrow sa kanya. Unfortunately, masyadong mataas ang blood sugar mo, Mr. Torres. Also, your liver isn't that healthy. I'm afraid na magkaroon ng masamang epekto kapag pinilit natin ang transfusion. For now, sasaksakan na muna ulit natin si Baby ng dugo mula sa blood bank ng ospital para magkaroon ng sapat na oxygen ang dugo niya."

Sa loob ng ilang sandaling pagsasalita ng doktor, nakatingin lang si Dos kay Skylight, kaya kitang-kita niya kung paano naging mas malungkot pa ang ekspresyon nito. It's a bad news na hindi pwedeng maging donor ni Aeious si Kinn, but for Dos ㅡ it's a good news. Mamamatay kasi siya sa selos at inggit kapag ang karibal niya ang makakapagligtas sa bata. Selfish na kung selfish, pero iyon ang nararamdaman niya. Oo nga't nawala ang kakarampot na pag-asa sa mukha ng babaeng mahal niya, ngunit naniniwala siyang may iba pang paraan upang hindi mag-suffer ang bata habang-buhay.

"So, are you saying na wala nang paraan para gumaling ang anak namin?" Tanong ni Kinn sa doktor. Take note, in-emphasized pa nito ang mga salitang anak namin, bagay na napansin ni Dos. Nagpaparinig ang tarantado, bulong niya sa kanyang isip.

"As I've said, aasa muna tayo sa mga dugo mula sa blood bank, at sa mga gamot. We have to patiently wait hanggang sa magkaroon siya ng kapatid." Bigla ay napatingin siya sa doktor nang may pagkagulat. Gayundin ang naging reaksyon ng babar. "A sibling would be a better donor because he would share the exact same genes and cells with him or her."

"But..." Mula sa doktor, nakita niyang tumingin si Skylight kay Kinn, pagkatapos ay sa kanya. Nagtitigan sila ng ilang sandali bago siya umiwas dahil bumalik ang bigat sa dibdib niya. If a sibling is the only way to save Aeious, it means Skylight and Kinn needs to make another baby. And making another baby means they need to do "that".  Fvck! Will his agony ever end? Mamamatay na yata talaga siya sa selos.

"I know that you'll have to wait for several years for another baby, but you don't have to worry..." Sabi ng doktor. "Basta masunod lang ang tamang procedure ng gamutan, magiging normal ang buhay ni Aeious. One of these days, babalik na ang lakas niya at pwede niyo na siyang ilabas..."

Dos immediately looked away the moment Kinn hugged Skylight. Nasasaktan na siya nung mga sandaling iyon, paano pa kaya kapag hindi na siya ang pinili ng babae? Paano kung balikan nito si Kinn? Hindi iyon imposibleng mangyari dahil alam niyang desperada na itong gumaling ang anak.

"We'll comply with the doctor. Kung 'yon ang kailangan, bibigyan natin ng kapatid si Aeious. But this time, we'll make everything the right way..."

Sh!t. Looks like he have to suffer the same pain of love again. Ang masama pa, mukhang mas malala yung ngayon.

"Marry me, Skylight." He heard Kinn.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon