PANG-29: Sa wakas!

10.2K 321 18
                                    

Final day of court trial.

Sa araw na iyon, malalaman kung guilty o not guilty ang hatol ng korte kay Skylight. May nararamdaman siyang kaba, ngunit kaunti lamang iyon. May nararamdaman siyang takot, ngunit para iyon sa magiging reaksyon ng kabilang panig pagkatapos ng trial. Mas nangingibabaw pa rin ang pag-asa niyang maipapanalo ng kampo nila ang kaso. Mananaig ang hustisya.

Nasa harap siya at kasalukuyang kinukwestiyon ni Attorney Magsaysay.

"I was given the chance to talk to Kinn Torres yesterday. Binisita niya ako sa prisinto." Pagsisimula niya nang sabihin ng lawyer na maaari siyang maglahad ng mga karagdagang impormasyon. She won't overlook the opportunity. Malaking tulong sa paglaya niya ang ginawa ng ex-boyfriend nung araw bago ang araw na iyon. Malas lang nito. "Sabi niya... nandun siya upang bigyan ako ng choice."

"Ano'ng klase ng choice ang sinabi niya?" Tanong ni Attorney Magsaysay.

"Na sasabihin niya ang totoo, na hindi ako ang may kasalanan sa nangyari kundi si Adrianne. Ang sabi niya ngayong araw makakauwi na ako at makakasama ko ang baby ko... Sa isang kondisyon."

"Ano'ng kondisyon?" Muling tanong ng lawyer.

Huminga si Skylight at panandaliang sumulyap kay Kinn, na kasalukuyang nakatingin sa kanya ng masama nung mga oras na iyon. She ignored it, and answered the lawyer's question formally.

"Makipagbalikan ako sa kanya."

Pagkasabing-pagkasabi niya niyon, may biglang tumayo roon sa mga upuan sa baba at sumigaw. "You are really a certified liar, Skylight! Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Hysterical na reaksyon ni Adrianne.

Skylight didn't give a thing, ni hindi siya tumingin roon sa babae. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo niya at tanging dibdib niya lang ang gumagalaw. Wala siyang pakialam kung magwala pa ang kanyang step-sister, ang mahalaga ㅡ sa kanilang dalawa ㅡ siya iyong nagsasabi ng totoo.

Nang maawat si Adrianne ng Mommy at Daddy nito, si Kinn Torres naman ang nilapitan at tinanong ng lawyer. "Totoo ba ang pahayag ng akusado, Mr. Torres?"

Nanatili siyang kalmado kahit na sigurado siyang hindi aamin ang lalaki. Nung mga oras na iyon, nagsisisi na siya kung bakit pa niya ito minahal. Nagsisisi na siya dahil hinayaan niya itong makapasok sa buhay niya at pinanatili ito roon ng mahabang panahon.

"Hindi 'yon totoo." Gaya ng kanyang inaasahan, mariing itinanggi ng lalaki na totoo ang kanyang ipinahayag. Hindi siya kumibo subalit nakakuyom ang kanyang mga kamay. Bakit hindi niya nakikilala ang totoong kulay nito ng mas maaga? Hindi sana sila humantong sa ganoong sitwasyon.

Binalikan siya ng lawyer at muling kinausap. "Skylight Ong, hindi papakinggan ng korte ang isang istorya na walang patotoo. Ano'ng katibayan mong kagaya nga ng sinabi mo ang napag-usapan ninyo ni Mr. Torres?" Tinitigan niya ito ng mabuti. Malapit na siyang maubusan ng pasensya at kating-kati na rin ang mga paa niyang umuwi upang makasama na ang kanyang anak. Hindi na siya papayag na humaba pa ang hearing ng kasong ito.

Tumingin siya kay Dylan Eros. Tinanguan siya nito. Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa katabi niyang si Attorney Francisco. She gave him the signal na nakuha naman nito agad-agad. Tumayo ito at naglakad palapit sa Prosecutor's desk. Iniabot nito ang isang ballpen doon. Ngunit hindi lamang iyon isang pangkaraniwang panulat lamang. Skylight owns that pen, ibinigay iyon sa kanya ni Dos nung pangalawang araw niya sa prisinto. It's not just an ordinary writing ballpen, it's an audio recorder pen.

"Na-record ng ballpen na iyon ang pag-uusap nina Kinn Torres at Skylight sa visitor's area ng municipal jail..." Sabi ni Attorney Francisco. "Your honor, maaari na ba nating pakinggan?"

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon