PANG-ANIM: Aesthetic Voice

11.5K 362 15
                                    

Your present and future is right beside you now. That line have echoed on Skylight's mind multiple times already. Hindi na siya nakapag-concentrate pa sa paligid. Ang tanging nakikita lang niya noong mga oras na 'yon ay si Dylan Eros at ang mukha nitong tila ba naging mala-prinsipe. For a moment, she thought of him as a Prince Charming and not a frustrated gambler. Marunong palang magpakilig ang lalaking ito. Totoo man o pag-arte lang, inaamin niyang may ganoong pakiramdam sa loob niya. Ngunit kahit na ganoon, nanatili siyang kalmado at bumalik sa pagiging malamig ang kanyang facial expression.

Napansin niyang ngumisi si Adrianne at tiningnan nito ang lalaking katabi niya mula ulo hanggang paa na nakataas ang gilid ng labi nito. Mukhang inoobserba nito ang kabuuang panlabas na kaanyuan ng lalaki. Habang tinitingnan ni Skylight ang ekspresyon ng kanyang half-sister, nakaramdam siya ng pagkapikon dito.

Tumingin si Adrianne sa kanya na nakangisi pa rin. "Who is he? Boyfriend mo? Parang ngayon ko lang siya nakita dito sa school."

Well... mukhang noon lang naman talaga pumunta sa eskwelahang iyon si Dylan Eros. Base sa nakuhang impormasyon ni Skylight tungkol sa lalaki, nag-aral ito sa mas kilalang unibersidad, at nakatapos ito ng Bachelor's Degree in Political Science. Unfortunately, hindi nito ginagamit sa ngayon ang kaalaman nito pagdatong sa nasabing larangan. Wala sa itsura nito ang pagiging propesyonal. Wala sa itsura nito ang pagiging miyembro ng isang political family. Kung titingnan mabuti, mas nagmumukha pa itong kasapi ng organisasyon ng mga tambay sa night clubs. Kunsabagay, napakalapit na rin doon ang libangan nito.

"He's not ㅡ" Igigiit sana niyang boyfriend niya si Dylan Eros, pero namutawi ulit ang boses ni Adrianne.

"Alam ba niyang may anak ka?" Mukhang concerned itong nagtanong. Pero alam niyang gusto lang siya nitong ilaglag. Gusto lang siya nitong ipahiya dahil naniniwala itong may relasyon nga sila, at ginagamit nito ang pagiging disgrasyada niya upang madismaya sa kanya ang mga tao. Sa kasamaang palad, hindi nito alam ang nangyari o mangyayaring kasunduan sa pagitan nila ni Dylan Eros.

Hindi na naman siya nakasagot dahil naunahan ulit siya ni Adrianne.

"Iniisip ko ang kapakanan mo, Sky. Ang sa akin lang, sana makahanap ka ng taong tunay na magmamahal sa'yo, yung tatanggap sa'yo sa kabila ng pagkakaroon mo ng anak..." Napahinto doon si Adrianne nang makita nito kung gaano kasama ang tingin niya.

Hindi kailanman makukumbinsi si Skylight ng mga mabubulaklak na salita galing sa kanyang step-sister. Kung dati, may malaki siyang respeto dito, ngayon wala na. Wala siyang ibang maramdaman dito kundi galit at pagkamuhi. Isang malaking plastik si Adrianne para sa kanya.

She was about to answer her when Dylan Eros suddenly put his hand on her shoulder. Inakbayan siya nito nang hindi nito iniisip kung ano'ng iisipin o mararamdaman niya. Her back was stiffened again.

"You don't have to worry, sister-in-law. Skylight's child is my child."

What?

The three persons, including Skylight, were all shocked. Hindi na naman iyon inaasahan ni Skylight. Alam niyang nagbibiro lamang ito. Alam niyang idinedepensa lamang siya nito. Pero nang marinig niya kung gaano ka-seryoso ang tono ng boses nito, muntik na siya nitong mapaniwala.

Pero kung siya muntik lang, ang magkasintahan naman na kaharap niya ang mukhang hindi makapaniwala. Adrianne's eyes were wide opened, habang kitang-kita naman ni Skylight ang paniningkit ng mga mata ng kanyang ex-boyfriend.

"Is this for real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Adrianne. "Alam ba to ni Daddy?"

"Hindi. Bakit? Are you going to inform him immediately?" Skylight asked, smirking. But Adrianne didn't dare to answer her anymore. Kahit hindi sumagot ang kanyang half-sister, alam na niya kung ano'ng tumatakbo sa isipan nito. Magsusumbong ito sa kanilang Ama. At hindi na siya magtataka kung susugod ang Daddy nila sa kanyang inuupahan apartment.

"Go ahead, then." Sabi niya bago siya umalis kasunod si Dylan Eros.

She felt so upset and angry. Ten months na ang nakakaraan pero hindi pa pala siya nakakamove-on kay Kinn. She still has the feelings for him and she can't accept that. She wish she could finally get over him nang hindi na niya kailangang umarteng okay sa harap nito at ng girlfriend nito.

"Huy. Ex mo ba yung lalaki? Tapos syota na ng kapatid mo? Ayos a. Sabagay, maganda rin naman yung kapatid mo. Sexyng-sexy tapos anlaki ng ㅡ." Tumigil si Dylan Eros habang ang mga kamay nito ay nakapantay sa dibdib nito. Nabahala ito nang tingnan ito ni Skylight ng masama.

"What exactly are you doing here? Kung trip mong guluhin ako, wag mo nang ituloy. Libutin mo na lang ang buong Pilipinas upang makahanap ng sampung milyon. You still have 6 hours to do it." Skylight coldly verbalized. She never knew that since earlier this morning, he already decided to agree about the marriage.

Napakamot ng ulo si Dylan Eros. Hindi nito alam kung ngingiti ito o iiyak. He was still in the process of arranging the words he'll going to say when Skylight's aesthetic voice interrupted him.

"I'm warning you, Dylan Eros Madrigal. If you can't pay me the full amount until 5pm, babawiin ko yung ipinasok kong pera sa account ni Mr. La Cueste at sa kanya ka ulit magkakautang. And you know exactly what he'll gonna do if you fail to pay him again. Masisira yang ipinagyayabang mong mukha, and not just that, you are going to ㅡ"

"Pakakasalan kita."

Skylight's tongue got paralyzed in a sudden. Hindi agad rumehistro sa isip niya ang sinabi nito dahil sumabay ang boses nito habang sinasabi niya ang mga huling linyang binitawan niya. She was dumbfounded, until she realized that the man is seriously gazing at her. "What did you say?" Tanong niya nung sandaling matauhan siya.

Huminga ng malalim si Dos at mukhang humugot pa ito ng lakas ng loob upang ulitin at klaruhin ang sinabi nito sa kanya.

"I'm gonna marry you, Skylight Ong... I'm going to be your baby's father. And I'm gonna be a real husband to you."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon