PANG-25: Warrant of Arrest

9.8K 286 7
                                    

Hindi bukal sa loob ni Dos ang pagsama kay Skylight noong gabing 'yon sa birthday party ng kanyang Ama. Ngunit may kung ano sa babae na nag-uudyok sa kanyang gawin o sundin ang mga gusto nito. Hindi niya ito kayang tiisin. Kahit ayaw niya, sumama pa rin siya.

But being at that party, he made a little mess. Hindi niya akalaing makakaharap niya roon ang Tatay nito at makakarinig na naman siya ng mga magagaspang na salita. Na-upset siya, kaya imbis na sagutin ang matanda, naisipan na lang niya itong iwasan. However, the night was saved, thanks to his Lola. At ang pagdala sa kanya roon ni Skylight ay nakapagdulot ng mabuti. Nalaman niyang hindi naman pala talaga siya tinalikuran ng kanyang parents ㅡ that they still care for him, that he's welcome to return home anytime.

The night was so good that he can't take his eyes off of Skylight's face. Nagpapasalamat siyang isinama siya nito dahil nakita rin niya kung gaano talaga ito kaganda. Hindi na nawalay ang tingin niya rito. She must be the simpliest guest on that evening, but for him, she stood out. Kaya nga nung magpaalam itong pupunta sa CR, ipinilit niyang samahan niya ito. Dahil napakaganda nito para pabayaang mag-isa.

Subalit natigilan siya nang lumitaw sa kanyang harapan ang kanyang ex-girlfriend. Stacy was not just there for the party, she was there to talk to him. Nang makaalis si Skylight ay hinarangan siya ng ex niya kaya hindi niya agad ito nasundan.

"Dylan Eros, how are you?" Tanong nito. For a short moment, the woman in a blue silk dress, red lipstick, and tanned skin, caught his interest. She was quite seductive that night. And the agony in her eyes almost made him want to talk to her.

Sa likod, nakita ni Dos na lumabas si Skylight sa fire exit door. Nag-alala siya na baka hindi nito alam kung saan ang CR, kaya mabilis na naglaho ang interes niya sa kaharap na babae.

"I've been dying to talk to you." Sabi ulit ni Stacy kasabay ng paghawak nito sa kanyang kamay, kaya nakuha na naman nito ang atensyon niya. Tumingin siya sa exit door at wala nang pumasok ulit doon. Bumuntung-hininga siya.

Wala tayong dapat pag-usapan. Iyon sana ang sasabihin niya nang mapansin niya ang isang lalaki sa likod na naglalakad patungong exit. Naningkit ang mga niya nang makilala kung sino iyon. Kinn Torres. Naisip niyang baka nakita nito ang paglabas doon ni Skylight kaya sumunod ito. Hindi maaari.

"I'm sorry, Stacy." Tinanggal niya ang kamay ng babae sa kanyang braso at mabilis na naglakad patungong exit. He opened it slowly. Eksaktong narinig niya ang malakas na sigaw ni Adrianne.

"Wag kang makialam dito, Kinn!"

Sa tapat ng pababang hagdan, nakita niya si Skylight na magulo ang buhok, halata ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Katabi nito si Adrianne na may magulo ring buhok. At kitang-kita niya ang pagtulak ng huli sa lalaking mukhang umawat sa mga ito. Aksidenteng nahulog si Kinn sa ibaba.

"Ano 'yon?" Isang guest ang marahil ay nakarinig sa sigaw nang buksan niya ang pinto kaya natawag ang pansin nito. Hanggang sa dumami ang nakiusyoso.

Nilapitan ni Dos ang nanginginig na si Skylight. Nakapagsabi pa ito na tumawag sila ng ambulansya. May takot sa mukha nito habang nakatingin sa ibaba ㅡ sa walang malay na lalaki na yakap ng umiiyak na babae. Tatanungin na sana niya kung okay lang si Skylight nang biglang sumigaw ang babae sa ibaba.

"Si Skylight! Tinulak ng babaeng 'yan ang boyfriend ko!"

*

Madaling-araw na ngunit hindi pa siya makatulog. Hindi okay si Skylight nang iuwi niya ito sa apartment. Sinisisi ito ng Daddy nito pati na rin ng parents ni Kinn Torres sa nangyari sa huli. Paniwalang-paniwala ang mga ito sa gawa-gawang kwento ni Adrianne. But he was there. He saw it. Kahit ano'ng mangyari, panininindigan niya ang nakita niya at idedepensa niya si Skylight.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon