PANG-22: Totally healed

10.1K 334 22
                                    

Skylight slapped him. Very hard.

Forty hours na ang nakakalipas ngunit ramdam na ramdam pa rin ni Dos ang sakit ng pagkakasampal ng babae sa kanya. Bakit? Sinubukan lang naman niyang suyuin ang babae sa pamamagitan ng halik. Pero bakit nagkamali na naman siya?

Mangiyak-ngiyak siya habang hinahalakhakan siya ni Gian ng napakalutong.

"P're, advice lang, a..." Lumapit ang mukha ng kaibigan sa mukha niya. Nakangiti ito habang nagsasalita. "Wag mo sanang mamisinterpret yung mga napapanuod mong TV o movie scenes sa realidad. Yung babaeng talak ng talak ng walang preno, pwede patigilin sa pamamagitan ng halik. Pero yung babaeng ginalit mo, bigla mo na lang hahalikan, sampal talaga ang iaabot sa'yo."

Inirapan ni Dos ang kaibigan. Hindi naman siya nanunuod ng romantic movies o television series kaya ano'ng alam niya tungkol doon. Wala siyang alam tungkol sa panunuyo ng isang galit na babae. Hindi niya nagawa 'yon kay Stacy. All because, he was a perfect boyfriend to that woman before. Ni minsan, hindi siya gumawa ng bagay na ikinagalit o ikinaselos ng babaeng iyon. Napakaperpekto niyang tao dati, kung hindi lang sana siya nasaktan.

Nang maisipan niyang humingi pa ng mas malalim na advice kay Gian, saka naman tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya iyon sa bulsa ng pantalon niya, at halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang caller. Skylight?

He stared at his phone for a couple of seconds. Sinisigurado niyang si Skylight nga iyon, at kung talagang tinatawagan siya nito. Dahil kung nagkamali lang ito ng dial, papatayin din nito agad ang tawag. But then his phone continued to ring.

"Sagutin mo na." Tumayo si Gian at lumabas mula sa opisina  ng kanilang autoshop, marahil ay upang bigyan siya nito ng privacy para makausap ang babae.

He hesitated at first, pero bago pa man tumigil ang pagriring ng cellphone niya, sinagot na din niya ang tawag.

"What took you so long to answer? " Naulinigan niya ang inis sa boses nito, subalit ang awra nito maski sa telepono ay nagyeyelo ang lamig. She asked him monotonously.

"Sorry, na... ano ㅡ."

"Sumama ka kay Melvin, dadaanan ka niya diyan sa shop niyo. And please, magsuot ka ng pormal na damit."

"Ha? Bakit, saan tayo ㅡ? Hello? HELLO?!" Namatay ang tawag. Mabilis niyang tinawagan ang number ng babae, pero ang sabi ng operator, the subscribe cannot be reach ㅡ. He immediately ended the call. Ang weird. Takang-taka siya kung bakit pinagsusuot siya ni Skylight ng pormal. Meron ba siya nun? Napaisip siya. Parang wala naman.

Maya-maya pa'y nakarinig siya ng busina sa labas.

"Dos, labas. Hinahanap ka ni Mercedes!!"

Napapailing siyang tumayo. Paglabas niya, nakita niyang tawang-tawa na naman ang baliw niyang kaibigan. Hindi nga niya alam kung bakit at paano niya naging kaibigan ito.

"Ang gara ng sundo mo, p're." Wika ni Gian. Nasa tapat na kasi ng shop nila ang Mercedes Benz ni Skylight na dina-drive ng chauffer nitong si Melvin. Nakatayo ng tuwid ang huli sa labas ng driver's seat at naghihintay na sa kanya.

Naglakad na siya palapit kay Melvin. Agad naman siya nitong pinagbuksan ng pinto sa backseat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya nang umarangkada na ang sasakyan.

Tiningnan siya ni Melvin sa rearview mirror, saka ito ngumiti. "Sa garahe ni Madam Skylight." Sagot nito.

▶▶▶

Sa Golden University...

Napahinto si Kinn. Si Adrianne ang hinahanap niya ngunit ibang babae ang nakita niya. Naglalakad ito sa pathway mula sa isang school building. He stood still beside a mahogany tree to watch her walk in moderate to fast speed.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon