PANG-14: Naked

11K 304 10
                                    

Mula nang mag-start ang klase hanggang sa kahuli-hulihang subject ni Skylight, wala na siyang ginawa kundi, tingnan ang kanyang paligid, at tumingin-tingin din sa labas ng kanilang classroom. She's waiting for Dylan Eros to appear, but she doesn't want him to see him inside Golden University at the same time. Sinabihan na niya itong huwag na siyang bantayan. Mukhang sumunod naman ito sa kanya, because it's already the time of their class dismissal.

Nag-dismiss na ang kanilang Prof. She's preparing to leave when Mr. Hantson called her. Napatingin siya sa harap.

"Miss Ong, I want to see you tomorrow afternoon." Sabi ng guro. He is looking at her intently. Habang ang ilan naman sa mga kaklase niya ay chismosong nakinig. Yung iba pa nga ay napatingin sa kanya ng makahulugan. She ignored it, though.

"Bakit, Sir?" Lubos siyang nagtaka. Hindi niya mabasa kung ano'ng iniisip nito, at hindi rin niya alam kung bakit bukas pa, eh wala siyang pasok dahil Sabado bukas.

"Kinausap kasi ako ng adviser mo. Sometimes nagrereklamo ka raw sa kanya na binu-bully ka? Was it true?" Naglakbay muna ang mga mata ko sa mga kaklase ko bago ko tinanguan si Prof. "Since I'm in-charge of the Student Affairs, next to the Dean,  your adviser asked me para kausapin ka nga regarding your problem. I need to know the details, and if you need advices or counseling, then... mabuti kung mapag-uusapan natin yon ng maayos."

Tumayo ang gwapong Prof nila, at ito na rin siguro ang pinakagwapong guro sa kanilang eskwelahan. Inayos nito ang ilang papel sa desk nito. "So, see you tomorrow, Miss Ong. Ipapasabi ko na lang kung ano'ng oras tayo exactly magkikita." Pahayag nito bago ito lumabas.

"Hala! Miss Ong, ingat ka dun. Tirador daw 'yun?" Banta ng isa sa mga kaklase niyang babae.

"Tirador ng?" Tanong nung iba.

"Ng keps! Mahilig daw si Sir sa bata at maganda. Lalo na sa mga mabibilog ang hinaharap."

Napalunok si Skylight at iniyakap niya sa sarili ang kanyang pinakamamahal na shawl. She suddenly felt uneasy and worried. Pero kung totoo man ang sinasabi ng mga kaklase niya, hindi siya magpapadala. Makikipag-usap lang siya kay Mr. Hantson tungkol sa school problems at wala nang iba pa. As if she could be seduced by someone like him.

"Trip niya si Skylight kasi may gatas pa. Ang swerte naman ni Sir Troy!" Bulalas ng isa sa mga manyak na lalaking kaklase niya at isa rin sa mga dakilang taga-bully ng mga pwedeng ma-bully.

Nagngitngit ang kanyang mga ngipin dahil sa pambabastos nito. She stood up, grabbed her bag, and silently walked out quick. Hindi talaga niya malunok ang kabastusan ng mga taong 'yon sa kanya. Nandidiri siya, hindi sa sarili, kundi sa ugali ng mga ito.

Pag-uwi niya sa kanyang apartment, laking-gulat niya nang maabutang ipinaghehele ni Dylan Eros ang kanyang anak. The man was busy talking to the baby kaya hindi siya nito agad napansin. Saka lang nito nalamang nakauwi na siya nang isara niya ang pinto. Ngumiti ang lalaki.

"Naabutan kong kumakatok si Nimfa kaya kinuha ko na sa kanya itong si Aeious."

"Hindi ba siya umiyak?" Tanong niya habang lumalapit sa mga ito.

"Hindi naman. Tahimik siya, malikot nga lang."

Ipinahawak muna niya ang bata sa lalaki hanggang sa matapos siyang magbihis. Nag-order siya ng pagkain thru phone at nag-iwan ng limangdaang piso kay Dos pambayad nito sakaling dumating yung inorder niya. Kinuha niya ang baby at sa loob na ng kwarto pinadede hanggang sa makatulog ito.

Tahimik silang kumain ng dinner na galing sa isang restaurant. Pagkatapos sy inutusan niya ang lalaking maghugas ng pinagkainan nila dahil gagawa pa siya ng homework. She went back to her room, checked her baby's diaper, tapos payapa na siyang gumawa ng mga takdang-aralin. Tuwing biyernes na niya tinatapos lahat ng school works niya upang hindi maabala ang kanyang pagpapahinga ng Sabado at Linggo kasama ang anak. But tomorrow will be different. Napabuntung-hininga siya nang maalala ang habilin sa kanya ng isa sa kanyang mga Professor.

Bahala na bukas.

After finishing all her homeworks, lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa lababo. She brushed her teeth. Maghuhugas na sana siya ng kamay nang maalalang nasa loob pala ng bathroom ang handwash niya.

Ang bathroom ay katabi ng lang ng kitchen. Tinungo niya ito, pinihit niya ang doorknob at binuksan. Naka-isang hakbang na siya sa loob nang makita niyang may tao roon. It was Dylan Eros, and he's completely naked for Pete's sake! Nanlaki ang mga mata niya nang aksidenteng bumaba ang kanyang tingin sa bagay na hawak ng kamay nito.

Tila nanigas naman si Dos sa kinatatayuan nito nang makita siya. Kasintigas ng katawan nito ang bagay na hawak ng kamay nito. Ilang beses na napakurap si Skylight. That thing isn't just a normal thing. It's not even a regular thing, nor a medium-sized thing. And she already realized what Dylan Eros was doing inside the bathroom.

He's pleasuring himself.

"Ba't di ka nag-lock?" Tanong ni Skylight nang mahimasmasan siya. Her voice was normal, like what she witnessed was not new to her. Ang mga mata naman ni Dos ang lumaki.

Skylight acted normal. Ngunit pagtalikod niya, napalunok siya. Her heart was beating abnormally because it's the first time she personally saw a man's organ. Hindi niya akalaing yung kay Dos pa ang unang-una niyang makikita. 

"Ah ㅡ ano... Yung liquid soap, paki-abot." Pahayag niya, hindi na siya makalingon dahil batid niyang hindi pa rin gumagalaw ang lalaki sa kinatatayuan nito.

Maya-maya pa'y, may naramdaman siyang matigas na bagay sa kanyang balikat. Yung plastic bottle ng liquid soap. Kinuha niya iyon, ngunit kamay ni Dos ang nahawakan niya.

Bigla siyang bumitaw kaya nahulog sa sahig ang liquid soap. "Arte!" Saad nito.

Bigla namang nawala ang takot na nararamdaman niya kanina at muli siyang humarap sa loob ng bathroom. Thank God, ulo at kamay na lang ni Dos ang nakalitaw dahil itinago nito sa likod ng pintuan ang ibabang parte ng katawan nito.

"Ginamit mo 'yan para makapaglabas ng dumi tapos ipapahawak mo sa'kin? Bastos ka talaga." Pahayag niya.

"Eh, wala namang dumi o." Itinapat nito ang kamay nito sa mukha niya. "Normal lang sa'ming mga lalaki ang ginagawa ko, ba't ka kasi biglang pumasok?"

"Gagawa ka pala ng kababalaghan, ba't di ka nag-lock?" Tugon niya. Naiintindihan niyang kailangan ng isang lalaki iyon, ngunit yung ginawa ni Dos ay wala sa tamang lugar at tamang timing. Kaya, somehow, nandidiri siya.

"Ha...y! Sige na, sige na. Ang sakit na. Alis na diyan."

"Ano'ng masakit?" Tanong pa niya nang mapansing tila namimilipit ito. Inosente siya e.

"Wala!" Dos shut the door close. Narinig ni Skylight ang pag-lock nito.

"Tch. Ngayon pa siya nag-lock?" Napapailing siya habang pinupulot ang nahulog na liquid soap. Pag-ikot niya ay napangiti na lamang siya nang wala sa sarili. He's cute and interesting.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon