PANG-57: Never enough

8.8K 261 25
                                    

Mataas na ang sikat ng araw. Nagising si Dos na wala na siyang katabi sa kama. Iisipin sana niyang isang panaginip lamang ang nangyari sa kanila ni Skylight noong nagdaang gabi, ngunit naamoy niya ang resulta ng kanilang pagtatalik at nakatawag din ng pansin sa kanya ang ilang gamit na condoms na nagkalat sa sahig.

Totoo ngang may nangyari sa kanila ng babae ㅡ at hindi lang iyon isang beses. Sa wakas, napakinabangan na rin niya ang mga pakete ng condoms na nakatago lang sa kanyang bedside drawer ng mahabang panahon.

Ang ipinagtaka na lang niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta at hindi man lang siya nito ginising? "Ahh... oo, may pasok pala siya ngayon." Aniya, sa pag-aakalang nagmadali lang itong umalis dahil papasok pa sa eskwela.

Hinintay niya ang tawag o text nito buong-araw. Matiyaga siyang naghintay kung tatawag ba ito at magpapasundo sa kanya. Subalit dumating ang gabi na wala itong paramdam. Sa katunayan ay hindi na naman siya nakatulog dahil buong gabi niyang inisip kung bakit pagkatapos ng mga nangyari sa kanila, hindi na siya nito kinontak. The next day, he tried to text her but didn't receive a reply. He also tried to dial her number pero cannot be reach na. Dahil masyado na siyang nag-alala at masyado na rin niyang namimiss pati si Aeious, pinuntahan na lang niya ito sa apartment after another 24 hours, ngunit, ㅡ sa kasamaang-palad ㅡ nalaman na lang niya kay Nimfa na kinuha na ni Kinn ang mag-ina.

Parang binagsakan siya ng langit. Naglaho ang araw, buwan at mga bituin sa paligid niya at purong kadiliman ang bumalot. As if nag-rewind lang ang panahon at bumalik siya sa mga araw na wala siyang ibang ginawa kundi magmukmok sa kwarto, manigarilyo sa terrace at humilata sa kama. At night, he would think of going to the bar, dancing to the club, or playing at the casino ngunit wala na siyang gana. Pati sa pagkain, wala na rin siyang appetite. Kung hindi pa siya nakatikim ng sermon sa kanyang mama ay hindi siya mahihimasmasan.

Kahit papa'no, nakapag-isip-isip siya ng matuwid. Lumipas ang mga araw na ginugol niya ang oras sa pag-aasikaso ng kanyang autoshop. Ngunit tuwing gabi, bago siya nakakatulog, hindi nakakaligtaan ng utak niya ang isipin sina Skylight at Baby Aeious. Pinagtitiyagaan na lang niyang pagmasdan ang pictures ng bata sa cellphone niya na ㅡ buti na lang ay nakuha niya ㅡ nung du'n pa siya nakatira sa bahay ng mga ito. But pictures are not enough. It's never enough. It will never be enough.

It was the 3rd day of the month when he woke up haggard and barren. Mahigit isang buwan na niyang hindi nakita sina Skylight at yung araw na iyon ㅡ ay araw ng kasal nito kay Kinn.

Ang masaklap pa, kumatok ang isa sa kanilang maids sa pintuan. Pinagbuksan niya ito para lang matanggap mula rito ang envelop na naglalaman ng invitation card na ipinadala naman ng mga ikakasal. Ngunit kahit mabigat ang pakiramdam niya, tinanggap niya iyon, ibinaba sa computer table at muli siyang humiga sa kama. Nagsimula na namang magwala ang mga tanong sa kanyang isip.

Bakit pumayag si Skylight na may mangyari sa kanila kung balak din pala nitong ituloy ang pagpapakasal nito kay Kinn?

Bakit hindi nito ipinaglaban yung sa kanila? Bakit hindi rin niya nagawang ipaglaban ang babae?

Ganoon ba talaga siya kaduwag? Hahayaan na lang ba niyang angkinin ng iba ang dapat ay sa kanya?

Bakit hindi siya makapag-isip ng tamang sagot? Ewan niya. Siguro ay nabaliw na nga talaga siya simula nung malaman niyang siya ang nakabuntis sa babae at siya ang ama ng anak  nito.

Siguro napagod siya kakaisip kaya nakatulog ulit siya.

Nagising na lang siya nang paulit-ulit na nag-ring ang kanyang cellphone. Nagkamot pa siya ng ulo bago niya iyon kinapa sa tabi niya at sinagot ang tawag na nakita niyang mula sa Mama niya.

"Ma, nandito pa 'ko sa bahay, kagigising ko." He honestly said in a lazy and husky tone. Sigurado kasi siyang kaya ito tumawag ay dahil malamang nalaman na nito kay Gian na wala siya sa autoshop.

"Alam ko. Nakausap ko si Lety at sinabi nga niyang hindi ka pa lumalabas mula kaninang umaga." Saad nito.

Alam pala niya eh, ba't pa siya tumawag?, tanong niya sa isip. Actually, ayaw lang talaga sana niyang maistorbo dahil mas mabuti nang matulog ng tuloy-tuloy upang sana ay hindi niya mamalayan ang paglipas ng araw na iyon. Kaso... mukhang dapat talaga niyang harapin ang katotohanan na sa araw na iyon, tuluyan nang mawawala sa kanya sina Skylight at Aeious.

"Maligo ka na at magbihis, Dos." Narinig niya mula sa kabilang linya. "Sunduin mo 'ko sa airport ㅡ."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano'ng ginagawa niyo diyan sa airport?" Nagtataka niyang tanong. Wala namang pupuntahan ang mama niya at lalong wala itong ibang lugar na pinanggalingan dahil kagabi lang ay nakasabay nila itong kumain.

"May dinaluhan akong conference sa Munisipyo ng Kalderon kanina. Bale pasakay na kami pabalik. 2:45  ang lapag ng jet sa Metro kaya magbihis ka na. Hiniram kasi ng Papa mo ang mga drivers natin para tumulong sa pagpipintor dun sa bagong court ng Barangay Cherry."

Tumingin siya sa wall clock, 1:57 na ng hapon roon. Kung maliligo na siya at magbibihis sa loob ng hindi hihigit sa dalawampung minuto ay makakarating siya sa airport at or before 2:45.

"Sige, Ma." Usal niya.

Pagkatapos na pagkatapos niyang pindutin ang end button, binitawan na niya ang cellphone sa kama, inabot ang twalya at mabilis siyang pumasok sa banyo. Wala pang 10 minutes ay lumabas na siya mula roon, nagsuot ng blue tattered jeans, plain maroon t-shirt, medyas at low-cut sneakers na itim. Hindi na niya naisipang mag-spray ng perfume. At kahit ramdam niya ang pagkalam ng sikmura, dumiretso pa rin siya sa garahe ng kanilang bahay. He drove his coupé to the airport in a moderate to fast speed.

Pansamantalang nawala sa isip niya ang kasal nina Skylight at Kinn. Ngunit pagdating niya sa terminal ng airport at may nakita siyang baby boy na nilalaro ng isang batang mag-asawa, agad-agad na bumalik ang hapdi sa kanyang dibdib.

Suddenly, he felt so much longing ㅡ longing for Skylight, longing for his baby Aeious.

Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang masayang pamilya na iyon. They looked so happy, to the point na gusto na niyang umiyak sa inggit. They looked so happy, while he was so sad. Nakakatuwang tingnan ang mga ito subalit hindi siya masaya, baka hinding-hindi na siya magiging masaya. Naisip nga niyang malas yata siya pagdating sa pag-ibig.

He sighed to distract his thought. Tiningnan niya ang relo niya upang makitang 2:51 na ang oras. Malamang ay nasa loob na ng terminal si Mrs. Madrigal. Naglakad siya at naghintay sa waiting area, patingin-tingin sa kung saan pwedeng lumitaw o lumabas ang kanyang mama.

Ilang minuto ang lumipas, marami nang tao ang dumaan sa kanyang harap, ngunit wala pa ang mama niya. "Alas tres na." Bulong niya sa sarili matapos sulyapan ang relo. Nang hindi na siy makapaghintay ay idinial na niya ang phone number ng hinihintay niya.

"Ma, sa'n ka na ba? Akala ko 2:45?" Nauubusan ng pasensya niyang tanong pagkasagot nito ng tawag niya.

"Nasa'n ka ba, 'nak?" Tugon nito.

"Dito, sa airport." Naiinis na sagot niya.

"I mean, where exactly are you?"

"Syempre dito sa waiting area. Ilang eroplano na ang lumapag mula nang tumayo ako dito, ma, wala ka pa rin?" Salubong ang mga kilay na litanya niya.

"Wag mo naman akong sermunan, anak ko. Diyan ka lang, maghintay ka." Sagot nito tsaka naputol ang tawag. Napa-tch siya sa pagkadisgusto. Kung alam lang niyang maghihintay siya ng matagal roon ay hindi na sana siya nagmadali sa pagpunta.

Naiinis siyang tumingin-tingin muli sa paligid baka-sakaling mahagip ng mga mata niya ang mama niya. Ngunit nakatawag ng pansin sa kanya ang isang babaeng mahaba ang buhok na nakatayo ng humigit-kumulang na sampung metro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Sa tabi nito ay may malaking luggage bag, at sa harap nito ay stroller na may sakay na baby.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya. At nang lumingon ang babae, nanlaki ang kanyang mga mata.

Bakit siya nandito?

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon