PANG-32: Attention

9.2K 263 4
                                    

Mas naging panatag si Skylight na  nagtungo sa ospital kung saan naka-admit si Kinn Torres dahil kasama niya si Dylan Eros. They were quiet the whole ride, though. Hanggang sa makarating na sila sa tapat ng partikular na hospital room, ay wala pa rin silang imikan. Kahit na kumportable siyang kasama ito, na-o-awkward naman siya habang iniisip na kakaharapin nilang dalawa ang kanyang ex-boyfriend.

She felt exhausted with the thought. Hindi niya akalaing hanggang nung mga oras na iyon, pinoproblema pa rin niya ang lalaki sa kanyang nakaraan. Hindi na dapat niya iyon pinagtutuunan ng pansin. Pero ayun siya, pinto na lamang ang pagitan nila.

Sigurado siyang naka-get over na siya kay Kinn. Isang daang porsyentong sigurado siya. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ginugulo pa rin siya nito kahit na matagal na nitong tinapos ang sa kanila. Tila nakalimutan na nitong nasaktan siya nito ng husto noon. Kung nakalimot na nga ito, fine, ipapaalala niya.

"Dito na muna ako sa labas."

Humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan sandali si Dos. Tumango siya sabay ngiti ng bahagya bago niya binuksan ang pinto. She admired him again for he knows how to give time and privacy.

Inaasahan na niyang madadatnan niyang gising si Kinn kaya hindi na siya nagulat nang dumilat ang mga mata nito at tumingin sa kanya.

Tinitigan niya ito ng walang emosyon. Mukha itong miserable. May benda ito sa ulo at sariwang gasgas sa panga. May mga bahid pa ng dugo ang suot nitong hospital gown. Napansin niya ang pagningning ng mga mata nito nang mapagtanto siguro kung sino siya. Dahan-dahan itong bumangon, habang inaalalayan ang braso nitong may sugat rin.

"Skylight..." Sambit nito gamit ang nanghihinang boses. Paunti-unting nagliliwanag ang mukha nito habang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nakikitang niyang reaksyon nito. Ngunit wala siyang maramdaman. Kung gusto pa sana niya ito, dalawang bagay sana ang maaaring maghari sa kanyang dibdib ㅡ galit, dahil nasasaktan siya, o tuwa, dahil ipinapakita pa ulit nito sa kanyang gusto p rin siya nito. Pero wala. Ang nasa isip lamang niya ay isa itong malaking tinik kailangan na niyang tanggalin sa kanyang buhay. Papansin lamang ang lalaki. Nagsimula lang naman itong umaligid sa kanya nang malaman nito ng tungkol sa kanila ni Dos. He just wanted an attention.

"Bakit ako pa ang pinapunta mo rito at hindi si Adrianne?" Nakilala niya si Kinn mula pagkabata, ngunit nung mga sandaling iyon, mistulang nawala na sa kanyang utak ang lahat ng nakalakihan niyang pag-uugali nito. Kahit ano'ng gawin niya, hindi na niya ito kayang intindihin pa.

"I... want to see you."

"Sinadya mo bang ibangga ang sasakyan mo? Gumawa ka lang ng paraan para puntahan kita?..." Napangisi siya. "Paano kung namatay ka?"

"It's better. At least I've learned that you still care for me."

"Are you sure?" Nakangising tugon niya.

"Kung wala ka nang pakialam sa'kin, hindi ka pupunta rito."

"May pakialam ako sa'yo dahil kahit pa'no, may pinagsamahan tayo. Pero hindi ako pumunta rito dahil may halaga ka pa sa'kin. For your information, I went here with my fiance. Pumunta ako rito upang alamin kung ano talagang nangyari sa'yo para maipasabi ko kay Adrianne." Paglilinaw niya.

"Gusto ko ring sabihin na wag mo na akong guluhin pa. Dahil simula nung natapos tayo, hindi kita ginulo kailanman. You were the first who let go, Kinn. Lalaki ka, kaya dapat pinaninindigan mo 'yon... I'm contented with what I have now, I hope let's just let each other live with peacefulness. Hindi ka na bata para hindi mo maintindihan at matanggap ang sinasabi ko... You should take care of yourself. Ipaparating ko na lang kay Adrianne ang sitwasyon mo kung ayaw mo siyang tawagan ㅡ."

"Skylight, I have something to tell you."

Napatigil siya at napatitig ng matama sa lalaki. Wala siyang maayos na ideya kung ano'ng sasabihin nito sa kanya, pero umaasa siyang hindi ito tungkol sa pagitan nila o sa nararamdaman nitong gusto pa rin siya nito. If that's the case, tatapusin na niya agad-agad ang usapan.

"Nagsinungaling ako sa'yo." Pahayag nito, bagay na bahagyang ikinapaningkit ng mga mata niya. Napaisip siya saglit bago naging kumportable ang kanyang facial expression. Humalukipkip siya, pagpapahiwatig rito na handa siyang makinig.

"What if..." Mukha itong alanganin kaya pinakitaan niya ito ng matigas na facial expression.

"What if I... tell you that... you were just with me that night?"

Tumaas ang kilay niya. For a moment, hindi niya agad naunawaan, ngunit di kalauna'y nakuha na rin niya ang ibig nitong sabihin. At hindi siya natuwa roon, kaya nanatili tikom ang kanyang bibig.

"That... I lied because I was just bewitched by Adrianne temporarily. That... the truth is, I made love with you and that... the kid is mine."

Unti-unting tumaas ang gilid ng labi ni Skylight, hindi dahil natuwa siya sa kanyang narinig, kundi dahil naasar siya. Sino ito sa inaakala nito para paglaruan siya? She was being deceived and toyed once, the hell would she let it happen again.

"You know that it's hard, or maybe, it's impossible to believe you again. You can't deceive me with another lie anymore." Sa loob ng isang taon, natutunan niya niyang kontrolin at manipulahin ang nararamdaman niya kaya hindi na siya magpapauto.

"What if I can prove it?"

"How? When even a DNA or paternal test result can easily be faked nowadays. Okay na sa'kin kahit hindi ko malaman kung sino ang ama ng anak ko. At kung ikaw din lang, mas mabuting hindi ko na talaga malalaman pa." Mariin niyang paghayag. Hindi na niya kailangan pang makipagdiskusyon dito ng mas matagal tungkol sa kahit ano'ng bagay. She looked at him with fixated gaze once more, saka na siya nagdesisyong tumalikod.

"Hindi mo siya mahal."

Napihit na niya ang doorknob at bahagyang nabuksan ang pinto nang muli itong magsalita. Wala man itong binanggit na pangalan, alam na alam niya kung sino ang tinukoy nito. Agad na pumasok sa isip niya si Dylan Eros.

Napakainteresante para sa kanya ang pahayag ni Kinn kaya siya napalingon dito. She took some time to think before she gave him an answer. "Kailangan ko siya." Sabi niya. Bakit naman kasi niya aaminin ang isang importanteng bagay sa isang taong hindi mapagkakatiwalaan?  She knows what she feels, and she's aware of it, pero hindi niya maaaring basta na lang sabihin ang totoong nararamdaman niya sa kung sinu-sino lang.

"Alam ko. Ginagamit mo lang siya bilang suporta, ginagamit mo lang siya para sa anak mo. But you don't have feelings for him."

"I have feelings for him. Hinahangaan ko siya." Mabilis niyang sagot.

"Pero yung romantic feeling... Wala ka naman talagang gusto sa kanya, di ba?"

Gusto niyang bumuntung-hininga nung mga oras na iyon. Bakit ba kailangan pa siya nitong kwestiyunin? Kung ano'ng nararamdaman niya, hindi na dapat nito inaalam at pinapakialaman pa. That thing and that person just pissed her off.

"Tama ka, wala akong gusto kay Dylan Eros, but it's up to me to decide until when he can stay beside me. Hanggat kailangan ko siya, gagamitin ko siya." It's a bluff. Pinaninindigan talaga niyang huwag ipaalam sa iba ang totoo niyang nararamdaman. "Maiwan na kita." Sabi niya at tuluyan na niya itong tinalikuran.

Confident niyang binitawan ang mga salitang iyon sa harap ng ex-boyfriend niya sa pag-aakalang wala siyang masasaktang damdamin o maaapakang ego. Ngunit nang tuluyan na niyang mabuksan ang pinto, laking-gulat niya nang bumungad sa harap niya ang hindi maipintang mukha ni Dylan Eros.

Base sa hindi normal na itsura nito, sigurado siyang narinig nito ang mga sinabi niya.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon