PANG-31: Bukambibig

9.7K 306 20
                                    

Heluuu!! I'm back! After 987654321 years! 😂😂😂 Sorry sa mga pinaghihintay ko. Asahan niyong simula sa araw na ito, regular na ulit ang UDs ni IBetYouKnowMe. 😊 Later, mag-popost din ako ng UD sa A Demon's Vixen tsaka ipo-post ko na din yung kay Nessy. 😁 Vote na po para sa susunod na update!

IBetYouKnowMe

==============
==============

Chapter 31

Parang hindi makapaniwala si Skylight nang makaapak siya sa bahay ng mag-asawang kinikilalang Ina at Ama ng kanilang siyudad. First time niyang pumunta sa bahay ng mga Madrigal, at kung hindi pa siya pinilit ni Dos ng maraming beses, hindi niya iisiping pumunta roon. Dala-dala niya ang kanyang baby, na nung mg oras n iyon, ay mahimbing na natutulog sa mga braso niya.

"Attorney Magsaysay?" Bahagyang nagulat ang tono ng kasama niyang si Dos nang madatnan nila ang Lawyer na mag-isang nakaupo sa malambot na sofa ng engrandeng living room.

Tumayo si Attorney Magsaysay at nakipagkamay kay Dos. Gagawin rin sana nito iyon sa kanya ngunit hindi malaya ang mga kamay niya. Nagngitian na lang sila bago ito bumati. "Kumusta, Miss Ong?"

"Mabuti naman, Attorney." Simple at mahinhing sagot niya. Huli niya itong nakita noong huling araw ng trial ng kanyang kaso sa korte, at hindi rin sila nakapag-usap noon kaya hindi pa siya nakakapagpasalamat rito sa pagtulong nito sa kanila. "Thank you nga pala nung ㅡ ." Pasasalamatan dapat niya ito dahil sa pagbibigay nito sa kanila ng itinagong CCTV footage mula sa Lee Garden Inn ng kampo ni Adrianne, ngunit pinigil siya ng  nito.

"You don't have to, Skylight. Trabaho naming mga lawyer ang ipagtanggol ang aming mga kliyente, kriminal man sila o biktima, pero tungkulin natin bilang tao ang gawin kung ano'ng tama. If there's someone you have to thank to, it's Dos. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana maliliwanagan ang isip ko."

Napasulyap siya sa katabing lalaki, tapos ngumiti siya ng pasimple. Sa isip niya, kahit hindi naman siya magsabi, alam na ni Dos kung gaano siya ka-thankful. Siguro para sa iba, napakamalas niya dahil sarili niyang pamilya ang kalaban niya, ngunit para sa kanya ㅡ maswerte siya. Because she has a man.

She's grateful. Although, andaming kapalpakan ni Dos, kahit parang lalampa-lampa ito, kahit gumagawa ito ng kahihiyan, o takot sa napakaliit na ipis at kahit minsan parang si Sakuragi ng Slamdunk ito kung kumilos at magsalita, iyon naman ang mga bagay na nagpapaespesyal dito. Alam niyang likas itong mabuti, at matalinong tao ㅡ natakpan lamang iyon ng pagkabigo at sakit.

Alam niyang hindi siya nagkamaling piliin si Dos.

Nang magpaalam si Attorney Magsaysay, inanyayahan siya ni Mrs. Madrigal na pumunta sa dining room upang kumain ng lunch. Iniwan muna nila si Baby Aeious sa isang maid upang sila ay makakain ng maayos. Masaya siyang kumain katabi si Dos at kaharap ang Mama at Lola nitong walang ibang mga ginawa kundi ang magpakita ng pagkagusto sa kanya. Kakatwa nga naman talaga na ibang tao pa ang nagbibigay ng kaukulang atensyon sa kanya, ibang mga tao ang ngumingiti at pumupuri sa kanya sa halip na ang kanyang sariling pamilya. Gayunpaman, labis siyang nagpapasalamat.

"I know, this little guy will grow up so handsome. Naku, oh! Pangiti-ngiti, oh! Parang naintindihan niya yung sinabi ko." Tumawa ang lola ni Dos pagkatapos iyong bigkasin. Kinalong niya si Baby Aeious pagkatapos nilang mananghalian, habang sila ay nasa sala. Kakaalis lang din naman ni Mrs. Madrigal nung mga oras na iyon upang tugunan ang tungkulin sa city hall.

Napapangiti na lamang si Skylight habang pinapanuod ang matanda na nilalaro ang kanyang anak. Panatag ang kanyang loob. Alam kasi niyang hindi lang dahil sa may utang-na-loob ang pamilya Madrigal sa kanya kaya mabait ang mga ito sa kanya at sa baby niya, o kaya tanggap siya ng mga ito kahit isa siyang maituturing na disgrasyada. Hindi iyon ganoon. Likas na mabuti ang pamilyang ito. Likas na maunawain. Sa oras na makasal sila ni Dos ㅡ kung sakaling dumating ang pagkakataong iyon ㅡ, alam niyang bukal sa loob na ituturing ng mga matatandang Madrigal na parang tunay na apo ang anak niya kahit hindi nila ito kadugo.

Pangiti-ngiti siya habang nag-iisip ng mga bagay-bagay nang tumunog ang kanyang cellphone. Inilabas niya iyon mula sa sling bag niya at sinagot ang tawag mula sa isang unregistered number.

"Ito po ba si Miss Skylight Ong?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

"Ako nga. Bakit?"

"Ma'am, sa Cherry General Hospital po ito. Gusto lang naming ipaalam na yung boyfriend niyo naaksidente  at kasalukuyang naka-admit sa private ward."

Awtomatikong naningkit ang mga mata niya nang marinig ang salitang 'boyfriend' at napasulyap pa siya kay Dos. Tila naintriga naman ang huli kaya siguro siya nito tinitigan ng malalim.

"Sorry, pero... kasama ko ngayon ang boyfriend ko at hindi siya na-involve sa anumang aksidente." Lalo siyang binigyan ng nakakaintrigang tingin ni Dos. Papatayin na dapat niya ang tawag na inisip niyang isa lamang uri ng 'prank call', ngunit may narinig siya mula sa kabilang linya na pumitik sa kanyang ulo.

"Baka kilala niyo po si Kinn Torres? Nag-pass out siya pagkatapos niyang ibigay ang contact number niyo. Until now, hindi pa siya gising. Bukambibig niya ang pangalan niyo bago siya nawalan ng malay."

Sandali siyang natahimik. Kapagkuwan ay nagpakawala siya ng malalim na hininga bago niya kinuha ang hospital room information ni Kinn Torres. Hindi siya sigurado kung totoo ngang naaksidente ito, dahil maaari lang ding gumagawa lang ito ng paraan upang magkita sila ㅡ subalit pupunta siya. Pupunta siya at ipapaalam niya sa lalaki ang kanyang saloobin.

Tumayo agad siya nang matapos ang tawag. "Okay lang po ba kung dito muna si Aeious?" Tanong niya sa matandang kasama nila. "Kukunin ko na lang ho siya mamayang hapon."

"Oh, it's absolutely fine, iha. Mabait naman si Baby, e." Magiliw na sagot ng matanda.

"Sa'n ka pupunta?" Tumayo si Dos at pinakitaan siya nito ng nag-aalalang titig.

Nag-alangan siyang sumagot. Hindi niya masigurado kung dapat ba niyang sabihin rito ang tungkol sa lakad niya, o kung dapat ba siyang lumakad at harapin ang kanyang ex-boyfriend. May alinlangan siya sa parehong bagay. Ngunit ano bang mali sa pagpapaalam na pupuntahan niya ang kanyang ex? At ano bang mali kung pupuntahan niya ito? At least, she won't go there to do some kind of cheating.

Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, sinagot na rin niya ang tanong ni Dos. "Pupuntahan ko si Kinn sa ospital, naaksidente raw siya."

In an instant, nakita niya kung paano nagbago ang facial expression ng lalaki. It turned partially dark, at may tanong sa mga mata nito. Ngunit hindi nawala ang pag-aalala roon.

Akala niya hindi siya nito papayagan. Akala niya pipigilan siya nitong pumunta sa kung saang parte ng impyerno naroon si Kinn Torres. Akala niya magtatanong ito kung bakit kailangan pa niyang puntahan ang ex-boyfriend niya. Pero nagkamali siya.

Dylan Eros did the most proper thing a gentleman would ever do.

"Tara. Sasamahan kita." Seryoso nitong saad.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon