PANG-PITO: Engaged

11.7K 374 12
                                    

For ThisGirlIsMeh. Ito lang nakayanan ko. Hehe. Salamat sa pangungulit. 😂 Labyu.

~IBetYouKnowMe

•••

Dylan Eros wasn't really feeling blithe the moment Skylight handed him a paper where she wrote the agreement. Hindi siya makapaniwala sa kanyang pinasok. Ngayon na lang niya napagtantong hindi talaga pag-aasawa ang pinasok niya kundi pagpapatali sa asawa. Kapag dumating ang araw na kasal na sila, nangangamba siyang baka bigla na lamang siyang tawaging under-the-saya ng kanyang mga malulupit na kaibigan. If earlier, he was willing to pay with his body, now he's completely hesitant.

Reading the the agreement, hindi niya alam kung ngingisi siya, iiyak o hahalakhak.

"Magsasama tayo sa iisang bahay, pero hindi muna tayo magpapakasal. We will wait for the time when we're both ready. Kapag nahulog na tayo sa isa't isa at gusto na natin." Skylight stated as she sat on her couch. Dinala nito sa kanyang bahay si Eros pagkatapos nilang makipag-usap sa ex-boyfriend nito at sa half-sister nito. He was truly surprised when he learned that she's living on a small apartment. Akala niya ay mansyon ang bahay nito. Du'n palang, nadismaya na siya.

Bahagya siyang napailing. Isang dahilan kung bakit ginusto niyang magpakasal dito ay para makabalik siya sa parents niya, dahil nangako ang mga ito na susustentuhan siya ulit ng mga ito sa oras na makasal siya. Ang kaso, mukha matatagalan pa pala iyon.

"We will live together, but it doesn't mean na ako ang magpapakain sa'yo at gagastos sa mga kailangan mo. Tandaan mo na yung bayad ko sa'yo ay yung binayaran kong utang mo. Go and find a job." Skylight blabbered again, causing him to slightly feel irritated. Mali. Dahil inakala niyang magiging maginhawa ang buhay niya sa piling ng babaeng ito. Nagkamali talaga siya ng desisyon.

"Be the father of my son, kahit na hindi pa tayo kasal. Mas maganda kung ngayon pa lang, ilapit mo na ang sarili mo sa kanya, nang mamulat siyang may Ama talaga."

Napamura siya sa isip. Paano niya gagawin 'yun kung hindi naman siya mahilig sa bata? There comes another challenge. Pakikiligin niya ang babaeng ito para mahulog ito sa kanya, magbabanat siya ng buto, at mag-aalaga ng baby. Talaga namang sinuswerte yata siya sa malas na paraan.

"Hugging, kissing, and the likes are not big deals. I'm okay with it as long as I'm in a good mood ㅡ."

"What about sex?" He absentmindedly asked without thinking na baka ma-offend ang babae. Napalunok siya nang makitang namula ang pisngi nito. Nagmura na naman siya sa kanyang isip. Minsan talaga hindi niya napipigilan ang bunganga niya.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Skylight. Kahit ang ganoon kasimpleng galaw nito ay nakakapagdulot sa kanya ng kakatwang pakiramdam. Nababahala siya sa tuwing tinititigan niya ang magandang mukha nito, ngunit ayaw niyang tanggalin ang mga mata niya rito. She's so beautiful in every way.

"Well... let's consider that... after exchanging vows."

Tumango siya, pero ang totoo, hindi gusto ng kalooban niya ang kanyang narinig na sagot. He is still a man. And living with a woman like Skylight will be hard for him to restrain himself. Sigurado siya do'n, dahil nung una pa lang niya itong makita, nakaramdam na siya ng kakaiba sa ibabang parte ng kanyang katawan.

"Two months pa lang ang baby ko, Dylan Eros. Nagpapa-breastfeed pa ako kaya huwag ka munang umasa sa ganoong bagay."

Okay. Naiintindihan niya. Susubukan niyang intindihin. Kaya naman siguro niyang mag-kontrol ng sarili hanggat wala itong gagawing anumang bagay na pwedeng ikatakas ng kanyang katinuan. He can be a gentleman as long as it is needed.

"Starting from now, you're my fiance. You can't be with any other girls anymore. You can't date anyone except me. Kapag kaharap natin ang half-sister ko, ang ex ko, ang Daddy ko at lahat ng nakakakilala sa'kin maliban kay Melvin, maging malambing kang partner... Hindi ka na pwedeng magsugal. Pwede kang tumaya sa sweeptakes pero hindi sa casino. Pwede ka rin namang pumunta sa bar since pera mo naman ang gagamitin mo huwag ka lang mag-uwi ng babae. Lastly... when you broke one of my rules on our agreement, si Mr. La Cueste na ang bahala sa'yo."

Pagkatapos niyang marinig ang mahabang pahayag nito na para sa kanya ay isa nang talumpati, umupo siya sa tabi nito. He faced her so that he can stare at her unblemished face closely. Para siyang tumitig sa pinakanagniningning na butuin. In a sudden, his chest started to pump abnormally. Akala niya pagkailang lang iyon, ngunit habang tumatagal, lumalala ang pagpintig ng kanyang puso. Pigil ang hininga niya habang paunti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha kay Skylight.

"What are you doing?" She asked as her eyes narrowed.

"Sabi mo simula ngayon, engaged na tayo. Sabi mo pa hindi big deal ang yakap at halik... Ano sa palagay mo ang gagawin ko?" His voice suddenly turned manly and hoarse. Nakaramdam siya ng panggigil nang makita niyang namula na naman ang pisngi ng babae. How would he control himself now that he is staring at such cute gesture?

He noticed that Skylight didn't make a move. Hindi ito nakatingin sa kanya, at mariing nakatiklop ang labi nito. Naiilang ito at nahihiya. May anak na nga ito ngunit mukhang wala pa itong masyadong experience.

He's getting close to her lips. At curious na curious na siya kung gaano ito kalambot. Her face, her eyes, her lips, lahat ng iyon ay sedaktibo, lahat ng iyon ay nag-aanyaya sa kanya. He swallowed his own drool to prepare himself for a new kind of food he's about to taste. He's nervously excited. Panay ang kabog ng dibdib niya kaya hindi siya makahinga ng maayos. Kinakabahan siya na para bang ito ang unang beses na gagawin niya ang bagay na ito.

Then there's a sudden knock on the door. "Ma'm Skylight, nandyan ka na ba?!" Sigaw ng babae mula sa labas. Kasabay niyon ay may narinig siyang pag-iyak ng isang sanggol.

Tumayo si Skylight at mabilis na nagtungo sa kanyang pinto upang buksan ito. Kinuha niya ang baby mula sa babae at maingat itong kinarga.

"Hello, baby. Shhh... don't cry, Mommy's here now." Her lips landed on her baby's cheek, and that was one of the most beautiful scene Dylan Eros have ever watched.

His heart skipped a beat.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon