Pang-26: Right justice

9.6K 331 21
                                    

First day of court trial.

Nasampahan ng kasong assault si Skylight at hindi kaya ni Dos na basta na lang tumahimik. Lumapit siya sa Lawyer ng babae at sa Prosecutor na may hawak ng kaso upang itayo niya ang kanyang sarili bilang witness. Meron siyang hawak na alas. Inutusan na niya si Gian kasama ng Inspector na kumuha ng cctv footage mula sa Lee Garden Inn kaya kampante siyang sumumpa sa harap ng judge na magsasabi siya ng totoo at pawang katotohanan lamang. He confidently sat at the top front of the courtroom.

Siya ang unang witness na maglalahad ng kwento, at susunod si Adrianne.

Tinitingnan niya si Skylight sa baba, katabi nito ang lawyer nito. Sa unahan ng kabilang hanay naman ng upuan ay nakaupo sina Adrianne, ang parents nito at parents ni Kinn. Unconscious pa rin ang huli hanggang ngayon dahil nagka-hemorrhage ang ulo nito kaya hindi pa ito makukuhanan ng pahayag. Gayunpaman, hindi na mahalaga iyon. Darating ang pinakamatibay na ebidensiyang magpapatunay ng totoong nangyari.

"Attorney Francisco, maaari mo nang simulan ang pagtatanong sa witness." Pagbibigay permiso ng judge.

Tumayo si Attorney Francisco, ang Lawyer ni Skylight, at pumunta sa harapan ni Dylan Eros. Huminga ng malalim ang huli bago nagsalita ang lawyer.

"Mr. Dylan Eros Madrigal, maaari mo bang ilahad ang kabuuan ng mga eksenang nakita mo nang dumating ka sa pinangyarihan ng sinasabi nilang assault?"

Tumango siya. "Nagpaalam sa'kin si Skylight na magsi-CR siya pero nakita ko siyang lumabas sa exit door. Naisip kong baka hindi niya alam kung saan ang CR kaya sinundan ko siya. Pero naunang lumabas sa'kin si Kinn Torres. Pagbukas ko ng pinto, narinig ko agad ang pagsigaw ni Miss Adrianne Ong."

"Naaalala mo ba kung ano'ng isinigaw niya?"

Tumango ulit siya. "Wag kang makialam dito, Kinn... Batid ko na noon na nag-aaway sina Adrianne at Skylight, dahil magulo ang mga buhok nila, at sinubukan silang awatin ni Kinn Torres. Pagkatapos sumigaw ni Adrianne, itinulak niya ang lalaki. Natapilok ang lalaki sa may hagdanan at nawalan ng balanse kaya ito nahulog."

"Kung gano'n, si Adrianne Ong ang nangtulak sa biktima at hindi si Skylight Ong?" Tanong ng Lawyer bilang paglilinaw.

"Tama. Si Adrianne at hindi si Skylight." Mariin niyang pahayag.

"HINDI TOTOO 'YAN!" Masyadong defensive na sigaw ni Adrianne mula sa baba. Nakatayo na ito at pilit inaawat ng pamilya nito. "You're lying!... Your honor, he's lying!... Of course he would defend and cover up Skylight cause they are lovers! NAGSISINUNGALING LANG SIYA!"

Pinatahimik ng judge ang lahat at tinawag nito ang Lawyer ng kabilang kampo na si Attorney Magsaysay, na private Lawyer naman ng kanyang pamilya kaya kilalang-kilala niya ito. Kaya hindi na siya nagtaka nung hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.

The woman on the left row was quietly sitting and waiting for the right justice. Kalmado lang ito. Ni minsan, hindi niya ito narinig na nag-freak out upang idepensa ang kanyang sarili. Tama na yung isang beses nitong sinabi na wala itong kasalanan sa kalmadong pananalita. Iyon ang pagkakaiba nito sa babaeng nasa kabilang panig at panay ang depensa sa sarili. Kung titingnan si Adrianne ng taong may mapanuring mata at utak, mahahalata niyong guilty ito.

"Your honor..." Pag-uumpisa ni Atyorney Magsaysay. "May punto ang kliyente ko. Hindi natin pwedeng basta-bastang pakinggan at paniwalaan ang mga pahayag ni Mr. Madrigal dahil maaari ngang gawa-gawa lang nito ang kwento upang pagtakpan ang katotohanan na si Miss Skylight Ong nga ang nangtulak sa biktima. Boyfriend ni Skylight si Mr. Madrigal. Nagtataka nga ako kung bakit hindi tinanong ni Attorney Francisco kanina kung ano ang relasyon nito sa akusado. Ngunit naniniwala akong hindi naman ito itatanggi ni Mr. Madrigal..." Tumingin si Attorney Magsaysay sa kanya. "Hindi ba?"

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon