PANG-62: Panget

9.9K 314 21
                                    

Dos felt an overwhelming sensation before, while, and after Skylight kissed him. Pansamantala siyang hindi nakapagsalita dahil parang hindi kapani-paniwala ang sinabi nito. That was just a three-letter phrase pero alam niya kung gaano kalalim ang ibig-sabihin no'n. Napakalalim. Tumagos iyon sa puso niya.

He wanted to say "I love you, too." Kaso, dahil sa pagkabigla niya, hindi niya kayang ibuka ang kanyang mga bibig. Inisip pa niya kung nananaginip ba siya o nag-i-ilusyon lang, because for him, Skylight's I love you was so good to be true. Tapos sinabi pa nito iyon pagkatapos niyang ipagtapat rito na siya ang ama ni Aeious. Hindi ba dapat ay nagagalit ito sa kanya?

"Hindi ka galit?" Finally, he gained courage to ask. "Kasasabi ko lang na ako ang totoong tatay ni Aeious." Dagdag niya. Nakakapagtaka namang hindi ito magagalit matapos niyang ilihim iyon ng isang buwan. Atsaka, normal lang dapat na magalit ito kasi nga iniwan niya ito noon pagkatapos niya itong angkinin ng ilang beses. Inaasahan pa nga niyang makakatikim siya ng sampal mula rito, but he tasted her tasty lips instead.

Umiling ang babae. "Siguro nagtampo ako dahil hindi mo agad sinabi sa'kin kahit nalaman mo na. Nagtampo ako ng slight."

"Ibig mong sabihin..." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Kelan mo pa nalaman?"

"Nung araw na may nag-donate ng bone marrow kay Aeious." Sagot nito. Tumayo ito at nilapitan ang microwave dahil tumigil na ang pag-ikot ng timer niyon. "Wala akong tiwala kay Kinn kaya inutusan ko si Melvin na alamin kung sino talaga yung donor." Pagkukwento nito habang inilalabas ang mga naka-tupperware na pagkaing ipinainit nito mula sa microwave.  "Since ayaw magsalita nung mga nurses at doktor, nakipag-ugnayan na lang si Melvin sa admin at security ng ospital. Take note, nagbayad pa ako ng malaki para lang do'n." Hinarap na siya nitong muli. "When I found out that it was you, aaminin ko gusto kitang kumprontahin no'n, but I chose to wait for your confession. Gusto ko kasing ikaw mismo ang magsabi. Kaso, wala ka pa ring sinabi kahit nung magpaubaya ako sa'yo..."

"Kaya 'yun, hindi ako nagpaalam. Hindi ako nagparamdam. But, believe me, Dos, hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Honestly, I cried of joy because it was you. It's a satisfying relief kasi ikaw lang pala 'yon. At least hindi na natin kailangan ng masyadong adjustment kasi kilala na natin ang isa't isa... kasi... may feelings na tayo para sa isa't isa... Hindi ba't masaya sa pakiramdam na ikaw lang din naman pala ang Papa ni Aeious?... Hindi ba...?"

Everything during that moment was too good to be true. Ngunit malinaw na kay Dos na hindi lang isang panaginip ang lahat. It's happening for real. Hindi galit sa kanya ang babae at hindi ito magagalit dahil mahal nito ang taong nagbigay kay Aeious rito. Mahal siya nito.

Kaya naman, obligado siya o hindi, susuklian niya ang pagtanggap at pagmamahal na iyon ng higit pa.

Tumayo siya at siya naman ang humakbang palapit sa kinatatayuan nito. Niyakap niya ito mula sa likod at hinalikan ang gilid ng ulo nito.

"Thank you..." He sweetly whispered, before turning her around so that they're facing each other. Then he kissed the tip of her nose. "Mahal din kita." Aniya. Di nagtagal ay nakalimutan na nila ang gutom at paghahanda ng pagkain dahil muli na naman nilang pinagsaluhan ang init ng pagmamahal nila para sa isa't isa.

◈●◈

After a year...

"Panget ka."

"Sino'ng pangit?" Natatawang tanong ni Skylight. Kasalukuyan silang papunta sa Golden University at si Dylan Eros ang nag-d-drive ng itim nilang sasakyan.

"Shi Papa." Sagot ni Baby Aeious sabay turo sa kanya. Malapit na itong mag-2 years old kaya magaling na itong magsalita, although, kadalasan ay nabubulol pa ito lalo na sa mga letrang s, l, at r. Bukod pa sa pagiging madaldal ay sobrang likot din nito. Mag-isa lang itong bata sa bahay nila, pero parang may inaalagaan silang sampung makukulit na biik.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon