Tula #75

145 14 3
                                    

"Buwan at Tala"

Gabi na naman
Napakaliwanag ng buwan
Bigla kang sumagi sa aking isipan
Iyong kasama kita sa paborito nating tambayan

Matagal akong nasanay na kasama ka
Lalo na sa gabi habang tinitingnan ang mga tala
Tapos magkukwento ka at kalauna'y tatawa
Pagkatapos malulungkot hanggang umiyak bigla

Pero ngayon mag-isa na lang ako
Mag-isang nakaupo sa tambayang pangako
Patak ng luha'y unti-unting tumulo
Alaala ng kahapo'y kumikirot sa aking puso

Tunay ngang napakalawak ng mundo
Tayo'y pinagtagpo pero kalauna'y pinaglayo
Gaano ka man katapang na sundin ang pangako
Sisirain din ito ng tadhanang mapaglaro

Ikaw at ako ay parang buwan at tala
Pinagtagpo man at pinaglapit pero hindi nakatadhana.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now