Tula #77

90 6 1
                                    

"Wasak na Piraso"

Ilang araw na rin pala akong balisa
Wala na rin akong maisip na salita
Makahanap man ako ng paraan na magtugma
Hindi pa rin sapat na walang paksa.

Ideya'y tuluyan nang naghalo
Kamay ko'y gusto ng sumuko
Pero lumalaban pa rin ang puso
Kaya kahit malabo
At ilang beses pa mang mabigo
Pipiliting buuhin ang mga letra't salita
Winasak mo man ang puso ko
Pagdidikitin ko ang bawat piraso
Sa pamamagitan ng mga tulang likha ko.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now