Tula #65

409 16 2
                                    

Tula #65: "Minahal Kita Kahit Na May Siya"

Hindi ko naman talaga ginustong mahulog sayo
Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko
Iniwasan kita
Sinungitan kita
Minsan nga ay tinatakasan pa
Pero bakit ganun ang tadhana?
Habang nilalayo ko ang sarili ko
Gumagawa naman siya ng paraan para pagtagpuin tayo
Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin, mahal
Ikaw ba?
Sarili ko ba?
O 'yong mapaglarong tadhana
Maling-mali kasi talaga
Hindi na ito tama
Pagod na ang utak ko
Nasasaktan na rin ng husto ang puso ko
Pero mas masakit ang katotohanan
Na wala kang alam sa nararamdaman ko
Ba't kasi hinayaan ni Kupido na maging komplikado?

Alam mo bang...

"Minahal pa rin kita kahit may siya"

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now