Tula #33

1.8K 68 16
                                    

"Ikaw at Ako"

Ikaw at ako
Dalawang salita na kung pagsasamahin
ay mabubuo ang tayo
Tayo na siyang pinapangarap ko
Tayo na siyang hinihintay ko
Tayo na magpahanggang ngayon
ay pinagdadasal ko
Pero napagtanto ko na ang
bagay na hinihiling ko
Ay imposible at masyadong komplikado
Dahil kahit anong pagpupursige pa
ang gawin ko
Kung wala akong kapit diyan sa puso mo
Wala ring magbabago
Mananatiling ikaw ay ikaw
At ako ay ako
Pagbabaliktarin man ang mundo
Wala pa ring tayo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon