Tula #22

2.6K 107 11
                                    

"Tayo Pero May Kayo"

Tayo.

Ang tanging salitang mapag-iisa
ang dalawang tao.

Ang tanging salita na nagsasabing
may "ikaw at ako".

Ang tanging salitang pinanghahawakan ko.

Ang tanging salitang pinapahalagahan
ko ng husto.

At higit sa lahat,

Ang tanging salitang ipinaglalaban ko.

Akala ko tayo lang.

Akala ko "ikaw at ako" lang.

Pero bakit may extra pang isa?

Bakit kailangang may reserve pa?

Pinagmukha mo lang akong tanga.

Pinagmukha mo lang akong bobo.

Dahil ang akala kong "tayo"

Ay posible rin palang magkaroon ng

"kayo".

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now