Tula #32

1.9K 68 5
                                    

"Kasalanan Ko"

Kasabay ng pagdating mo
Ay ang pag-usbong ng nararamdaman ko
Hanggang sa makilala kita
At tuluyang nabihag itong puso ko sinta
Ilang araw pa lang ang lumipas buhat ng tayo'y nagkakilala
Pakiramdam ko ay lubusan na talaga kitang kilala
Pero nagkamali ako ng akala
Dahil iniwan mo pa rin akong lumuha ng mag-isa
Dapat nga ba kitang sisihin
Dahil pag-ibig ko sayo'y hindi mo napansin?
O ang kasalanan ay sa sarili dapat ibaling
Dahil hindi mo naman talaga ako pinaasa
Sadyang mabilis lang talaga akong nahulog sayo aking sinta
At huli na nung mapagtanto ko
Na nalulunod na ako sa dagat ng pag-ibig na likha ni Kupido.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now