Tula #1

15.6K 524 67
                                    

"HAWAK KAMAY"

Nakagawian na nating dalawa,
Ang paghahawak natin ng kamay
Sa tuwing tayo'y may problema
Ito ang ating naging pampakalma.

Alam ko naman sa sariling
Walang Tayo.
Pero sa tuwing magkadikit
ang ating mga kamay
Bakit pakiramdam ko'y ikaw ang
nawawalang piraso ng aking buhay?

Oo. Kasalanan ko.
Mabilis akong nahulog sayo.
Pero alam kong hanggang
doon lang tayo.
Hanggang hawak kamay lamang
Dahil hindi pwedeng maging tayo.
Malabong maging tayo.

-Kuroru

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now