Tula #51

1.1K 26 10
                                    

"Luma Na Ba Talaga Ako?"

Mahal, sabi mo dati sa 'kin
"Hindi tayo tao dahil bagay tayo"
Oo. Bagay.
Iyon ang kaisa-isang salita na hindi ko makalimutan
Siguro dahil pareho pa tayo noon ng nararamdaman
Yung tipong nagtutugma pa ang ating puso't isipan

Pero sa pagdaan ng araw,
Bigla kang nagbago
Bigla kang nanlamig
Kahit anong sabi ko na "ayusin natin 'to"
Tahimik ka lang at hindi nakikinig
Hanggang sa dumating yung araw na hindi ka na bumalik

Bigla ko tuloy naisip yung sabi mong "bagay tayo"
Bagay nga ba talaga tayo?
O baka naman ako ang tinutukoy mo
Pakiramdam ko kasi ako yung bagay na yun

Yung bagay na madali mong ipagpalit
Bagay na madali mong itapon
Bagay na kapag luma na ay kailangan ng palitan ng iba na mas bago

Mahal, luma na ba talaga ako para sayo?
O baka naman yang puso mo ay kinakalawang na ng husto
Na kahit ayusin pa at kumpunihin
Hindi ko na kayang muling paganahin.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now