Tula #45

1.1K 36 4
                                    

"Hindi Lang Ikaw"

Mahal mo siya walang duda.
Kaya nga naging kayo di ba?
Nagpapalitan pa kayo ng mga salita
Na tanging ginagawa lamang
ng mga magsyota.

Mahal mo siya pero...

Sigurado ka bang mahal ka talaga niya?
Sigurado ka bang ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay niya?
Sigurado ka bang mamahalin ka
niya ng tuluyan?
Yung tipong pangmatagalan at magpakailanman
Habang ikaw ay abala sa atensyon at pagmamahal na binibigay mo sa kanya
Nakasunod ako sayo at lihim na pinagmamasdan ka
Pilitin ko man ang sarili ko hindi ko maiwasang mag-alala
Puso't utak ko ay nababalot ng matinding pangamba
Baka kasi ang inaakala mong kayo hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ay mauwi lamang sa mabilis na hiwalayan.

Mahal, pagkakatandaan mo
Hindi lang sa iisang bulaklak dumadapo ang paru-paro
Dahil hindi lang isang bulaklak ang namukadkad sa hardin
May iba pang pwedeng lapitan at
pwedeng dapuan
Kaya payo ko lang, tiyakin mo
sana ng lubusan
Baka ikaw ang bulaklak na maiiwan at isasantabi lamang.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now