Tula #37

1.7K 59 24
                                    

"Minahal Lang Kita Pero Di Ka Kawalan"

Masakit isipin na dati ikaw ay naging akin
Kung paanong nabuo ang aking mundo
At ikaw ang naging sentro ng pag-ikot nito
Hanggang sa tuluyan na akong nasanay
sa presensiya mo.

Ang mga halik mong dati ay naging akin
Ang mga yakap mong mahigpit na maganda sa damdamin
At ang walang kasing bato mong puso
ay nagawa kong patibukin

Pero isang araw biglang nagbago
ang ikot ng mundo
May kung anong harang ang pumagitna
sa ating mundo
Na naging sanhi ng agarang pagbabago
Hanggang sa magising ako
na wala na palang tayo.

Kung dati ako ang bumubuo ng araw mo
Ngayon ay may "siya" na naging buhay
mo na rin at mundo
Pilit mong pinagsiksikan ang sarili
niyo sa mundo ko
Na para bang gusto mong isampal na
may bago ka ng mahal.

Mahal gusto kong malaman mo
Na hindi na umiikot ang mundo
ko para sayo
Hindi lang ikaw ang nag-iisang
planeta sa kalawakan
Dahil sigurado akong mayroon
pang iba diyan
At darating ang punto na may makakatagpo ako
Na isang tao na kabaliktaran ng
pagkatao mo
Pasensiya na mahal pero,
Minahal lang kita pero di ka kawalan.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon