Tula #24

2.6K 101 38
                                    

"Third Wheel"

Sa buhay may mawawala at may darating
Nawala siya na parang bula
At ikaw naman ay biglang dumating
Ang mundo kong madilim na
Binigyan mo ng katiting na pag-asa

Ikaw ang nagsilbing tanglaw ko
Para tahakin ang magulong landas ko
Hanggang sa dumating tayo sa punto
Na nagkasalisihan tayo sa kanto
Kaya...

Siya ang natagpuan mo,
sa halip na ako
Siya ang nakasama mo
na dapat sana ay ako
Siya ang kahawak mo
habang wala ako

Pero siguro nga kasalanan ko
Dahil naging makasarili ako
Tinuring kitang pagmamay-ari ko
Kahit na hindi naman talaga tayo
At sa storya niyong dalawa
Ako nga pala ang lumalabas na extra

Ako ang nagsilbing Wu Bo Song mo
Na taga salo sayo
kapag nasasaktan ka,
Na tagapagpasaya sayo
kapag nalulungkot ka,
Na kaibigan lang ang turing mo
Kahit mahal na mahal ka.
At hanggang doon lang ang papel ko
Dahil kahit kailan,
Hinding-hindi ako ang magiging Jiang Chen na pinapangarap mo
Third whee lang kasi ako.

Inspired by: A Love So Beautiful

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon