Tula #12

4.8K 190 25
                                    

"MAHALIN MO 'KO KAPAG"

Mahalin mo 'ko kapag
wala ka nang makikitang
alon sa dagat.

Mahalin mo 'ko kapag
tumigil na sa pagkislap
ang mga bituin.

Mahalin mo 'ko kapag
kulay bahaghari na
ang mga ulap

At kapag posible na
ang lahat ng iyon,

Baka sakaling magbago
ang isip ko at
manatiling ikaw pa rin
ang laman ng puso ko.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now