Tula #47

1.1K 40 6
                                    

"Bakit?"

Lumayo ako.
Dumistansya.
Naglakbay.
Nagliwaliw.

Simula kasi ng wasakin mo ang puso ko.
Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Hindi ko na mahanap yung dating ako.
Kaya pinilit kong magpakasaya.
Kung saan-saang lugar na ako dinala ng sarili kong mga paa.
Akala ko kasi epektibong paraan iyon para makalimutan ka.
Pero kahit saan ako magpunta.
Ikaw pa rin ang hinahanap sa tuwina.
Ikaw pa rin ang gustong makasama.

Ginawa ko naman ang lahat.
Pinilit kong layuan ka.
Pinilit kong kalimutan ka.
Pinilit kong maghanap ng iba.
Pinilit kong mag move on.
Pero bakit ganun mahal?
Sa ginawa kong iyon mas lalo lang kitang minahal?

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now