Tula #69

271 21 2
                                    

Tula #69: Ikaw at Ang Kdrama

Kung mayroon mang bagay
na pinagkakaabalahan ko ngayon

Iyon ay ang panonood ng mga Kdrama
Bukod kasi sa nakakawala ng problema
Kaabang-abang pa ang bawat tagpo at eksena.

Siguro nga'y nilamon na ang
buo kong sistema
Dahil puro panonood na lamang
ang aking ginagawa
Pero normal lang naman 'to lalo
na ngayon na ECQ
Kaysa matulog at kumain lang hanggang tuluyang maburyo.

Pero kahit ano pang bawal at pigil
ang gawin ko
May pagkakataong sumasagi ka
pa rin sa isip ko
Hindi dahil sinadya kong isipin ka,
Kundi may ilang senaryo sa Kdrama na ginagawa rin nating dalawa.

Kaya ngayon napagtanto ko
Na ikaw at ang Kdrama ay
may pagkakapareho
Kayang magpasaya, magpalungkot at dumurog ng puso

Mahal, alam mo
Dahil sa mga Kdrama na napanood ko
Ay may isang bagay nagrehistro sa puso't isip ko...

"Na kung gaano kasarap pakinggan ang salitang 'SARANGHAE' ay mas triple naman ang sakit ng salitang 'MIANHAE' sa bandang huli."

Parang tayo..
Parang ikaw..
Matapos kong marinig sa bibig mo ng napakaraming beses ang katagang
"MAHAL KITA"
Dumating naman ang araw na
sinabi mong "PATAWAD PERO AYOKO NA".

PS: Ang corny nito pero mapanakit pa rin. Hahahaha!

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon